17

1K 23 0
                                    

Vic

This is it! Im so nervous. My heart beating so fast. I saw happiness in everybody's eyes. Nakita kong nakangiti rin sila Mika. Kagabi pa kami nagusap usap. Alam kong kinakabahan din sila. Pinaghandaan namin to ng ilang buwan at hindi ko sasayangin ang pagkakataon para makalaro sa season na to.

"I love you guys kaya natin to" sigaw ko sa kanila. Sobrang lakas na din ng mga sigawan ng tao. Kanya kanyang cheer ng team, walang gustong magpatalo sa kanila.

"Alam kong kakayanin natin to. Ready lang tayo, any moment pwede na silang mag announce ng mga games for today" sabi naman ni Kim

"Magpabida tayo ngayon" ani ni Mika sabay hawak ng kamay namin ni Kim

"FIGHTING!!!!" May halong pagkasabik, kaba at saya ng binigkas namin ang mga salitang iyon.

"Hoy sali naman kami jan!" Sigaw ni Ate aby na nakisali na rin sa yakapan naming tatlo at dumagdag ng dumagdag ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam.

May surprise din ako kay Bang. (Hindi na masyadong detailed yung mga games. Wala ko ganong alam about dun)

First game, first won. Nila Shiela hindi kami hahaha. I invite her na magdinner sa bahay. Mini celebration na din sa panalo nila. even Kim, Mela and Mika will be there.

Everything is settled. The foods, karaoke, pati na din yung pool kung maiisipan magswimming. On the way na kami sa bahay. Nasa van kami nila Kim para kanya naman gastos ng pang-gas. Hahahaha.

"Yow bro." Bati ko ng makapasok na kami ng bahay.

"Hi princess." Sabay halik sa noo ko. "Hi girls!" Bati nya din kila Mika.

"Feel at home!" Singit naman bigla ni mama. Inintroduce ko muna yung dalawa kay mama. "Nako tawagin mo nalang akong mama" pukaw nya kay Shiela

"Maaaaa!" Sigaw ko. Pasaway naman kasi, ang lalakas talaga mag-asar

"Its okay Vic" then she smile. "Sige po Ma" nagulat naman ako. Sakyan nalang nya trip ni mama

Habang kumakain napansin kong napapaiyak si Shie.

"Hey 'di ba masarap yung luto?" I saw sadness in her eyes. I wish I can take it away.

"No masarap sya. Kasing lasa nya lang yung luto ni mama. Namimiss ko tuloy sya" sabay pahid ng luha na nagbabagsakan sa pisngi nya.

"I miss you too beng" napangiti nalang ako. Alam koong shock parin sya ng makitang nasa harap yung taong matagal nya ng hindi nakikita.
--

FF

3 months lang preparation namin. Kaya grabe yung training. Minsan sa klase ka nalang makakapagpahinga. And two months ago, pumunta ko ng Davao. Ang galing nga eh, I did it for just 2 days. With the help of Mama Betchay, Kim and Kuya nagawa namin.

Si Kuya nagpabook ng flight ko. Si Mama naman inalam yung exact place ng bahay nila Shiela and also yung pagtutulugan ko. Then si Kim kasama ko saan? Sa kalokohan malamang. De nagplano kami, tuesday yon may afternoon class kami. Tas kinabukasan ng hapon training namin. Kailangan ko magskip ng afternoon class ko para makabyahe na. 3 na ata ako non nakarating sa airport. Wala naman sa one hour yung byahe depende kung delayed. But i'm just that lucky walang naging aberya.

Hindi ko alam kung saang lugar yun. May susundo lang sakin sa airport then hahatid ako kila Shiela, tas kinabukasan susunduin ako sa hotel then balik na ng manila.

Nakareceive ako ng text galing kay Mama. Sinabe nya kung sino yung magsusundo sakin. Manong James daw.

Pagkalabas ko ng airport may nakita na kong isang lalaki na mid 40s. May hawak syang papel na nakasulat na "Vic Galang"

"Hi Manong James?"

"Ikaw ba si Vic?"

"Ay opo. Kayo po ba pinapunta ni Mama dito?" Tanong ko

"Ay oo. Oh akin na yang gamit mo."

"Ay hindi na po. Magaan lang naman po ito eh." Inalalayan nya ako papasok sa van. "Manong malayo po ba yon?"

"Mga trente minuto lang naman yon. Umidlip kana muna at haltang pagod ka." Alas singko na din pala. Tinext ko na din sila Mama na nasundo na ko.

Hindi naman ako makaidlip. Kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Puro what ifs. Haaaay

"Mababait ang mga Pineda. Kung ano man ang pakay mo sigurado kong mapapapayag mo sila." Mejo nakahinga ako ng maluwag. "Malapit na tayo" isang ngiti lang amg iginawad ko.

-
"Sino po ang kailangan nyo?" Tanong ng isang gwardya base sa uniporme nito.

"Kay Ms. Bha po sana. Kaibigan po ako ni Bang. Paki sabi po Vic Galang"

"Sige po Maam iraradyo ko lang sa loob" tumango nalang ako.

Makalipas ang ilang minuto ay may umalalay din samin papasok sa isang malaking malaking hacienda. Literal na malaki. Napa nganga ako.

Huminto kami sa isang kubo. Malaki sya at tingin ko modern to sa loob.

"Maam pasok na po kayo" kinabahan naman ako bigla ng may isang matandang babafe ang sumulpot sa tabi ko.

"Ay sige po salamat" naghubad muna ko ng sapatos bago pumasok. Hindi nga ko nagkamali. Modern nga ang loob.

"Magandang hapon po Maam" bati ko sa ina ni Bang. Nag mano din ako bilang pagrespeto sa kanya.

"Ngayon lang ata kita nakita?" Takang tanong nya.

"Ay opo kakakilala lang po namin ni Bang noong mga nakaraang bwan. Player din po ako ng volleyball kaso magkaiba po kami ng University"

Napatagal na din ang paguusap namin. Nagkwento din sya ng ilang mga bagay na gusto ni Bang. Pero hindi ko pa nasasabi ang pinaka rason kung bakit ako nandito.

"Tsaka po Ma may hihingin po sana kong pabor sa inyo kung okay lang po sa inyo." Yes Ma. Sabi nya eh!!

"Liligawan mo sya? Hahaha" alam na din nya na may something and yung plano ko.

"Hahaha. Maliban po dun meron pa. Kung okay lang po sana makapunta kayo sa opening ng game namin. Gusto ko din po kasi syang isurprise. Kahit po sa bahay po kayo tumuloy wala pong problema." Nagpapaawa na ko dito para lang pumayag sya

"Kailan ba para makahanda na di ako?"

"Talaga po?!" Tanong ko

"Oo ano ka ba. Basta para kay Bebang"

---

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon