"Magandang hapon po, sir!" magalang na bati niyon ng magbaba ng salamin ng binta si Anthony.

"Manang, pakihanda nalang po ng hapunan, may bisita tayo." kaswal na sabi ng binata.

"Sige po, sir." nakangiting tugon sa kanita ng kasambahay.

Samantala, namangha naman si Mia, nang lumantad sa kaniyang harapan ang malaking mansyon na iyon. Ilan beses siyang napalunok ng laway. Maya't maya din ang kurap niya.

"My God, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay." tanging naibulong niya sa sarili. Ang iniisip niya kanina ay tila ba pansamantalang nabura sa alala-ala at napalitan iyon ng pagkamangha dahil sa mga nakikita niya ngayon.

"Pwede ka ng bumaba diyan." untag ni Anthony sa kaniya.

"Kaninong bahay ba 'to?" maang maangang tanong niya sa binata.

"Bahay ko."

"B-bahay mo 'to?"

"Oo! Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong bahay?" natatawang tanong niyon. Nang hindi kumikibo ang huli, siya na ang unang bumababa ng sasakyan.

Nang makababa na ay napansin nitong wala yatang balak bumaba ang huli.

"Hoy Ms Angeles, bumababa ka na diyan? Oh baka naman gusto mong buhatin pa kita," sabi nito sa dalaga.

Sa tingin ni Mia, parang seryoso ito. Kaya bago pa man gawin ang sinabi ay nagkusa na rin siyang bumaba sa kotse. Inis at galit man ay wala na talaga siya magagawa pa. Ang tanging iniisip na lang niya ngayon ay baka nga si Anthony na ang taong makatulong sa problema niya.

"Naku, sana nga lang." sa isip isip pa niya.

Nang makababa, bahagya siyang nginitian ng binata. Doon ay nakita niyang mukhang hindi naman talaga masamang tao ang kaharap niya.

"Tara na sa loob at ng makapagpahinga ka muna." malumanay nitong sabi.

Nagpauna siyang pumasok sa loob, Sumunod naman sa kaniya si Mia.

Napakagara nang loob ng bahay. Hindi lang sa labas pati mismong kabahayan. Halatang mamahalin ang mga kagamitan dito. Tahimik at walang imik habang nakasunod siya kay Anthony.

"Good morning maam," bati ng isa pang kasambahay. Ngiti naman ang tanging naisagot ni Mia, dito. Hanggang ngayon, parang di parin ito naniniwala sa nangyayari sa kaniya.

"Lina, simula sa araw na ito, tratuhin  ninyo ng mabuti ang ma'am Mia, n'yo. Mamaya nga pala after dinner, pakisabihan narin si Manang Bebeng na ayusin ang magiging room niya." utos ni Anthony sa katulong.

"Yes, sir!" nangangiting tugon ni Lina, at ilan saglit namaalam narin sa dalawa at pumunta sa kusina upang tulungan naman si aling Bebeng.

Binalingan naman ni Anthony si Mia, na kanina pa nito halatang tahimik.

"Nagustuhan mo ba ang bahay ko? Ako lang, at ang dalawang kasambahay ko ang nakatira dito." wika nito.

"M-malaki. Maganda." tipid na sagot ng dalaga.

"Hindi magtatagal, magiging bahay mo narin ito."

"Seryoso ka ba? Paanong magiging bahay ko narin 'to?" patay malisyang tanong niya.

"Sooner or later, malalaman mo rin. Ang importante...nandito ka na." pahayag ng binata.

Maya maya pa ay nilapitan nito si Mia. Malapit na malapit na halos isang dangkal nalang ang agwat nila. Kinabahan naman ang huli kung kaya't napaatras siya ng wala sa oras.

"L-lumayo ka nga..." sabi niyang biglang kinabahan.

"Ang amoy mo, at ang presensya mo, alam mo bang hinahanap-hanap ko 'yan. Ang malambot mong balat, ang makinis at maamo mong mukha, kaytagal ko hinintay na ang pagkakataon na muling mahaplos. Ang labi mo...para bang nasasabik na ako na muling mahagkan. In short, namiss ko ang kabuan mo." walang kagul na sabi ni Anthony dito.

Dahil sa takot, sunod sunod na kabog sa dibdib naman ang naramdaman ni Mia. Mukhang tinamaan talaga sa kanya ang lalaking ito.

"W-wag kang lalapit---h-hanggang diyan ka lang." aniya nauutal pa dahil sa pag-aakalang may binabalak itong masama sa kaniya.

"Ano bang meron ka, Mia? Simula nung gabing iyon, hindi na ako matahimik. Ang isip ko, palaging nasaiyo. Walang oras at araw na sinayang ko para lang makita ka. At heto ka na, nasa harapan ko na. Aboy kamay na kita. Hindi ko na mapapalagpas pa ang pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat para sa iyo, dumito ka lang sa tabi ko." malumanay nitong sabi.

"Ang tagal na nun,Anthony. Taon na ang nakalipas. Kung tutuusin, wala naman tayong relasyon. Ni hindi nga natin ginusto ang nangyari diba? Ang lahat ay aksidenti lang. Tsaka pareho tayong nakainom nun." mariing paliwanag naman ni Mia sa binata.

"Yun na nga eh. Matagal na pero hanggang ngayon, hindi ko parin malimutan ang nangyari sa atin. Ang gabing iyon. Honestly, Alam mo bang galit na galit ako nun sa 'yo dahil hindi mo manlang ako ginising bago ka umalis. Kung saan-saan na kita hinanap makita lang kita." sabi nito habang nakatitig sa mata ni Mia.

"P-pero..."hindi na ituloy ni Mia ang sasabihin ng biglang hawakan ni Anthony ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko. Pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya ako na nakita kitang muli." malumanay nitong sabi.

Hanggang sa bigla nalang sila natahimik. Kapwa titig na titig sa isa't isa. Hindi malaman ni Mia kung ano ang gagawin. Para bang nakakaramdam siya ng panglalabot ng mga tuhod. Ang mga titig na iyon ni Anthony, para bang may kung anong bumubulong sa kanyang isipan. Hanggang sa nararamdaman nalang niya na para bang may mainit na hangin ang unti unting dudampi sa mukha niya. Aminado naman siya na hindi lang ito ang nanabik ng gabing iyon, kahit siya ay may pag aasam din noon na sana magkita ulit sila. Pero hindi niya akalain na sa ganitong paraan sila muling magkikita.

"M-mia..." anas na sabi ng binata. Halos magdikit na ang kanilang katawan. Nang bahagyang iyuko ang kaniyang ulo, lihim na siyang napangiti nang makitang nakapikit ang dalawang mata ng dalaga. Sa totoo lang, kanina pa may naglalaro sa isipan ni Anthony na gustong gawin. Mabuti nalang at napigilan din nito ang kaniyang sarili.

"Ang cute mo pala." tanging naibulong nito sa punong taenga ni Mia.

❤❤❤

(COMPLETED) PARTNER IN BEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя