087 + ljh's [PART 3]

2.7K 141 523
                                    

sorry about dun sa previous chapter. napagbaligtad ko ang age ni wonwoo and hoshi megads haha! but lets just leave it like that. thank you!!

LEE JIHOON'S


I woke up, my head slightly hurt.

Mabuti na lang at hindi sobrang tindi ng hangover ko kung hindi, hindi talaga ako makakalabas ng unit ko. Napatingin ako sa digital clock na nasa side table ko.

10:32 am

I groaned as I kicked the comforter off my feet. Nakatulog ako bigla kagabi paghiga ko pa lang sa kama. I stink, yuck. Pumasok ako ng banyo at mabilisan na naligo since kailangan ko ng uminom ng kape para mawala ang sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagbalot ako ng makapal na coat since sobrang lamig na talaga sa labas. I wonder when will the snow come?

Bumaba na ako at lalabas na sana ng gate ng mapalingon ako sa pintuan ng unit ni Seungcheol. Kumusta naman kaya yun? I hadn't seen him after the chaos started. Bigla na lang siyang nawala. Okay lang kaya yun?

"Jihoon?"

Napaharap ulit ako ng may tumawag sa pangalan ko. It was Jisoo. He's outside the building, mukhang papasok pa lang. Bumaba ang tingin ko sa dalawang plastic bag na dala niya.

"Hey. Um. Morning."

Jisoo smiled. Umurong ako para makapasok siya. "Sa'n ka pupunta? You should stay. I brought our brunch."

Tumango na lang din ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa unit ni Seungcheol. Nakakapagtaka kasi kaming dalawa lang ang nandito. Tulog pa kaya ang iba? Sa kalagayan nila kagabi mukhang mamaya pa ang mga gising nila. I snickered though when I remembered Mingyu and Wonwoo.

"I'm going to wake the others. You should wake Seungcheol."

Lumabas na si Jisoo ng unit ni Seungcheol kaya naiwan akong magisa. Ang kalat ng unit nito. Parang nilindol kagabi sa sobrang kalat. Naglakad ako sa kwarto niya at dahan dahan na binuksan ang pinto. I peered through it. "Seungcheol?"

Silence.

Pumasok ako ng kwarto niya at nilibot ang mga mata ko. Well, his room is neat at least. Pero ng tumingin ako sa kama, muntikan na akong humagalpak sa tawa. Wow. Seungcheol didn't make it to his bed. Sa sahig na ito nakatulog habang nakasandal ang ulo sa kama niya. It must be hard to sleep like that.

I walked towards him. Tinapik ko siya sa balikat. "Hey. Gising na."

Tinabig ko ang buhok niya paatras para makita ang mukha niya. He looks dumb when he's sleeping. Humihilik pa! Pft.

Niyugyog ko ang katawan niya para magising siya pero wala pa rin. Nang magsimula na akong mainis, nilakasan ko na ang pagyugyog sa kanya to the point na pati ang leeg niya nagba-bounce back and forth. Kung bakit kasi ang hirap gisingin! Tss!

"Hoy! Gumising ka na sabi!"

"Mm!" Ungol niya.

"Anong mm?! Gising na! Umaga na! Akala ko ba ikaw ang magaasikaso sa mga anak mo? Bakit ayaw mong gumising? Gising! Gising! Gising!"

seventeen complexWhere stories live. Discover now