10

1.1K 20 2
                                    

An: Puro kay vic muna tong POV guys

-


As I woke up. Napatingin ako sa paligid and realized na nasa kwarto ko na ako. Hinatid na lang siguro ako dito ni Kim. Sobrang sakit ng ulo ko kahit hindi naman ako uminom. Parang kulang nalang pukpukin ko to para manahimik eh.


Nakaramdam ako na may papasok sa room ko kaya nagtulugtulugan muna ko.


"She's still asleep" si Kim to


"Ano ba kasing ginawa nyan at ganyan" Mama. Nag-aalala na sya, mapapagalitan nanaman ako neto. "Oh sige Kim. Paki bantayan nalang muna yang si Ara ha. Maghahanda muna ko ng almusal"


"Sige po mama tawagin ko nalang kayo" aba ang koya mo Mama ang tawag sa Mama ko.


Ng marinig kong nakalabas si Mama ng kwarto ay umupo si Kim sa tabi ng higaan ko. Hinaplos haplos na ang ulo ko. Grabe na din siguro ang pag-aalala nito. Hay, buti nalang talaga nanjan sya


"Uhmmm." Pag-iinarte ko


"Ara. May masakit ba sayo?" Hinahaplos na padin ang ulo ko. Unti unti ko ng minulat ang mga mata ko "Buti naman at nagising kana"


"Sino ka?" Mapagtripan nga to


"Di mo ko kilala? Pogi mong bestfriend! Hahahaha"


"Ha? Sino ba ko?" Konti nalang bibigay na to


"Really Ara nakalimutan mo ko?"


"Sino ka ba?!" Pasigaw ko ng sabi


"Hey Ara if nagbibiro ka stop it. Hindi nakakatuwa" gusto ko ng tumawa sa mga oras na to. Diko ma-explain kung ano na ang expression ng mukha nya


"Who the hell are you!!"


"Gago ka Ara ha. Hindi ka nabunggo kaya di ka magkaka-amnesia" pilit nyang kinukumbinsi ang sarili nya


"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?!" Hahahahaha gustong gusto ko na talagang tumawa. Naluluha na sya, I should stop this "Ang pagkaka-alala ko kasi wala naman akong bestfriend na pogi eh. Hahahahahaha" halos manakit na ang tyan ko kakatawa. Paglingon koo kay Kim ayun, halatang gusto na kong patayin sa mga oras na to.


"Aaaaah! A-aray araaaay!" Pagttripan ko nnaman to, ang sakit ng batok nya!


"Bro, san masakit? Sorry napalakas batok ko" hinihimas himas nya ang ulo ko.


"Okay na. May pain reliever ba dyan? Sobrang sakit ng ulo ko"


"Inumin mo na. Madami ka pang utang na kwento sakin. Maligo ka na din para makakain na tayo."


"Yes boss" sagot ko sabay salute sa kanya


"Good. Ako nalang mag-aayos ng damit mo. Dalian mo ha?! Ssbhan ko na si mama na gising ka na" sabi nya at tuluyan nakong nakapasok ng banyo


Bigat na bigat ako sa katawan ko ngayon. Naglubog muna ko sa tub. Gusto ko munang makapag-isip. Kung ano gagawin ko kapag nakita ko nanaman sya.


Ang hirap pala ano? Tipong nakaka-isang step ka palang para makalimutan yung taong yun eh eto, bumalik nanaman sya. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba. Wala naman akong ginawang mali sa kanya para maging ganito eh. Kailangan ko nalang siguro ibaling sa iba ang atensyon ko para maiwasan ko na ang pag-iisip ng ganon. Malapit na din ang UAAP kaya kailangan kong mag focus. Hindi naman siguro sya mang-ggugulo.


After I take a bath nagbihis na ko. Isang sports bra tska trunks lang. Trip ata ni nognog mag swimming ngayon. Bumaba na ko sa kitchen dahil alam kong kanina pa sila naghihintay. Nakita koong puno ng pag-aalala ang mga mata ni mama pati ni kuya. Si Kim naman ay nakangiti lang. Pinaghila ako ni kuya ng upuan na katapat ni mama.


"Wow naman, favorite ko talaga ah!" Pinipilit kong alisin ang mga pangamba sa mukha nila kaya eto nagiging bibo ako sa harap nila


Bigla akong nasamid sa sobrang katakawan ko. May pork adobo, chicken at hotdogs sa lamesa. Isama mo pa ang fried rice ni mama. Nakakatakam kasi


"Oh anak dahan dahan sa pagkain. Wala namang aagaw sayo eh" nakangiti na si mama. Kakausapin ko nalang sya mamaya


"Ang sarap kasi ng luto mo ma eh. Natatakam ako pag-ikaw naghahanda." Tinignan ko naman sila kuya at nognog. Mga nakangiti lang. Buti naman, hindi na din sigurro ako mahihirapan na magpaliwanag sa kanila mamaya.


Napuno ng tawanan, kulitan at asaran kanina sa kainan. Nagligpit kami ng pinagkainan ni kuya. Si Kim naman nililinis na ang pool. Tinawagan nya na din si Mika para makasama. Si mama naghahanda ulit para sa mga kakainin namin mamaya.


"Bro, sunduin ko muna si Mika ha? Malapit na daw sya sa gate 3." Pagpapa-alam nya


"Sige sige. Tska pala bili ka na din ng ice cream tska chichirya sa labas ha?"


"Ang takaw mo talaga!" Sabi nya na natatawa pa. "Gamitin ko kotse mo!"


"Sure. Ingat ha!" Hinatid ko sya hanggang sa may gate


Nakita kong mejo malayo na si Kim kaya't pumasok na ulit. Dumaan muna akong kitchen kung nasan si mama. Nakatalikod sya sa akin pero alam kong nadama nya nandito ako


"Ma." Panimula ko "Nakita ko sya kagabi. Galing kami ni Bang sa lote ni Lolo, habang pauwi ako hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ko. Muntik nakong mabunggo ng isang kotse. And to be lucky? Sya yung driver." Pinipigilan kong hindi na ulit maiyak "Ma, si Chloe nandito na uilit."


Naramdaman ko nalang na may nakayakap nasa likod ko. Si kuya djun pala. Humarap ako sa kanya at doon na inilabas lahat ng hinanakit ko. Inaalo ako ni mama at kuya. Ng mahimasmasan ay tumigil na din ako at inayos ang sarili. Baka kasi makita nila Kim at Mika mahirap na.



--

Sabaw sabaw -_-

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon