Part 34: Christmas Party

3.5K 108 9
                                    

2 months ago....

Maine's POV

"Sumama ka na kasi! Bumabagsak ka na kaya! Sa tingin mo sasaya si Alden dyan sa pinaggagagawa mo?!" Sigaw sakin ni Valeen. Nandito kami ngayon sa sementeryo, nakatingin sa lapida niya

"Kahit nakahiga na siya dyan! Sinusundan ko non! Baka magalit yun samin kung sakaling magising siya" sabi ni Patricia

"Hayyy, hihintayin ko muna na bumalik siya" sabi ko at yumuko ako. Tumingin uli ako sa lapida niya

Jefferson Mendoza
June 24 1997-August 18 2005
(A/N: Sorry po kung kapangalan niyo!)

"Hoy! Kilala mo naman si Alden diba? Pakisabi naman sa kanya na bumalik na siya oh! Miss ko na siya eh! Gusto ko na siya mayakap! Magpapasko na! 'Yun na lang iregalo mo sakin, yung bumalik si Alden!" Nangingiyak kong sabi. Habang sila Valeen at Patricia, hinahagod ang likod ko para icomfort nila ako

"Tahan na Maine. Babalik si Alden, baka gising na 'yun kaya bumalik na tayo" sabi ni Valeen at tumayo na ako. Sumunod ako sa kanila
——————————
Nandito na kami sa hospital. Nasa loob na kami ng kwarto niya

Tinitignan ko siya. Hayyy, namimiss ko na 'yung mga mata niya tapos kapag ngumiti siya kasama pati mga mata siya. Kailan ka ba babalik, Tisoy ko? T^T

"Maine! Kumain ka muna! Baka malagot kami kay Master! Haha!" Sabi ni Jerald at ngumiti lang ako

Nagsimula na kaming kumain lahat

Nagpaluan ng unan sila Sam at Je. Hanggang sa nabitawan ni Sam yung unan at tumama ito sa mukha ni Alden

"Tsk! Hindi kasi kayo nag-iingat eh!" Sabi ko at inalis ang unan na nasa mukha ni Alden

"Ahhh, sorry. Aalis na lang kami ni Je" sabi ni Sam at tumalikod na sila. Sumama na rin yung dalawang magaling ko mga bestfriends!

"Hoy! Wag muna kayo umalis!" Napalingon si Jerald sa kanya. Napalingon na kaming lahat. Gising na siya :)

"Ba't parang nakakita kayo ng multo?" Takang tanong niya

"ALDEN!! NAMISS KA NAMIN! NAMISS KA NAMIN MASTER!" Sigaw nila Jerald at Sam. Tumakbo sila kay Alden sabay yakap kay Alden

"Akala ko mawawala na 'yung kakambal ko!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jerald

"Akala ko mawawala na ang master namin!" Sabi naman ni Sam

"Alam niyo? Parang payb years tayong hindi nagkita kita!" Sabi ni Alden at tumawa siya

"Eh namiss ka namin eh!" Sabi ni Jerald. Kumalas na sila sa yakap nila

"Nice! Nagising ka na rin! Wala kayang nanglilibre samin dati!" Sabi ni Patricia

"Buti naman gising ka na! Dati ka pang hinihintay ni Maine magising no! Pati pag-aaral niya napapabayaan na rin!" Sabi ni Valeen

"At ikaw naman? Ms. Mendoza? May sasabihin ka ba?" Tanong ni Alden at ngumiti ng loko loko

Lumapit ako sa kanya. Hinampas ko siya sa dibdib niya at kamay niya

"ARAY! Ba't mo 'ko pinalo!" Sigaw ni Alden. Nag-isip bata na naman siya

"Ba't ang tagal mo magpahinga ha?! Ang tagal mo 'ko pinag-intay! Sabi mo saglit ka lang pipikit, pero dalawang buwan kang tulog! Huhu!" Mangiyakngiyak kong sabi. Niyakap niya ako

"Tsk! Alam kong nagpapabebe ka lang eh! Ang totoo, miss mo na 'ko!" Pang-aasar ni Alden

"Oo na! Namiss ka na kita! Happy?" At umirap ako kay Alden

"Ayieeee!" Sigaw nila. Kahit kailan talaga
—————————
December 19, 20**

Christmas party namin ngayon. Nung nasa gate na kami ni Alden, agad na silang nagbubulungan

"Hayaan mo na lang sila!" Sabi ni Alden habang nakahawak kamay na kami

Pagdating namin sa room. Agad akong kinausap ni Alden

"Balita ko, madalang ka na lang daw pumasok simula daw nung nahospital ako. Totoo ba 'yun?" Tanong niya

"Alden, hindi natin 'to time mag-away pero sasagutin ko yang tanong mo. Yeah, madalang lang ako pumasok" sabi ko at yumuko ako

Huminga siya ng malalim. "Ako pa tuloy naging dahilan kung bakit bumabagsak ka" sabi ni Alden at napayuko na lang ako

"Sorry" nakayuko kong sabi

"Okay. Pero 'wag mo na gawin uli 'yun ah?" Sabi ni Alden. Napaangat ako ng ulo at tumango ako

Nagbigayan kami ng regalo buong klase

Mga natanggap ko:
Notebook na may ballpen
Panyo
T-shirt
Tumblr
Wallet
Mga board games

Bigay sakin ni Alden? 'Yun, pagkain♥_♥

Necklace naman binigay ko kay Alden ^_^

"Thank you nga pala dito, Alden ah?" Sabi ko at ngumiti sa kanya

"Wala 'yun" sabi ni Alden. Bigla siyang tumingin ng seryoso sakin

"Bat ka g-ganyan m-makatingin?" Nauutal kong tanong

"Thank you" sabi niya. Nagtagpo ang mga kilay ko. "Thank you kasi hinintay mo 'ko magising. Thank you kasi hindi mo 'ko iniwan!" Sabi niya at niyakap ako. Ang sarap pala sa feeling na niyayakap ka ng taong mahal mo? Niyakap ko din siya pabalik

"Wala 'yun! Edi mawawalan na ako ng manliligaw?" At tumawa lang kami ng mahina. Humiwalay siya sa yakap niya sakin

Malapit na, malapit na rin kita mamahalin

Itutuloy....

Hi guys! Hindi ko mapapangako kung may next update ako this week kasi baka kukunin ni mama yung phone ko kasi exam na namin sa Thursday and Friday. Pero tinatakas ko naman yung phone ko, dinadala ko kasi sa school namin (kahit bawal)

And guys, excited na ako bukas. 'Cause magpipicture kami na nakasuot ng red togaaa! ♥_♥

So ayun, skl (Share Ko Lang) :) 😂😂

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon