MNYOD [Chapter 12]

Start from the beginning
                                    

"And as for you Mr. Suarez, kaya pala wala kang oras na pag-usapan ang tungkol sa project natin dahil busy ka sa pakikipaglandian sa kapatid ko. Alalahanin mo Mr. Suarez, YOU HAVE A JOB AND WITH THAT, YOU HAVE OBLIGATIONS. "


Akmang tatalikod na sana si Yanna ng higitan siya sa braso ni Drei. "Look, I'm sorry about that. It's just that –"


Di na nagawang patapusin pa ni Yanna ang gusting sabihin ni Drei. "You know what, I don't care if you two date. Pero sana naman ayusin mo yung trabaho mo, hindi yung inuuna mo yung ibang bagay at nagpapabaya ka sa mga mas importanteng kailangan gawin. Enjoy your date with my sister."


Pagkatapos nun ay umalis na si Yanna at naiwang nakatayo sina Drei at Gela.



***



Samantala, matapos ng eksena sa opisina ay nagawa pa rin namang maglunch nina Drei at Gela sa isang restaurant na malapit lang rin sa opisina. Medyo kulang na rin kasi sa oras kung lalayo pa silang dalawa para lang kumain.


"So, how's Andrea?" 


Ang tinutukoy ni Gela ay ang anak nitong si Andy. Alam kasi niya ang tungkol kay Andrea na siyang totoong pangalan ng bata.


"She's fine. Malaki na siya. She's becoming 5 this April 14."


"I see. And she still doesn't have an idea about Rhian?"


Natigilan naman si Drei sa sinabi ni Gela. Alam niyang alam ni Gela ang sikretong kailanman ay di dapat malaman ng anak niya. Lalong-lalo na kung tungkol ito sa kanyang ina.


"Walang alam si Andy."


"And you don't have any plans on telling her about her mother?"


"What's the point Gel? Ni hindi nga kilala ni Yanna ang anak niya." Sabi ni Drei sabay subo ng pagkain niya. Pero pansin mong medyo ni na komportable si Drei sa pinag-uusapan nila.


"That's because akala niya patay na ang anak niya." Pagtatanggol naman ni Gela sa kapatid nitong si Rhian.


Alam ni Drei na gugulo lamang ang lahat kung malalaman ng lahat ang sikreto nila. 


"At mas makakabuting yun lang ang alam niya."


"Don't you think it's time to tell the truth?"


 "Tumutupad ako sa napag-usapan namin ng tatay mo kaya ko to ginagawa."


"Pero matagal na yun Drei. May magandang buhay na si Yanna ngayon. And look at yourself, you're now successful. Di mo na kailangan pang matakot kay Daddy."


"Di ako takot sa tatay mo. Ang sa akin lang, masaya na si Yanna sa buhay niya ngayon."


Oo, tama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Di dahil takot siya sa ama nito kundi dahil ayaw niyang guluhin pa ang buhay ni Yanna. Nakikita niya kasing masaya na ito at di niya nanaising saktan pa ito uli gaya ng dati.


"Eh ikaw, masaya ka ba?" Tanong naman ni Gela kay Drei. Alam kasi ni Gela ang totoong nararamdaman ni Drei para kay Yanna. At kahit papaano ay alam niya ang pinagdaraanan nito.


"Kasama ko ang anak ko."


"Di naman yan ang tanong ko Drei. I'm asking you, are you happy?"


"I'm happy that my daughter's with me. At masisira ang kaligayahan na yun kung malalaman ni Yanna ang lahat. Dahil panigurado kukunin niya ang anak ko."


Alam ni Drei na pilit kukunin ni Yanna ang anak niyang si Andy kapag nalaman nito ang totoo. Lalo na't matagal din niya itong di nakasama.


"But you're still Andrea's father." Giit naman ni Gela na halos tumayo na sa kaka-explain.


"Di niya yun maipagkakait sayo. And besides, sayo lumaki ang bata. Kaya di ka niya kayang ilayo sa kanya."


"Is this really about me Gela or is it about you?" 


Napaupo bigla si Gela na sinabi ni Drei. Alam niya kasing may ipinapahiwatig ito sa kanyang mga sinasabi.


"What are you talking about Drei?"


"Huwag na nga tayong maglokohan pa. Alam kong kilala mo ang kasintahan ngayon ni Yanna."


"And why do I have to care sa taong gusto ngayon ni Yanna?"
















"Because it's HENRY."



***



A/N: Guys, I'm back! Matapos ang mahigit kumulang dalawang linggong walang pagpaparamdam, ako po ay nagbabalik! Haha. I am so happy guys. Di ko aakalain na mas dumami pa ang readers ko within two weeks, at dahil diyan ang nagpapasalat ako ng sobra-sobra. Nga po pala, thank you sa lahat ng nag-alay ng prayers nila para dun sa sinabi kong gagawin ko when I was away. And good news guys, I succeeded! God is really good all the time. Di ko magagawa ang lahat kung wala siya sa tabi ko. Anyway, guys, thank you talaga. And I love you all. Mwah mwah. :*

Love, CMU (^_^)

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now