123 ➝ ②

3K 98 98
                                    


Mingyu is sulking.

Kaya kahit na nasa klase siya, nakabusangot pa rin siya habang nakahalumbaba. It's a good thing there was a departmental meeting today. Kaya kahit na free na ang mga estudyante sa kung anong gusto nilang gawin, hindi pa rin siya umaalis ng klase.

Kahit ang dalawang kasama niyang si Milo at Aira, nakatambay pa rin sa room nila katulad niya. Milo was sitting on the table while Aira was sitting beside her.

"Kanina ka pa nakabusangot. Ano bang problema mo?" Finally, nagtanong na rin si Aira, the ever madaldal at prangka ng squad nila. Though, this so called squad had only been formed this sem. Palagi lang kasing silang dalawa ni Milo ang magkasama.

"Wala." He mumbled, his voice coming out like that of a kid's.

Aira arched a brow at him while Milo just continued listening on his music. Nakaearphones kasi ito at wala na namang pakialam sa mundo. As always. "Lul, anong wala? Buong maghapon kang nakabusangot diyan. Break na ba kayo ng girlfriend mo?"

Mingyu gasped at her, placing his hand on his chest. "Grabe? 'Di ba pwedeng nagkaroon lang kami ng misunderstanding?!"

Aira just nonchalantly shrugged. "Malay ko ba." Tapos tinaasan ulit siya nito ng kilay. "So lovers' quarrel gan'un?"

For the umpteen time, Mingyu sighed again. Ibinalik niya ang dalawang siko niya sa lamesa habang sa diretso lang ang tingin. The frown on his mouth was forever plastered there, eyes looking sad. Sinimangutan siya ng katabi niya pero hindi na niya 'yon napansin. "Hindi naman lovers' quarrel. Ano lang kasi."

"Ano?"

Bumuntong hininga ulit siya. "Kasi nga ano. Parang ano lang?"

Isa, dalawa, tatlo. Nakatanggap siya ng malakas na batok mula kay Aira kaya naman kaagad na napabalikwas siya ng upo. Tinignan niya ito ng masama. "Para saan 'yon?!"

"Gago ka? Ano ka ng ano! Ano nga kasi?!"

"Tsk. Wala nga. I mean, ako lang 'tong masyadong nagiisip."

"Ano bang iniisip mo?"

Mingyu rested his back on his chair. Sandali siyang tumahimik habang seryoso lang na nagiisip. Honestly speaking, the whole sulking of his was meaningless. He isn't usually this immature and it annoyed him that even the little things now could get into him. Kaya naman isang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago mabilis na tumayo; napatingin tuloy ang dalawa sa kanya.

"Okay!"

Milo removed his earphone as he looked at Mingyu with a raise of an eyebrow. "Problema mo, 'tol?"

Ngumiti siya. "Wala lang. Uuwi na ako. Sige, bye!"

Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa at lumabas na ng kwarto nila. Mabuti naman at naging okay na siya at bumalik na ulit sa dati. He should have not been thinking of those things in the first place. Hindi naman gan'un kabigdeal kaya bakit ba siya nagmumukmok diba?

Mingyu, obviously, is an optimistic guy. He never really dwells on something that doesn't even matter at all. Hindi siya yung tipo ng taong maraming iniisip hanggang sa magkabuhol buhol ang utak niya at bigla na lang sasabog dahil sa sobrang gulo. Simple lang siyang tao. He doesn't keep any grudge towards people. Though, may isang tao lang talaga na kahit anong pilit niya sa sarili niya na hindi magselos, hindi talaga niya magawa.

Kang Jae.

Kung sa itsura lang at personalidad, hindi naman siya naiinggit. If anything, his confidence level had already long reached its highest peak. Mas maputi nga lang ito sa kanya. Pero anyway, hot naman ang mga lalaking hindi kaputihan a?

seventeen complexHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin