6

1.2K 25 0
                                    

Bang

Goodmorning! Its past 9 am kaya bumyahe nako. Magcocommute lang kasi ako. May magsusundo naman sakin mamaya

Grabe talaga yung kilig ko kanina nung inaya nya kong kumain sa labas. I think friendly dinner lang naman yun eh. Pero pwede ko na ding isipin na date yun. Nakakatuwa din si Vic, parang sya yung tao na sinasabe nya kung ano yung nararamdman nya. Grabe yung ngiti ko! Hanggang mamaya pa ata to eh. Whooooa! This will gonna be fun!

--

Quarter to 3 na ng makalabas kami ng room. Nagpaa-alam muna ko kay Amanda, volleyball player din sya. Kinikilig pa nga ang loka nung sinabe ko na lalabas kami ni Vic. Ewan ko ba dito sa babaeng to.

Kanina ko pa natanngap yung text ni Vic na nasa parking lot na sya.

To: Victonara

Palabas na ko. Pasensya ha? See you :)

SEND

Wag kang kakabahan Bang. Relax ka lang okay? This is it!

- Beep beep -

There you are. May humintong silver na Chevorlet Camaro sa harap ko. Tumingin muna ko sa paligid ko baka kasi hindi pa sya yun. And also tinted yung salamin kaya di ko makita yung tao sa driver seat.

Nagulat nalang ako ng makita syang palabas sa kotse nya. Ang simple ng ayos nya pero ang lakas ng dating. Ang pogi mo talaga Vic..

VIC

Im 45 mins advance. Dumaan muna ko sa lugar na pagdadalhan ko sa kanya mamaya, and inayos ko na din yung set up. Sana lang magustuhan nya. I already text her na nasa parking lot ako. Baka may prof sila kaya hindi pa sya nakakareply.

Almost 20 mins bago sya nagtext na palabas na sya. Whoooooah! Vic relax okay? Just be yourself.

"AJAAAAA!" sigaw ko sa loob ng kotse para mabawasan kahit pano yung kaba na dinadamdam ko.

Lumabas na ko ng parking lot and dali daling pumunta sa entrance. Malayo palang tanaw ko na sya. Napaka-ganda talaga nya. Mapapangiti ka nalang talaga.

I beeped para malaman nya na ako yun. Hindi muna ako bumaba para tignan yung magiging reaction nya. Nakakatuuwa lang kasi tumingin pa sya sa palagid nya to make sure na sya yun. Wala naman syang kasama jan eh. I decided to go out of the car para pagbuksan na sya ng pinto.

"Hey." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Nakaka-akit talaga

"Hello." sagot nya

"Ahm naghintay ka ba ng matagal? Tara na?" tanong ko

"No. Not actually kakalabas ko lang din naman eh. Sure!"

"Ill carry those." sabay kuha ko ng bag nya at inalalayan sya papunta sa kotse. Mejo mabigat din tong dala nya ah.

"Be careful, mejo mababa kasi eh." pag-aalala ko

"Okay lang." oh Bang! Pleaaaaase wag kang magsmile ng ganyan!!!

Huminga muna ko ng malalim bago pumasok ng kotse. Kinakabahan talaga ko promise! Ano ba gagawin ko?

"Tara?" pag-aassure ko

"Hahahaha. Kaya nga nasa loob na tayo eh. Baka gusto mo bukas pa?" Pag-bibiro naman nya. With matching bungisngis. Yung tawa nya? Parang music na gusto mong ulit ulitin.

"Oo nga naman eh no? Tanga mo Vic" sabi ko sa sarili ko na ikinatawa naman nya lalo. Nagdrive nalang ako papaunta sa first stop namin. Sakto lang siguro yung dating namin dun mamaya

After nun wala na ulit nagsalita samin. HIndi naman dahil awkward, parang masaya na kayo na magkasama kayo kahit walang nagsasalita. Basta ayun na yun!

First stop: Manila Bay

Hindi ko napansin na nakatulog na pala sya. Pagod din siguro to sa school.

"Bang'' sabay tapik ko sa kaliwang braso nya. Kaso ayaw pa din eh.

"Bang. Wake up, nandito na tayo'' sabi ko. Pero wala pa din eh. Ilang beses kong inulit yun pero tulog pa din sya

"Bang gising ka na. Bahala ka ikikiss kita!" pagbabanta ko. Nagulat nalang ako mas mabilis pa kay Flash yung paggising neto. Sabi na eh pinag-ttripan lang ako..

Nauna kong bumaba para pagbuksan sya ng pinto. Inalalayan ko din ang mahal na reyna baka kasi mauntog eh.

"Manila bay?" pagtatanong nya

"Absolutely Madam" may pag-bow pa ko pagkasabi ko non dahilan para mapabungisngis pa sya. "Tara na, baka hindi natin maabutan eh." hinawakan ko ang kamay nya. Parang yung nangyari sa gallery nabigla sya pero hindi naman nya binawi

"Bagal mo naman!" sabi nya at hinila ako dahilan para mapatakbo kami

"Woooow" sabay naming sabi. Ang inabangan namin? Yung sunset, ang perfect kasi. Kitang kita mo talaga sya. Naupo kami ni Bang sa isang bench habang pinagmamasdan yung paglubog ng araw. Hindi ko naman mapigilan na hindi sya titigan.

"Ang ganda." nasabi ko nalang.

"Oo nga eh" sagot nya. Hindi nya alam na yung tinutukoy kong maganda eh sya.

"Alam mo, Unang beses ko palang magpunta dito." panimula ko. Napatingin naman sya sakin kaya agad kong iniwas yun mata ko at tumingin sa dagat "Sa pictures ko lang kasi sya nakikita eh. Minsan pag nagbabasa ko ng blog. Alam mo ba kung ano yung tunay na meaning ng love?" tanong ko at napatingin ako sa gawi nya.

"No." sabay iling ng ulo nya. Ang cute nya nung ginawa nya yun

"Yung tunay na meaning ng love parang yung moon and sun. Kasi yung araw kailangan nyang magsacrifice para makita natin yung buwan. Yung buwan din magsasacrifice para naman masinagan tayo ng araw. Parang tayo yung baby nila. And alam mo kung bakit hindi ko gustong pumupunta dito?" lumingon ako sa kanya panandali. Ay umiling nanaman sya "Kasi nalaman ko na iiwan din tayo ng buwan pagdating ng araw." hindi ko sya narinig na nagsalita kaya hinayaan ko lang.

"Pero parang gusto ko na palagi dito, may nakasama na kasi akong importanteng tao sa buhay ko eh." nararamdaman kong nakatingin lang sya sa akin "Tingin ko nga sa wakas nakapag-move on na ko dahil sa kanya eh. Na kaya ko na ulit magsarifice para sa kanya." nakangiti lang ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Tumingin ako sa mga mata ni Bang. Parang gustong gusto nya pa makarinig ng kwento na galing sa matatanda.

"Alam mo Bang, thank you." sabi ko. "Salamat kasi kahit sa sandaling oras na nagkakakilala tayo parang alam ko na lahat ng bagay tungkol sayo. Feel ko close na close na tayo, na kilala na natin ang bawat isa. Salamat kasi nagkaroon nanaman ako ng bagong kaibigan. Hindi lang isang kaibigan, inspirasyon. Salamat" nakatingin lang sakin si Bang kahit pagkatapos kong sabihin yun. Ewan ko ba parang lumuwag yung pakiramdam ko. Pero may isa pa akong hindi pa inaamin sa kanya....

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon