23

390 12 2
                                    

Nakalipas na din ang isang linggo. Pinilit ko ding kalimutan ang nangyari. Mahirap, masakit, pero hindi naman titigil ang mundo dahil don.

-
Kasalukuyan akong nakatambay sa isang café bandang taft. Actually kabubukas lang nila netong nakaraan. Konti pa lang ang costumer dito kaya makaka-pag chill ka, unwind, etc.

To be honest, masakit ang nangyari sa amin ni Chloe. Gusto ko na sya na ang huli, na sya na ang babaeng handa kong pag-alayan ng buong buhay ko. Haha pero wala. Sinubukan kami ng tadhana.

And about me and Bang. Siguro friends? Not sure kung friend nya ba talaga ako.

From: Shiela Pineda
Hi Vic!

Speaking ehem. Naalala kong sa ganito kami nagsimula.

From: Shiela Pineda
I just want to invite you sa place ni Ate Tin. Maybe sa bar daw or sa bahay nya. Simpleng get together. And kasama sila Kim. See you!

Tinawagan ko muna si Kim bago replyan si Bang. Ilang ring pa eh sumagot na ito.

"Oy anong meron?" Tanong ko ka-agad

"Wala man lang hi hello. Natanggap mo ba text ni Bang?" Sagot nito

"Punyeta ang layo nyan sa tanong ko. Malamang kaya nga kita tinawagan."

"Ang lutong ha, bagong luto? Hindi ko din alam punyeta! Tanong mo si Ate Tin."

"Ge." Hahaha at binabaan ko na sya ng phone.

From: Kimmah
PUÑETA KA TALAGA GALANG! WALA KANG GALANG HAHAHA

See. Ayaw na ayaw nya na binababaan ng phone. Feeling gwapo eh. Hahaha joke pogi talaga yang wafs ko.

To: Shiela Pineda
What time?

Hindi lang naman sya ang andon. Tska baka kung ano pang isipin nya.

From: Shiela Pineda
7pm. Sa bar na lang daw. See you!

Mamayang gabi pa naman pala. Tss. At dahil Saturday naman ngayon, walang classes and tapos na ang training! Me time muna.

Calling Kuya...

"Oh saan tayo?" Naks alam na alam

"Sm tayo! Syempre treat mo!"

"Sige kunin ko atm ni Mama hahahaha"

"Sunduin mo ko sa tapat ng tapsilogan malapit sa dorm ha. Alam mo na yun."

"Sige na magbibihis lang ako. 20 mins lang anjan na ko."

"Ingat. I love you"

"I love you too Princess"

He never failed to make me smile. Iba talaga pag alaga ni Kuya.

--
Naalala ko noon palagi kaming magka-away ni Kuya pagdating sa arcade games. Hahaha sa kanya din ako natuto na magbasketball. Kung dati bola ang pinag-aagawan namin, ngayon chiks na hahahaha joke.

Pagkatapos ng mahaba haba naming paglilibot at paglalaro, ihahatid nya ko pabalik sa taft.

"Okay na ba kayo ni Bang?" Tanong nito

"Oo naman. Di naman kami magkaaway eh." Sagot ko

"Pero nagkausap man lang ba kayo about dun? I mean just to clarify things about you and her."

"Ahmm.. Kuya hindi pa. Walang chance, and hindi na din naman dapat pag-usapan eh."

"Sabi mo eh. Kay Chloe naman? Bat di mo na lang kaya balikan yung tao. Tutal nagkausap naman na pala kayo."

"Alam mo Kuya may mga bagay talaga na hindi na pwede. Yung kahit may chance pa, kahit pwede pa, eh hindi mo na pinilit pa. Tipong gusto mo pa yung tao eh mas pipiliin mo na hindi na ulit sumugal kasi masakit na, na anytime pwede sya ulit umalis."

"Pero aminin mo masaya ka na nandito na uli sya."

"Oo naman. I'm glad that she's back. Mas gumanda pa nga sya ngayon."  Napangiti ako ng kaunti. Maganda talaga si Chloe inaamin ko.

"Hoy andito na tayo. Ni-rerape mo pa ex mo sa utak mo ha!" Tatawa tawa pa nitong sabi

"Ewan ko sayo. Wag kang mag-iingat sa pagddrive, ibunggo mo tong sasakyan ha."

"Sweet mo talaga." Pabakla nitong sabi

"Kuya kadiri ka!! Sabihin mo kay mama uuwi ako ha."

Tatawa tawa nitong pinaandar ang kotse. Hay nako, Kuya nga kita.

--------



"Coolot!"

"Hey Ate Tin. Di naman halatang namiss mo ko." Sobrang higpit kasi ng yakap nito.

"Syempre no! Tagal nating di nagkita eh."

Inaya na ko ni Ate Tin sa loob ng bar. Dun pa talaga nila napili maupo. Tulad ng dati.

"Ang tagal mo naman dumating!" Pasigaw na sabi ni Kim.

"Parang ang layo ko kung maka-sigaw ka. Buti nga pumunta pa ko. Psh" tinignan lang nya ko ng masama.

"Hi Mela. Hi Bang." Grabe ang ganda nya pa din.

"Hi Fo! Kumain kana?" Mela

"Oo, kaso nagugutom ako ulit eh. Ate Tin pakainin mo muna ko tas inom ako pagtapos." Tumango lang ito.

-
Almost 10pm na. Lalong dumarami ang tao. Lalo ding umingay. Pa-minsan minsan eh tinitignan ko si Bang. Lumayo kasi ako ng upuan sa kanya. Tanaw ko naman ang mga taong nasa dance floor.

"Todo titig ka ah. Type mo?" Napatingin naman ako kay Kim.

"Puta pinagsasabi mo?" Nginuso nya naman ulit yung babaeng sumasayaw. "Hindi. Nagagalingan lang ako sa kanya."

Ngumiti naman na parang aso si Kim. Kakaiba talaga lahi netong bespren ko eh.

"Tangina nakakatakot ka. Umayos ka nga!" Sabay inom ng tequila.

"Sus kunwari ka pa. Halata namang gusto mo." Di ko alam kung nananadya tong hype na to. Nakita kong nakatingin din samin si Bang. At yung babae sa dance floor. "Ar nagpapa-cute na sayo. Tsk patay tayo jan."

Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam na magc-cr lang.

Tumambay ako panandalian sa labas at nagsindi ng sigarlyo.

"Kelan ka pa natutong manigarilyo?" There she is

"Matagal na, I just stopped smoking. Ngayon na lang ulit." Naramdaman ko sya sa likod ko.

"Can we talk?" ...

You and Me (Bang Pineda and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon