099 - birthday special

2.8K 121 244
                                    


"Seungkwan, huwag kang maingay."

"Huwag ka kasing maglaro, makinig ka muna sakin. Huwag kang bastos."

Ignore.

"Naglalaro ako kaya shut up ka muna."

Seungkwan gasped. "Mas importante pa 'yan kaysa sakin?!"

Nang hindi pa rin siya nito pinansin, walang paalam na hinablot niya ang psp na hawak nito at inilayo mula rito.

"Birthday ko ngayon, gimme all your attention!"

Jeon Jungkook dramatically sighed as he rolled his eyes. Kahit wala ito sa mood, pinilit nitong bigyan ang kaibigan ng atensyon na hinahanap niya. Seungkwan just scoffed at him. "Yah! Bakit ba sa lahat ng araw na susumpungin ka na naman, ngayong birthday ko pa?!"

Inirapan siya ulit nito. But that aside, today is his birthday. Dahil kaklase na naman niya ang kaibigang si Jungkook this sem, siya lang ang mapaglalabasan niya ng excitement. But the idiot wasn't even paying him any attention. Kanina pa ito naglalaro, the usual, ng psp nito. Hindi man lang marunong makisama ang walangya. Seungkwan deserves a special treatment from him! Or anyone for that matter.

Birthday niya. Luh.

"Broken hearted ako kaya respeto na lang." Tipid na sagot nito at inilabas naman ngayon ang phone para doon maglaro.

Susunod na hinablot 'yon ni Seungkwan kaya napasigaw na ito sa inis. Seungkwan doesn't care. "Saklap. Ngayong birthday ko pa ikaw na-bh. Break na kayo ni Taehyung?" Tipid rin na tanong nito.

Actually, mas maganda nga kung magbreak na ang dalawa. Hindi na niya kasi kaya ang kashitan nila. Para siyang masusuka sa tuwing naglalampungan ang dalawa. Sa mismong harap pa niya ah. Hindi talaga marunong mahiya ang kaibigan niya. Tsk. Aside from that, naiinggit rin siya. Kasi bakit si Jungkook may jowa, siya wala?

Unfair.

Naghalumbaba si Jungkook atsaka plain lang na tumango. "Oo."

Seungkwan gasped. Loko lang na gusto niyang maghiwalay ng dalawa (though naaalibadbaran pa rin siya). Kahit na ganon, mukhang gusto naman talaga nila ang isa't-isa. Isa pa, ayaw niyang makitang ngumangawa ang kaibigan niya dahil nga nagbreak na sila ni Taehyung. Baka tuluyan ng umikot ang mundo ni Jungkook sa mga games nito.

"Tangina, weh?"

"Oo nga."

"Hindi ba adik sayo yun? Bakit naman kayo magbebreak? Hindi naman siguro siya ang nagloko—"

"It's him. Pinagpalit ako ng gagong tarantadong masahol pa sa animal na walang hiya."

Even though Seungkwan should listen properly to his friend, hindi pa rin niya maiwasang matawa dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Tinignan siya nito ng masama kaya tumigil siya sa pagtawa.

"Kanino naman?"

"Park Jimin."

Ah. He knows that person. Matagal na kasing pinagseselosan 'yon ni Jungkook. Sa kanya ito nagrereklamo pero hindi naman siya nakikinig those times. Mukhang may katuturan naman pala ang pagseselos nito.

seventeen complexजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें