chapter 3

39 2 0
                                    


120 hours until Sirens Night...


Samira's POV


"Girls, mauuna na ako, ha?" sabi ko habang nag-aayos ng gamit. Nandito kami sa room namin sa dorm, and yes, kaming anim ay magkakasama sa isang kwarto, at kami ang may pinakamalaking kwarto dito. Of course, what Sirens are for?


"Samira, are you okay?"
"Are you sick?"
"M-A-U-U-N-A? Are you for real, girl?"


At inulan na ako ng pang-aasar. Grabe naman po sila sa akin.


Lumapit sa akin si Aedrille.


"Girls, wala naman siyang sakit," sabi niya pagkatapos hawakan ang noo at leeg ko.


Inirapan ko naman siya ng pabiro, "May pupuntahan kasi ako, girls. Kailangan ko na mauna," pagka-klaro ko.


"But still, it's too odd to see you swiftly packed up," sabi ni Averyl.


"Hay nako, basta mauuna na ako, ha? Text niyo na lang ako, buy guyseuuu!" sabi ko at tumakbo palabas ng kwarto. Naririnig ko pa rin sila na pinag-uusapan kung gaano ako kabilis ngayon.


Okay, I'm Samira Aragon. I am a member of our schools' (and country's) girl group, the SIRENS. And, oh, I'm the slowest and most timid.


Not.


Aalis na sana ako sa fourth floor nang biglang mag ring ang phone. Who could be calling at this hour? It's 7PM and 4 more days, it'll be our night.


"Ate! Ate! Ate, bilisan mo na po, please, Ate, ang sakit po talaga ng tyan ko. Ate, please," sabi ng nasa kabilang linya.


"Mylene! Pwede ba? May pupuntahan pa ako! Maghintay ka nga d'yan!" sigaw ko naman. Napaka-paepal naman kasi e.


"Sige na, ate, please-"


Pinatay ko na lang ang tawag. Jusko, siguro naman sanay na 'to si Mylene na wala ako sa bahay. Kita niyang every Friday lang ako nauwi at Saturday, babalik na ulit ako sa dorm. Geez, it's only Sunday!


Pumunta ako sa comfort room to prep, but before that, gonna take a poop muna. Ang dami ko ba namang nadekwat na foods kay Tabitha.


"Oh, shit! Problema mo?!"


Napasigaw na lang ako nang may kumalampag ng cubicle door. Jusko! Aatakihin ako sa puso nito e!


"Te, ano na? Buhay ka pa? Ihing-ihi na ako ang tagal mo d'yan!"


Ah, puñeta. Naiihi lang pala kailangan pang kalampagin yung pinto.


"Eto na nga, eto na! Lalabas na! Nagmamadali, eh!"

the suicide murders [ON-HOLD]Where stories live. Discover now