Part 29: Please

3.7K 114 8
                                    

*after 1 month*
Alden's POV
Hindi ko na ata kayang mabuhay na ganto kami ni Maine. Para akong tanga kasi kinakausap ko pa rin siya kahit hindi niya ako pinapansin. Para akong tanga kasi tinetext ko siya eh alam ko naman na hindi siya mag-rereply. Para akong tanga kasi bibilhan ko siya ng pagkain pero itatapon niya lang 'yun. Para akong tanga kasi, oo nga, pinaglalaban ko siya pero hindi naman niya ako pinaglalaban kahit Mahal na niya ako

Alam ko na ang lahat, ayaw ng Lola niya sa'kin. Sinabi niya sa'kin 'yun

Flashback....

"Maine! Ano bang nangyayari sa'yo ha?!" Sigaw ko

"Gusto mong malaman? Ayaw ng lola ko na kausapin mo ako at kausapin kita! Ngayong alam mo na. Masaya ka na?!" Sigaw niya

"Maine, mahal kita. Please wag mo akong iwasan, hindi ko kaya. Mahal kita" sabi ko habang hinahawakan ko ang mga kamay niya

"Oo na, inaamin ko sa'yo na mahal kita. Mahal kita Alden pero kailangan natin, ko 'to gawin" sabi niya habang nagsisibagsakan na ang luha niya

"Mahal mo pala ako eh, ipaglaban natin 'to. Please!" Sabi ko na nakaluhod na ako sa harapan niya

"Sorry Alden, kung sinaktan, sinasaktan at sasaktan kita. Sorry" binitawan niya ang kamay niya sa kamay ko at umalis na siya

End of flashback....

Dapat masaya ako ng araw na 'yun dahil pinagtapat niya sakin ang feelings niya sakin

Nandito kami ni Sam sa bahay ni Jerald. Sa kusina nila. Nagkayayaaan kami na mag-inuman eh

Nakaka-apat na shots pa lang ako pero nahihilo at parang lasing na kaagad ako.

"Pre! Kaya mo pa bang magdrive nan?" Tanong ni Jerald

"Oo naman! Ako pa ba! Hahaha!" Sabi ko

"Kung hindi, magpapahatid na lang kami kay Maine sa'yo" sabi ni Sam

"Si Maine? Haha! Sa tingin mo may pakialam pa sa'kin 'yun?" Sabi ko

Tumayo na ako at naglakad. Pero pagewang-gewang. Hanggang sa bumagsak ako

Everything went black..

Maine's POV
Kamusta na kaya si Alden ngayon? Haysss, nakakainis lang 'yung lola ko. Pati phone ko kinuha na, para daw masigurado niya na hindi kami nag-uusap ni Alden

Oo na. Nasasaktan din ako! Alam ko na nasasaktan din siya :(

Bumaba ako para magtimpla ng gatas para sa'kin. Pero may nakita ako...

Ang cellphone ko!!

Nasa tabi ni Lola Nidora pero tulog siya. Kaya lumapit at kinuha ko ang cellphone ko ng tahimik para hindi ako marinig ni Lola

Umakyat kaagad ako at pumunta sa kwarto at nilock ang pinto

Binuksan ko na ang phone ko at tinignan ko ang messages.

56 messages, 27 missed calls

Baka nakaturn off nung kinuha 'to ni Lola. Haysss :(

Nakita ko na sila Valeen, Patricia, Sam at Jerald ang nagtext sa'kin. Especially, si Alden

'Kamusta ka na?'
'Good Morning!'
'Pasok na tayo!'
'Nasan ka ba?'
'Sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina'
'Alam ko, naintindihan na kita. But, I love you. Kaya hindi ko natiis na magtext sa'yo'
'Kain na tayo! Binilhan kita ng pagkain'
'Sorry kung ayaw mo yung pagkain na binigay ko sa'yo kanina'

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon