105

1.4K 93 48
                                    

Incoming Call from Unknown. . .

ACCEPT | DECLINE

Call connected—

"Oh?"

". . ."

"Hello?"

". . ."

"Kung sino ka man, wala ako sa mood. Kaya kung sino ka man, next time ka na tumawag."

"Pft. Why you so pissy?"

". . ."

"Hello, my friend."

"M-mingming????"

"Is my name."

"T-teka! Seryoso?!?!"

"Bakit? Hindi mo na ba kilala ang boses ko?"

"Yao Mingming! Ikaw nga!!!"

"Sino pa ba? Hahaha."

"Shit. Hindi ko inexpect na tatawag ka? Musta na???"

"Ayos lang. Ikaw?"

"Ayos lang!"

"Weh? Parang kanina lang ang sungit mo ah. Anyare?"

". . .wala."

"Alam mo kahit hindi na kita nakakasama ng matagal, kilala pa rin kita. Ngayon na nga lang tayo maguusap, nagsisinungaling ka pa sakin. I'm hurt."

"Ugh. Ming! Hindi ba pwedeng huwag na lang natin pagusapan?"

"No way. Sabihin mo sakin ngayon o FO na tayo."

"Friendship over kaagad?"

"Yup. Kaya sabihin mo na sakin kung bakit ka ganyan ngayon. You sound upset."

". . ."

"Fine. Hulaan ko. Minghao?"

". . ."

"Bingo."

"Paano mo nasabing siya?"

"Duh. Sa tuwing nagaaway kayo, which is rare, hindi mo sinasabi sa kahit kanino. Kaya si Minghao ang kinukulit ko parati para magkwento sakin kasi alam kong itatago mo lang sa sarili mo."

". . .wow. Ganyan ba ako?"

"Sometimes, the people close to you are the ones that understand you more."

"Pero hindi ko siya maintindihan."

". . .ano bang nangyare?"

"If I told you, you'd tell me I'm childish. I know it looks like that on the surface but it's not."

"Hindi ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sakin ng maayos."

seventeen complexWhere stories live. Discover now