24

441 11 2
                                    

"Sa loob na lang tayo. Ubusin ko lang to." Walang emosyon kong sagot sa kanya.

Nadatnan ko si Bang na tahimik na nakaupo sa tabi ng gallery. Wala ding ibang tao maliban sa amin.

"Kamusta ka?" Tanong ko at naupo, ilang pulgada din ang layo sa kanya.

"Okay naman ako. Ikaw?"

"Ayos lang din."

Ilang minuto din kaming natahimik. Mukhang wala naman syang sasabihin.

"Pasok na ko sa loob. Ikaw ba?" Tumayo na ko't papalakad na sana ng magsalita sya.

"Im sorry Vic." Nakayuko pa din ito. "Im sorry kung nawalan ako ng communication sayo. Bumalik si Mark, and gusto nyang makipagbalikan sakin."

"Bakit mo naman sinasabi sakin to?"

"Kasi alam kong nasaktan kita. Hindi ko naman sinasadya."

"Hindi mo sinasadya? Ang alin, yung pinagmukha mo kong gago o yung pagpapaniwala na gusto mo din ako?"

"No Vic, hindi ganon yun." Nag-angat na sya ng tingin sa wakas.

"Shiela isang text lang ayos na ko. Kaso pinatagal mo pa. Congrats ulit sa inyo."

Tuluyan ko na syang iniwan. May part sa puso ko na nagsasabing okay lang, na masaya ako. Gusto ko syang balikan. Pero mas mabuti kung uunahin ko naman ang sarili ko.

Bumalik ako sa dati kong pwesto. Hindi ko din inintindi ang mga tanong nila. Maya maya pa ay dumating na din si Shiela.

Hinahanap ng mata ko yung babaeng magaling sumayaw na nasa tapat ng table namin. Nakita ko syang nasa sulok at umiinom mag-isa.

"Kim."

"Sige na."

Ang awkward kasi. Ang pangit din naman kung buong gabi kaming ganon. Ako na lang ang lalayo.

"Hi. Mind if I join you?" Kinakabahan ako, bakit ganon?

"No, I don't mind." Sexy. Ng boses hahaha

-
May sense of humor din tong si Seline. Same university, and mahilig din sa video and arcade games.  Actually maganda sya, walang harong biro.

"Vic hinay hinay ka lang. Sobrang dami mo ng nainom oh."

"Ayosh lang. Minshan lang naman ako maglashing ng g-anito."

"May girlfriend ka ba dun? Kanina pa kasi nakatingin dito." Sabay turo nya sa table nila Kim.

"M-ga kaibi-gan ko. Yaan mo shila." Di ko na narinig na sumagot si Shin. Pumikit na lang ako. Umiikot na mundo ko

"U-hmm She-line pwede mo ba ko shamahan sa cr? Nawiwi na kashi a-ako"

"Para kang bata alam mo yun? Ang cute mo kainis." Kinurot pako nito sa pisngi bago inalalayang tumayo.

"Dito lang ako sa labas ha? Sigaw ka pag kailangan mo ng tulong."

Napaupo na lang ako sa bowl. Feeling ko di ko na kaya bumalik sa pwesto namin mamaya. Taposh yung zhipper ko, ayaw mababa. Putang ina.

"S-line!! Yung zhippher ko ayaw mababa!" Pagbukas ng pinto ay nakita ko si

"B-ang? Ginagawa mo dito ha!"

"Tulungan na kita tapos uuwi na tayo." Ibinaba na nya ang pants ko at tumalikod. May boxer naman ako kaya hindi nakakahiya

"Labash ka na. Kaya ko na." Pero nakatalikod pa din sya, walang balak lumabas. Phuta naiihi na ko bahala sha j-an.

--

Nagising na lang ako sa isang pamilyar na lugar. Ilang buwan nadin ang nakalipas mula nung unang beses akong nakapunta dito.

Bakit di na lang nya ko pinasabay kay Kim. Hays, sumabay pa tong hangover ko.

Nagulat na lang ako nang makita kong sando at boxer na lang ang suot ko. Pano at bakit?! Baka pinagsamantalahan na ko ng di ko alam.

Pagbangon ko ay nakita ko si Kim sa lapag. Kawawa naman to, wala man lang comforter.

"Kim" tinatapik ko ng marahan ang pisngi nito. "Lumipat ka muna, ang tigas ng hinihigaan mo oh"

"Sige mamaya. Anong oras na ba?" Halatang puyat din tong isang to

"Hindi ko alam. Nasan ba mga gamit ko? Tsaka bat dito tayo natulog? Bakit din ako naka-boxer?!"

"Hinay hinay lang sa tanong pwede? Panigurado wala kang natatandaan" pangiti-ngiti pa nitong sabi.

"Tigilan mo ko, masakit ulo ko Kim"

"Nagsuka ka kaya ganyan bihis mo. Ihahatid ka nga dapat nung chiks mo eh, kaso hahaha. Ang tindi mo!"

"Kaso ano?" Pabitin pa!!

*tok tok tok*

"Kain na Kim at Fo" Mela

"Mamaya ka sakin" pagbabanta ko dito.

Aba tinawanan pa ko! May kakaiba sigurong nangyari kagabi. Shit naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon