13

1.2K 29 0
                                    

Maghapon na kaming nakababad sa pool, langoy lang ng langoy hangang kaya. Sinusulit na din namin lahat ng oras na meron kami ngayong araw. Magsisimula na kasi yung tournament kaya magttraining na din kami. Pineprepare kami para palitang yung mga senior na mawawala. Sigurado ko na sila Shiela makakalaban namin sa Finals. Mga hindi nagpapatalo yun eh. Naalala ko nanaman sya. Hindi siguro kami magkikita sa mga susunod na linggo. Puro training lang magiging buhay non, pati kami pala hahaha.


Hanggang gabi party party lang. Si mama nagpapahinga na. Si kuya djun naman umalis pupuntahan daw yung mga tropa nya. As if naman! Baka yung nililigawan nya lang. Well im not against it naman. Nakakatuwa kasi, finally 6 nalang yung Tide. De kasi magkaka girlfriend na din ang kuya ko!!!! At ako wala pa.


Nagkaka-inuman session na kami pero yung light drinks lang. Baka mahirapan kasi kami bukas eh. Si Mika ang may pasimuno. Ubos na kase yung 3 gallon na ice cream. Tinde namin lumamon. Pati yung grahams na natira kanina simot sarap.



"Ar-ar." si Mika. Napatingin naman ako sa kanya "Pano kung magkita kayo?" alam ko na kung sino yung tinutukoy nya.


"Edi magkita. Hindi ko naman mapipigil na hindi kami magkita eh" totoo naman diba? Sa gusto mo o hindi kung time na para magkita kayo mangyayari


"Nung nakita mo ba sya anong napansin mo?" pagiintriga ni Kim


"Actually hindi ko naman sya masyado natitigan eh. Pero nung pagkita ko sa kanya halatang gulat din sya. Hindi nya din siguro inaakala na magkikita kami. Mahaba na yung buhok nya. Mas gumanda.."


"So ayan pala yung "hindi masyadong natitigan" huh Ara?" talagang inemphasize nya pa yung sinabe ko kanina


"Ewan ko sa inyo" sabi ko sabay ahon sa pool


"Hoy!" sabay na tawag sakin ng dalawa


"Drama mo!" Sigaw ni Kim


"Arte mo!" Si Mika naman



Hindi ko nalang pinansin. Dumiretso ko sa kitchen. Nagugutom na naman kasi ako eh. Ganon ako mga tropa. Pag gutom nagbebeast mode. May mga chips dito tsaka may iced tea. Keri na muna


Binitbit ko papuntang pool side yung mga chibog ko. Kinuha ko na din yung phone ko. Scan lang ng scan. Gotcha!



From: Shiela


Thank God! Grabe yung pag-aalala ko sayo Vic. Next time itext mo ko okay hindi yung ganon. Take care always, lalo na sa training you. See you soon! :*



"Whooooooooooooaaaaaa!" hindi ko na maitago yung kilig ko. Napatingin naman yung dalawang kumag. Nagniningning yung mga mata. Alam na nila siguro




-


Bang (Eto po yung kinaumagahan na hinatid sya ni VIc)



Almost 8 na ng umaga ng magising ako. Sunday naman kaya wala na din akong class. Diko pala namalayan kagabi na nakatulog nako kakahintay as text ni VIc.


Kinapa ko sa side table yung phone ko.



Wala pa ding text. I messaged Mela para ma-contact na rin si Vic, baka kase ano ng nangyari dun.




From: Melalabs


Bb! Walang response eh, baka naman tulog pa din yun? Wag mo masyadong isipin. Magtetext din yung mayamaya.




Tinadtad ko na sya ng text kung okay lang and nakauwi ba sya. Oa na kung oa pero nag-aalala din ako sa kanya.



Bumaba nalang ako ng kitchen to prepare my breakfast. Nakita ko nanaman yung iniwan ni Vic na sticky note sa table



Sheila,


Hey good morning beautiful! Sorry kung hindi na kita ginising okay? Ang himbing kasi ng tulog mo eh. I cooked your breakfast na :) ubusin mo yan ha. Thankyou ng marame. Text mo nalang ako 09132456789


Vic xoxo




Hindi ko alam kung tama pa ba tong nararamdaman ko. Isa lang ang alam ko. I'm attracted to Vic. No no no, I like her so much.



You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon