chapter 14

19 1 0
                                    



15 hours until Sirens Night...


Eulyces' POV


October 31. Friday.
It's already 6AM and tatlong oras lang ata akong nakatulog. Past 1AM na kami nakauwi ni Jacob galing sa pagkuha namin ng costume at pag-gala. Isang oras pa ako nag-isip isip tungkol sa natanggap kong text message. Sino ba ang tinutukoy niyang Superbia, at sino ba ang nag-text pa sa 'kin? Ang tindi niya naman manakot. Papatayin niya ako? Edi patayin niya kung kaya niya. Ako pa talaga ang tinakot niya, ha?


Hindi pa ako nakakaligo at nakakapag-hilamos ay pumunta na agad ako sa cafe sa may lobby. Aba, feel at home lang. Umorder lang ako ng to-go na latte at cheesecake. Sa dorm na lang ako kakain. 8AM pa naman ang start ng event so may 2 hours pa ako para mag-prep for the party.


-


Longsleeves, check.
Jumper, check.
Dark blue shoes, check.


All that's left is that I need to tie my hair in a pony-tail and my gore face make-up effects. Ang hirap maghanap ng video tutorial sa youtube, but good thing may nakita agad akong channel na nagtuturo ng make-up effects. Naglagay ako ng glue, tissues, and fake blood sa mukha at parte ng binti ko. Walang available na latex dito, so improvised lang. I know, hindi naman gore sila Tweedledum and Tweedledee, pero I like it this way.


Tumingin ako sa phone ko dahil nag-vibrate ito. Nag-text pala si Aedrille.


We need to talk.


At saktong pagkatapos ko itong mabasa ay may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko naman ay nandito si Aedrille. Wow, ang fast mo naman, ate.


"What is it?" tanong ko sa kanya. Pero feel at home din ang gaga, biglang pumasok. Mukha siyang aligaga, stressed, at haggard. Lahat na! Bago ko pa maisara ang pintuan, nakita ko ang myembro ng Sirens na nasa gilid lang din.


"Girls, come on in," sabi ko sa kanila. Damn, anong gulo ba 'tong pinasok ko?


Lahat sila, mukhang stressed na stressed. Hindi nga 'to naglalalabas ng kwarto nila, eh. Para silang mga kriminal na nagtatago sa batas. Ewan ko ba sa mga 'to, ayaw daw nilang malaman na si Miss Dela Vega ang manager nila.


"E-eulyces, n-nakakatanggap kami ng death threats... H-hindi namin alam k-kung saan galing, pero idadamay ka daw niya kapag nakipagtulungan ka sa 'kin..." mahinang sambit ni Aedrille at halatang naiiyak na siya. So nakatanggap din pala siya ng message. But wait, siya yung tinutukoy na Superbia?


"Ikaw si Superbia?" tanong ko sa kanya. Alam kong magkakaroon na naman ako ng information overload kaya brain, get ready na.


Tumango siya, "O-oo. It means Pride. Lahat kami ay nakatanggap ng message kung saan s-sinabi ng sender lahat ng kasalanan namin," sagot niya at pinakita naman ng ibang babae ang mga natanggap nilang mensahe. Lahat sila ay nakatanggap ng threat na papatayin sila sa mismong Sirens Night.

the suicide murders [ON-HOLD]Where stories live. Discover now