2

1.7K 24 3
                                    

Sa mga nagdaan na linggo. Nabawasan na ang pag-inom ko. Salamat sa mga butihing kaibigan. Palakpakan sila Kim Fajardo and Mika Reyes. Yes naging close na sya samin sa madaling panahon. Ang gaan nya sa loob kausap. Nakapasok na din sya sa WVT kaya mas madaming bonding moments ang mapagsasamahan namin.

Nasa pool kami nila Kim, chill lang. Malapit na rin kasi ang start ng training namin. Kaya napabuti din yung pagbabawas ko ng inom.

"Arabells, mahal mo pa ba sya?" out of the blue na tanong ni Mika

"What a question Miks?!" hindi ko alam kung sinasadya nya eh. "Yes? No? Im not sure eh. Basta im hoping na magfade na sya. Ilang months na din matapos nya kong iwan. Ewan ko kung bakit patuloy pa din akong umaasa na one day babalik sya. Pero salamat sa inyong dalawa kasi unti unti nakakalimot na"

We are talking about my ex. Yes X. She's Chloe highschool friend namin ni Kim sa dating school. Masaya naman kami eh, as in sobra. Very suportive sila Tito and Tita sa relationship namin. Hanggang sa dumating yung problema, kaya pa naman namin eh. Sabi nya we are strong like the shell of the turtle. Pero parang kasing bilis nya maglaho yung shooting star. Naniwala ako na tutuparin nya yung promise nya. Babalik daw sya before kami mag2nd anniv. Which is 7 months ng nakalipas. Masakit sobra. Hindi ko naman talaga alam kung bakit sila nagmigrate sa US eh. Sinasabi nya lang nalulugi na daw yung company nila, naiintindihan ko yun. Pero yung masakit, she left me there hanging. Isang sulat lang yung huli kong nabasa mula sa kanya. Kesho daw nagahol sya ng oras para hindi na makapagpaalam ng personal. Pero pag mahal mo naman magagawa mo lahat diba? Pag gusto may paraan? Then she promised. Babalikan nya ko. Naghintay ako, umasa, and worst nagmukhang tanga. Pinaniwalaan ko sya sa lahat ng sinabi nya.

"Bro." mahinang tapik ni Kim sa braso ko. "Tama na, hindi ko man masabi yung mga words of encouragement na kailangan mo. Nandito pa din ako, si Mika, si mom and dad. Sila Mama betchay, kuya djun. Lahat kami nakasuporta sayo. Kaya wag na wag mong iisipin na nag-iisa ka. Kalimutan mo na si Chlong chlong. Mas maraming nagmamahal sayo!" na-touch ako sa negrong to! Sweaar. 

Thankyou Lord for giving me this kind of friends. 

"Oh group huuuuuuuuuuuuuuug!" sigaw ko

"GROUP HUUUUUUUUUUUUUUG!" hiyaw naming tatlo

--

Kinagabihan we decided to go to a bar. Sa close friend namin ni Kim para may discount kahit pano. Kuripot mode on!

Its Ate Tin's bar. The famous photographer sa larangan ng UAAP. Maganda kasi yung ambience dito, hindi ganun kausok, parang chill lang talaga. May mga VIP rooms din, karakoke, restaurant sa baba then sa taas tong bar. May mini gallery din para sa mga magaganda nyang shots. And also her business partner Ate Bianca. Or also known as DjBianca Frost.

"Yow Ate Tin!" sabay na greet namin ni nognog.

"Hey Coolot, Nogs!" sabay tingin nya kay Mika

"Ahm Ate Tin I want you to meet our new friend. Mika Reyes. Miks sya si Ate Tin, may-ari netong resto bar" pag-iintroduce ko

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon