- -E P I L O G U E- -

4.7K 123 30
                                    

('Wag niyo po munang patugtugin 'yung nasa multimedia. Sasabihin ko po kung kailan niyo papatugtugin. Thank you!)

After 5 years...

Maine's POV
Limang taon na ang nakakalipas... Marami rin namang nangyari... Lahat kami ay may mga trabaho na. Si Alden ay artista na at nakapagpatayo na siya nang sarili niyang restaurant. Si Jerald at Sam naman ay naging waiter doon sa restaurant ni Alden. Si Valeen naman ay may anak na, kaya hindi na siya nagtrabaho. Kaya si Jerald na lang ang nagtrabaho para sa anak nila. Kami naman ni Patricia ay nagtatrabaho kaming chef doon sa restaurant ni Alden.

Halos lahat kami, sa restaurant ni Alden nagtatrabaho

Day-off namin ngayong lahat. Kaya naman ay nag-picnic kami...

Sayang nga lang wala si Alden kasi busy sa trabaho niya

"Ninang Maine! Kain na daw po!" Sigaw ni Samantha, anak ni Valeen

"Ah sige sige." Sunod ko sa kanya

"Sayang wala Ninong Alden, lungkot tuloy ni Ninang Maine!" Sabi uli ni Samantha at napatawa naman kaming lahat doon

Heto pa naman kami ni Alden, masaya pa rin sa relasyon namin. Kahit minsan, magkagalit kami ay hindi siya matutulog hanggang hindi pa kami nagkakabati. Siguro wala rin siyang babae kasi bawat break ni Alden sa taping ay tinetext niya ako. Minsan kumakain kami sa mamahaling restaurant kahit sabi ko ay sa McDo na lang kami. In short, hindi naman siya nawawalan nang time sa akin. Kaya mas lalo ko pa siyang hinangaan at minahal...

"Huy! Tinatanong kita Maine!" Pambubulabog sa akin ni Valeen

"Ha? A-ano ba 'yun?" Tanong ko

"Ang tanong ko, kailan kaya magpopropose sa'yo si Alden." Tanong niya

"Palibhasa kasi, kinasal ka na."

Oo, kinasal na siya. Sila ni Jerald. Grabe no? Inunahan pa kami ni Alden

"Oo nga, kinasal na ako. Eh diba ikaw 'yung nakasalo sa hawak-hawak kong flower nung sa kasal?"

"Oo." Tipid kong sagot

"Tapos ang sabi nila, kung sino daw nakasalo nun. Siya daw ang susunod na ikakasal." Paliwanag ni Valeen

"Alam ko..."

"Eh bwiset ka pala eh! Alam mo naman pala na 'yun!" Sigaw niya

"Tanong ko uli ha, kailan kaya magpopropse sa'yo si Alden?" Ulit na tanong niya

"Eh kung si Alden kaya tanungin mo?" Pambabasag ko

Tumingin siya sakin nang masama...

"Okay, okay! Baka wala siyang time or ipon pa." Paliwanag ko sa kanya

"Walang ipon?! Eh sa kinatagal-tagal na niyang artista. Wala pang ipon?! Tapos walang time?! Eh lagi ka ngang dinedate nun! Walang time?!" Sigaw na naman ni Valeen

"Eh, ewan ko dun! Basta, maghihintay ako. Mas excited ka pa kaysa sakin na makasal ako..." Sabi ko

*God gave me you... To show me what's real*

"Hello?" Panimula ko

Bakit? 'Yan 'yung ringtone ko eh!

[Hello love. Kamusta picnic niyo?]

"Eto masaya. Sayang wala ka..."

[Sus! Namimiss mo 'ko no?]

"Oo naman! Kaninang madaling araw ka kayang umalis!"

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu