chapter 11

23 1 0
                                    



(a/n: just to be clear, this is what happened when Eulyces' was not at school, but it's the same day, oke?)


40 hours until Sirens Night...


Karlita Dela Vega's POV


Isang malakas na sampal ang sumalubong sa 'kin.


"Tay! Bakit ba lagi niyo akong dinidiktahan sa mga desisyon ko?! Hanggan kailan niyo ba ako itatali? Hanggang kailan ko mararanasan 'to? Malaki na ko, 'tay!"


"Hanggat nabubuhay ako! Matuto kang makinig sa akin dahil ako ang bumuhay sa'yo!" sigaw sa akin ni itay.


"Pero 'tay! Ayoko na! Ayoko na ng ganito! Nasasakal na ako!" patuloy lang ako sa pag-iyak. Umaasang baka magbago ang isip ng aking ama.


Pero lihis sa aking kaalaman, bigla na lang siyang ngumisi, "Alam ko, Karlita! Ganyan ang ugali mo, eh"


Biglang nagbago ang paligid at napalitan ito ng nasa kwarto ako. Teka, ano bang nangyayari?


"T-tay?"


Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa mangyayari. Gusto ko mang sumigaw ay hindi ko na nagawa. Gusto ko man siyang itaboy, ay hindi ko nakaya. Kung kaya't nangyari na ang hindi inaasahan.


Makalipas ang tatlong linggo, nalaman ko na lamang na buntis ako.


"Ilibing mo 'yang anak mo sa bakuran,"


Napalingon na lamang ako sa aking ama. Nakatayo siya sa may pintuan.


Bigla na lang siyang lumapit at hinawakan ako ng marahas sa braso, "Ingatan mo ang pagkatao mo! Walang sino man ang makakaalam kung ano ka talaga!"


Bigla na lamang ulit nagbago ang paligid at pauwi na ako galing eskwela. Pagkapasok ko pa lamang sa salas ay biglang hinawakan ng aking ama ang pisngi ko.


"Hindi mo alam ang ginagawa mo! Sundin mo ang gusto kong kurso para sa'yo!" sigaw niya.


"Pagod na pagod na 'ko! Gusto ko ng maging normal 'tong buhay ko!" sigaw ko pabalik.


"Tumigil ka! Hindi sa lahat ng oras ay paiiralin mo ang tunay mong ugali!" sigaw niya at muli, sinampal ako at sinuntok sa tiyan.


"Tama na!"


At tsaka ako nabalik sa reyalidad.


"Panaginip lang pala," sabi ko na lamang sa sarili ko. Pumunta ako sa lababo at naghilamos. Pagkatapos ay naligo na rin ako at tsaka naghanda ng agahan.

the suicide murders [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon