21

380 10 0
                                    

It's our first game with Shiela's University. Awkward? No! Hahaha defensive ko naman.

After that "muntik na suntukan" with Kim eh. Nag-li low muna ko sa kanilang lahat. Pero okay naman kami sa training. Hindi nila pwedeng makita na hindi kami in good terms.

-
And now the most awaited game! DLSU vs ADU Game 1.

Starting line up for De LaSalle Lady Spikers
Mika Reyes, Kim Fajardo, Ara Galang, Aby Maraño, Kim Dy and Cienny Cruz

And for Adamson Lady Falcons
Bang Pineda, Mela Tunay, Fhen Emnas, Gemma Galanza, Faye Guevarra and Mands Villanueva!

Good luck to both teams!

--
Shet eto na. Magkakamay pa kami. Pano ba 'to? Marahan akong itinulak ni Kim.

"Be casual" pabulong pa nitong sabi.

Apat na tao na lang.. Hanggang sa nagtapik lang ang aming mga kamay. Para bang hangin lang na dumaan. Ni hindi man lang nagtinginan o nagbatian. Mapait na ngiti na lamang ang gumuhit sa aking mukha.

And our Gatorade Player of the game is no other than Aby Maraño!

"Uy okay ka lang?" Mika

"Ah oo! Congrats pala satin." Sabay tapik ko sa balikat nito.

Nanalo kami. Umabot hanggang fifth set, at ipinanalo ni Ate Aby ang laro. Tingin ko nga patapon lang ako sa laro kanina. Pabuhat sa team, walang silbi.

"Nagse-space out ka nanaman jan." Biglang sabi ni Kim

"Wala to." Sabay lingon sa gawi ni Bang "Salamat pala sa mga bigay na bola kanina ha. Kahit walang kwenta palo ko."

"Pahinga ka Ar. Bawi tayo next game."

"Thank you Kimmah." sabay yakap ko rito.

"Uy gago ka! Mamaya ka na gumanyan. Baka kung ano pa maging issue natin. Di tayo bagay no!"

"Tarantado." Napangiti na lang ako. "Lika na."

Matapos magshower at makapag-ayos ng gamit ay sumakay na kami sa coaster. May team dinner kasi at hindi naman pwedeng hindi magpunta.

Nakita ko na din sila Mama sa kabilang table. Nakangiti ito at alam kong gusto nyang gumaan ang loob ko.

-
Matapos ang dinner ay nagpaalam ako na kila Mama muna ako matutulog at babalik na lang bukas bago magsimula ang training. Pumayag naman si Coach Ramil.

"Pano bukas na lang ah? Inaantay na ko nila Mama." Sabi ko

"Magtext ka AT PAKIUSAP LANG WAG KANG IINOM ARA." Madiin ang bawat bigkas ni Kim. Hahaha ibang klase talaga to.

"Oo na nay. Sa dorm ako magaalmusal ha!" Tapik na lang ang isinagot ni Kim. Paniguradong hahaba pa ang usapan namin at sa dorm na talaga ko matulog.

"Let's go Ma." Sabay hawak ko ng kamay

"Pagod ang baby ko. Matutulog na tayo agad pagka-uwi." Mama

Tango na lang ang isinagot ko. Hanggang sa makarating ng bahay ay hindi na ako kumibo. Diretso ng kwarto, bihis at handa ng matulog. Pero hindi pa ako tinatamaan ng lintik.

I'm sorry Kim pero kailangan ko sya ngayon. Dahan dahan akong bumaba sa kusina. Madilim na sa buong bahay. Siguradong ako na lang ang gising.

Nakaka-dalawang bote na ko ng beer ng biglang may mag-salita.

"Pwede ba ko makipag-inuman session?" Pabirong tanong nya.

"Kuya! Nakakagulat naman to!" Oo hahaha walang iba

"Napaka-drama naman kasi." Inilapag nya ang isang speaker, mga alak at kaunting chichirya.

"Kuya, pano pag gustong makipag-balikan sayo yung ex mo. Ano gagawin mo?" Mahinahong kong tanong sa kanya.

"Wala. Unless gusto mo pa sya" sagot nya sabay inom. "I know somethings bothering you. About Bang diba?"

Tumango lang ako. Ubos na ang pangalawang bote. Nagbukas ulit ako.

"Try to talk to her. Minsan kasi pinangungunahan lang tayo ng takot. Takot na malaman ang totoo."

"Eh pano ko ba itatanong na ang gwapo ko?" Sagot ko.

"Langhiya ka! Alam kong alam mo kung ano ang gagawin. Galingan mo sa next game nyo ha? Para naman may premyo ka." Nanlaki ang mata ko pagtapos ko itong marinig.

"Shit Kuya di ka na kuripot!" Binatukan naman ako agad. Napakamot na lang ako ng ulo.

Past 2:30am na ng magpaalam ako kay Kuya. Pero di ako pinansin. Bahala sya jan lamukin.

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon