18

724 22 4
                                    

Nag-uusap pa din sila Bang hanggang ngayon. Marami siguro silang baon na kwento sa isa't isa.

"Hoy Kim!" Pukaw ko sa atensyon nya

"Hoy ka din! Problema mo?"

"Tara samahan moko. May bibilhin lang ako." Sabay lakad ko papunta kay Mama. "Ma labas lang kami ni Kim"

"Iiwan mo mga bisita mo?" Sagot naman nya.

"Eh wala nga pumapansin sakin eh. Busy silang lahat" turo ko sa gawi nila Mika na busy sa pagkakaraoke

"Baka naman hanapin ka ni Bang" sabi nya habang iniaangat ang dalawang kilay.

"Whatever" naglakad na ko palabas. Busy na din si Kim kay Mela kaya hindi ko na sya inabala pa.

Bumili lang ako ng chips and chocolates sa convinience store malapit sa subdivision. Maybe a comfort food? Pero diko alam kung para saan. Wala lang talaga ko sa mood ngayon. Pano lahat sila busy.

I went to a park few blocks away from our house. Simple lang walang stress. Then yung iba nag-uunwind lang siguro. But a girl caught my attention. May kasama syang lalaki or I should say na may humihila sa kanyang lalaki. I heard him say

"Wag ka ng maarte! Masisiyahan ka din pagtapos natin." What the fck!

"Bitawan mo ko! Hindi nga kita kilala!" Halatang nasasaktan na sya sa hawak nito

Ayaw ko mang makisali, hindi ko naman matiis. Bwisit na mga guard. "Hoy!" Sigaw ko

"Hoy ka din!" Aba ginaya kami ni Kimmy ha. "Wag kang makialam dito kundi papatayin kita!"

"Oh talaga dat sinapak mo!" Sabay sunggab ko ng suntok sa kanya. Nakita kong nakatulala ang babae.

"Ruuuuun!" I shout for her to make a step.

Then a punch landed on my face. Bwisit naka isa! Hinawakan naman nya ko sa mukha

"Alam mo pakialamero ka eh. Kung gusto mo din pwede ka namang makisali pagkatapos." Sinuntok nya ulit ako sa kabilang pisngi at sa sikmura.

"Gago" akala nya sya lang. Bulls eye yang itlog mo. "Tarantado wag mo kong itutulad sayo!!" Ilang ulit ko pa syang pinagsusuntok at doon palang dumating ang mga guard.

"Ma'am tama na po. Kami ng bahala sa kanya." Awat ng isa

"Are you doing your job o nakatunganga lang kayo? Alam nyo naman siguro kung bago lang ang mukha ng papasok dito diba?" Naiinis ako pero hindi ako galit. Im just concered for everyone's safety. "Where's the girl?" I asked

"Ay Ma'am tumakbo na po pagkareport sa amin. Natakot po siguro." Sagot naman ng isa

Malamang sino bang hindi matatakot no! Baliw ata tong mga to.

"Sige na, ayoko ng maulit to ha." Naglakad nadin ako palayo. Hindi ko parin maramdaman ang panga ko. Bwisit na lalaki.

Nagdrive na ko pauwi dahil nawalan ako ng gana. Tahimik na ng magpark ako sa labas. Inihinto na siguro ang videoke. Nakita ko naman si Kuya na nagmumuni muni sa garden.

"San galing?" Tanong nya

"Sa labas di mo nakita? Basic pre!" Rude right?

"Bat hawak mo yang panga mo?" Hindi ako sumagot. Nakita ko namang tumayo sya at ng makita ko ay.. "Mama si Araaaaaa!" Wala na kong nagawa dahil nakasigaw na sya. Panigurado nagmamadali yan lumabas.

"Napaka-oa mo." Sabi ko naman

"Tanga san ka ba galing? Lika nga dito" niyakap naman nya ko.

"Anong nangyari?!" Hingal na tanong ni Mama. I told yah guys

"Wala oa lang to Mama" sabay turo ko kay Kuya

"Kayo talaga! Pumasok na nga tayo." Hindi nya pa din nakikita. Hahaha ewan ko nalang pagpasok namin.

"Ara/Vic?!" Wow praktisado ha.

"Anong nangyari sayong bata ka?!" Tanong ni Mama habang hawak ang pisngi ko

"I can't feel my face.." Pang-aasar na kanta naman ni Kuya. Tinignan ko lang naman sya ng masama pero ngumingisi pa din.

"Nakipag-away ka ba?" Tanong naman ni Kim

"Nakipag sabunutan ka ba?" Si Mika

"Hahaha really?!" Nakita ko namang nagseyoso sila ng mukha. Pati din si Bang ay nag-aabang ng sagot ko. "Napadaan kasi ako sa park tapos pinagkaguluhan ako. Pogi ko daw eh. Nakaramdam naman ako ng batok galing kay Kuya "Ayun nga galing akong park tas may pervert na nakapasok dito. Hindi ko naman matiis na hindi tulungan. And kung isa man sa inyo yung nasa ganong situation, I wont hesitate to do the same." Nginitian ko naman si Bang. Halatang nag-aalala pa din ito.

"I can't feel my face.." Pang-aasar ulit ni Kuya. Nahalata nya sigurong naglolock ang jaw ko habang nagsasalita.

"Ay nako Bebi lagyan mo ng yelo yun!" Komento naman ni Mama Bha at itinulak si Bang papunta sa harap ko.

"Ayieeeee" mga loko-loko talaga

Kitchen

"Gusto mo bang kumain?" Alok ko. Hindi sya umimik "Uhm.. Ice cream?" Wala pa din. Alam ko na!!! Bagong bear brand busog lusog. De joke lang.

"Look Bang. I know shock ka pa din. Sinabi ko naman na kahit kanino mangyari yun ganon pa din ang gagawin ko. I'm sorry okay? Lalo na kung ikaw yun baka hindi lang suntok abot non." Yinakap ko na sya dahil mukhang walang balak magsalita.

"Natakot lang ako.." Nakataingin sya sa baba. Sumilip naman ako

"Wala naman ako jan eh. Tingin ka dito." Inangat ko ang ulo nya. "Sorry na." Then I flashed my sweetest smile. Napangiti naman sya.

"Bwisit ka! Hahaha" sabay palo naman nya sa braso ko.

--
It's been a while.

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon