"Ah.. Syempre naman. We're friends, remember?" Sabi ko sa kanya. Kilala ko si William. Alam kong may gusto siya sa akin. Ramdam ko at natatandaan ko. Medyo hindi nga ako makapaniwala na for the first time, nagkasundo ang utak ko at puso ko sa pagkakaalam ko. That means, hindi siya nabura sa alaala ko.

"Tss.. Tell him that Tito Lance is the one responsible for this." Bulong ni Von. Nagsusungit na naman. Mabuti na lang at busy iyong isa pang possessive friend ko sa pakikipagkwentuhan na ngayon kay Ms. Maribeth, kung hindi, dalawa pa ang kontrabida dito sa eksena ni William. Alam kasi ni Von na iyang si William ay inimbita ni Sir Lance. Si Sir ang nagsuggest na isama sa 18 roses. I dunno why.

Kumunot ang noo ni William sa katabi kong si Von. "You're saying something?" Tanong pa niya.

"I'm not even talking to you." Supladong sagot ni Von. Ayan na naman eh. Nagsusungit na naman. Mabuti na lang at busy iyong isa. Naku kung hindi...

Hayy! Ito talagang dalawang ito. Parehas na madamot pagdating sa akin. Buti nga at nakakayanan nilang ishare ako sa isa't-isa. Parehas possessive. Parehas over over sa pagka-protective!

Itinaas ni William ang mga kamay niya na parang sumusuko. "Hey! Easy, ok? Why do I have this feeling that you don't like me?" Tanong ni William kay Von.

"Why would I like you? That's gay sh!t, man!" Malamig pa ding sagot ni Von. "Let's go to your house." Yaya ni Von sa akin na may kasamang ngiti. Gusto kong matawa sa bilis niyang magbago ng facial expression, pero baka toyoin kaya pinigil ko na lang.

Pumayag na ako kasi baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. "Come on, William." Yaya ko kay William. Sumang-ayon naman siya at umambang palabas na ng gate nang balingan ko si Von.

"Tawagin mo na sina Franz. Dinner na." Baling ko kay Von.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Von. "No! I stay here with Mr. Sy, you call Franz and the others." Utos niya sa akin. Ayaw talaga akong ipaiwan kahit sandali kay William Sy. Bantay sarado talaga ako.

"Ok." Sinunod ko na lang ng walang satsat. Agad akong lumapit sa kinatayuan nina Franz.

"Aalis na ako. May lakad pa ako. Kapag hindi ako busy, punta ako bukas." Naabutan kong sabi ni Miss Maribeth kay Franz.

"Naku! Kain po muna tayo ng hapunan sa amin." Sabi ko sabay turo ng bahay namin. Sumangayon sa sinabi ko ang iba naming kasama.

Ngumiti siya at umiling. "No. Nagmamadali ako. Bukas na lang sa party ako makikikain. Advance happy birthday, Stephanie!" Magiliw na bati ni Miss Maribeth. Kahit sikat siya sa industriya ay napakababa ng loob. Nakakahanga!

"Salamat po. Sabay-sabay na po tayo palabas. Pupunta na rin po kasi kami sa amin." Magalang na sabi ko pa.

"Tara!" Sagot ni Ms. Maribeth.

"Franz, Guys, tara sa amin. Dinner muna tayo bago kayo umuwi." Sabi ko sa kanilang lahat.

The StarWhere stories live. Discover now