Part 15: TuesDates

4.9K 139 4
                                    

Alden's POV
Tuesday na ngayon. Kakauwi lang naman galing sa school. Napag-usapan na namin yung tungkol sa pageant. Si Patricia, Valeen, Liza at Nadine (guest lang po sila dito) ang sasama kay Maine sa backstage. Tapos yung ibang girls na kasama ni Kathryn and Bianca (Umali. Guest rin po sila dito ni Kathryn kaya pagbigyan niyo. Kahit dalawang part lang! Haha) yung magcheecheer kay Maine. Kami ring mga boys, magdadala sila ng sariling drums nila para maingay, para malaki yung points niya sa audience impact.

Jerald is calling...
Accept|Decline

I accept the call

"Hello, Je. Ba't ka napatawag?" Tanong ko

(Bro! Kukunin namin kayo ni Maine)

"Huh? Bakit naman?"

(Ayaw mo? Date kayo, date kami at date sila)

"Libre mo?"

(Sige ba. Basta sumama kayo)

"Sige sige. Anong oras mo kami pipick-up-in?"

(Mga 7:00 but it's 5:00 only)

"I know bro, may orasan ako dito"

(Sige na bro. Basta ah, ipipick up namin kayo)

"Sige na, bye"

(Bye)

Call ended

Kaya tinawagan ko si Maine. Magkakasama kasi sila Maine, Valeen, Liza at Patricia. Bibili kasi sila ng mga make-ups ganon kasi sila yung mag-aayos kay Maine ss backstage

"Hello, Maine?"

(Oh Alden, napatawag ka?)

"Ano, uwi ka muna dito sa condo"

(Sige. Good timing ka, kasi etong si Liza gusto na kami paalisin kasi may date daw sila ni Enrique)

"Tayo kaya, kelan tayo magde-date?"

(Hayyy nako Alden, uuwi na ako)

"Sige, bye. Ingat ka"

Call Ended
Bakit kaya di niya ako sinagot sa tanong ko?

Tinext ako ni Sam

Sam: Bro, punta ka na dito sa meeting place natin

Ako: Saan ba? Teka paano si Maine?

Sam: Sa Marufuku Restaurant (Totoo po yan) Japanese Restaurant. Para maiba naman tayo ;)

Ako: Okay. Pero paano nga si Maine?

Sam: Ako nang bahala kay Maine

Ako: Sige sige. Magshoshower na muna ako

Sam: Wag na!

Ako: Aber, bakit? Para laging fresh ;)

Sam: Ogag! Sige na, bilisan mo na mamaya eh, maabutan ka pa ni Maine dyan

Ako: Yes, commander!

Kumuha na ako ng twalya at pumunta na ako ng banyo at saka nag-shower na
————————
After 10 minutes...
Nandito na ako sa Marufuku Japanese Restaurant daw. Pag pasok ko pa lang sa restaurant ay kaagad ko ng nakita sila Sam at Jerald

"So paano nga yung mga girls?" Tanong ko kaagad sa kanila

"Ano ba naman yan Alden? Wala man lang, Good evening? Hayyss, by the way. Oo on the way na sila, sinabi ko na sa kanila na pupunta sila dito. Actually, galing na sila sa mga condo nila" mahabang paliwanag ni Sam

"Pre, may alam ka ba na malapit lang dito na flower shop?" Tanong ko na naman uli sa kanila

"Dyan sa kabilang kanto, meron" sabi naman ni Jerald

"Sige, salamat" at lumabas muna ako ng restaurant. Naglakad na lang ako kasi malapit lang naman eh

Nakarating na ako. Pinili ko yung bulaklak na color yellow, kasi favorite color ni Maine yun at sa kanya ko 'to ibibigay

Bumalik na ako sa restaurant at pumasok uli

"Wala pa sila?" Tanong ko. Napansin ko, nakatingin silang dalawa sa pintuan at pinagtaka ko? Lumingon na rin ako sa gate at, nandun na pala silang tatlo

"Good evening boys!" Sabay sabay na sabi ng tatlo

"Good evening din girls!" Sabay sabay naming sabing mga lalaki. Buti sabay sabay kami. Hindi kami nag-practice nan!

"You may have a seat" sabi ko kay Maine. Inalalayan ko siya sa pag-upo

"Thank you" sabi niya at ngumiti

"Flowers for you Maine!" Sabi ko at sabay labas ng flower

"Wow! Thank you Alden!" Kinuha niya yung flower at inamoy amoy niya yung flowers na binigay ko sa kanya

"Basta ikaw, and remember nangliligaw ako sa'yo!" Sabi ko at ngumiti lang siya

"Anong order niyo?" Tanong ni Sam sa aming lahat

"Creamy mushroom akin (carbonara with mushroom po yun)" sabi ni Patricia

"Yun na din siguro yung akin" sabi naman ni Sam

"House special (half boiled egg w/ a delicate soy sauce) na lang yung akin" sabi naman ni Valeen

"Ayun na rin yung akin, Sam" sabi naman ni Jerald

"Ikaw Maine, anong gusto mo?" Tanong ko at tumingin ako sa kanya

"Kare (Japanese curry w/ onion, potato & carrot) naman yung akin" sabi naman ni Maine

"Yun na rin yung akin" at ngumiti ako

"Waiter please!" Sigaw ni Sam

"Impeyrness ah! Ang lakas pala ng boses mo?!" Sabi ni Valeen at umiling iling lang si Sam

"Dalawa ngang creamy mushroom. Dalawa rin sa house special at dalawa rin sa kare" sabi ni Sam

"Okay sir. Dalawang creamy mushroom. Dalawa rin pong house special at dalawa rin pong kare" sabi ng waiter

"Yes" at tumango si Sam

"Okay sir. Coming up!" Umalis na yung waiter
—————————
After 15 minutes.....
Nandito na yung pagkain namin. Ba't pa kasi chopsticks ginagamit dito? Nakakainis naman!

"Oh Alden, ba't di ka kumakain?" Tanong ni Sam

"Hindi kasi ako marunong magchopsticks" sabi ko

"Pftt! Haha!" Tawa ni Maine

"Pre, hindi ka marunong magchopsticks?" Sabi ni Jerald na medyo patawa na

"Hindi nga" sabi ko at yumuko ako

"Hahahahahaha!" Tawa nilang lahat

Ba't parang pinagtutulungan nila ako? Tumayo ako

"Wag niyo naman ako tawanan. Porke hindi lang marunong gumamit ng chopsticks tatawa na agad kayo?" Umalis ako sa harapan nila at saka umalis dito sa restaurant na 'to

Umuwi ako sa condo ko. Dun sa dati. Ayoko dun sa condo ni Maine. Baka asarin ako, medyo pikunin pa naman ako. Meron naman akong damit na naiwan dyan.

"Oh anak, ba't ka nandito?" Tanong sakin ni Daddy

"Dad, pwede po ba papasukin mo muna ako?" Tanong ko rin at pinapasok naman ako

"Ba't ka nga nandito?" Umupo ako sa sofa

"Basta dad, baka pagtawanan mo rin ako"

"Okay, hindi na kita pipilitin" sabi ni Daddy

"Pano kung hanapin ka ni Maine, sa akin?" Tanong na naman ni Daddy sakin

"Sabihin mo dad, wala ako dito" sabi ko hanggang tinatanggal ko ang relo ko

"Paano kung mag-alala yun?" Tanong uli ni dad sa akin

"Edi mag-alala siya dun!" Pumasok na ako ng kwarto

Itutuloy....
—————————
Guys wag niyo masyadong damdamin yung mga attitudes ni Alden dyan ah?>_<

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon