chapter 2

52 2 0
                                    


142 hours until Sirens Night...


Aedrille's POV


"Girls, tara na! Let's take a shot na for our vlog! Sayang oras, oh,"


Hawak ko na ang camera at ito pa rin ako, naghihintay na lumapit sa akin ang mga kagrupo ko, pero wow, chill life sila, ha?


"Aed, mamaya na 'yan. Let's sleep na, it's past 7PM na, oh,"


Napa-roll na lang ako ng mata sa sinabi ni Samira. Napakatamad at antukin talaga kahit kailan.


"Louise?" tawag ko na lang. Baka sakaling makumbinsi ko pa sila.


"Later, Aed. May kausap pa ako, hihi," sagot ni Louise at humarap na naman sa laptop niya. Mukang may kausap na naman na foreigner at lumalandi siya.


Si Irish naman, ayun, mukang nainggit sa ginagawa ni Louise at ginaya rin. Binuksan ang laptop niya at nagsimulang mag-omegle.


Napatingin na lang ako kay Tabitha na busy kumain sa isang sulok at tila ayaw mamigay ng pagkain.


Lumapit ako kay Averyl.


"Averyl, make-up ko 'yan, ah?" sabi ko at akmang kukuhanin na pallettes at bags ko, pero hinawakan niya ang pulso ko. Ang lamig.


"Pahiram lang naman ako, Aedrille," malamig na sambit nito at hindi na ulit ako pinansin.


Seriously, what the hell is wrong with my group mates? Hay.


Agad kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang assistant manager namin. Hawak niya ang isang laptop at inilapag ito sa lamesang nasa harap namin.


"Momshie!" sabay-sabay na sigaw namin at lumapit sa laptop. Isa lamang vocal synthesizer ang nandito at hindi namin kita ang actual face ng manager namin.


"Oh, kumusta naman kayo, Sirens?" sabi ng boses sa laptop. Napaka-discreet niya talaga. Bilang lang sa isang kamay kung ilang beses siya nakikipagkita sa amin ng personal e. At yun lang kapag may celebration kami.


"Ayos naman po kami, Momshie Kara. Kayo po?" sabi ko sa kanya. Nangamusta din ang mga kagrupo ko.


"Ayos lang din. Sige na, magpahinga na kayo at limang araw na lang ay darating na ang gabi natin," sabi ni Momshie at namatay na ang tawag. Agad naman itong kinuha ni assistant manager at dali-daling lumabas.


Okay, so that was awkward.


"Okay, girls, last na 'to, let's take a video na!" sigaw ko at agad naman silang naglapitan para sa vlog namin.


Everything will going to be fine, Sirens University.


the suicide murders [ON-HOLD]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz