Part 32: Andy in the condo!

3.5K 111 8
                                    

2 months ago...

Alden's POV
Yas! 2 months na akong nanliligaw sa mga lola ni Maine. Hindi alam ni Maine na nasa bahay nila ako. Umalis ako sa condo ko. Magkasama na kami sa condo niya ^_^

"Ba't niyo po ako pinapunta dito Lola?" Tanong ko pagkatapos ko uminom ng juice

"May importante kaming sasabihin sa'yo" sabi ni Lola Nidora

"Ano po 'yun?" Tanong ko uli

"Alagaan mo ang apo namin. Wag na wag mo siyang papabayaan. Ayaw namin makita siyang umiiyak dahil sa'yo. Pakainin mo 'yan. Suyuin mo siya 'pag nagagalit o nagtatampo o nagseselos siya sa'yo. Wag kang maghahanap ng ibang babae. Sundin mo lahat ng utos niya para hindi na kayo mag-away. Ihatid sundo mo siya. Naiintindihan mo ba?" Mahabang sabi ni Lola Nidora. Ibig sabihin?

"Ibig sabihin po lola, pumapayag na po kayo?" Tanong ko. At unti unti tumango si Lola Nidora

"Basta Alden! Tandaan mo ang mga bilin ko!" Sabi ni Lola Nidora

"Oo naman po! Promise po! Gagawin ko po lahat para sa kanya! At sa inyo!" Sabi ko habang sobrang lawak ng ngiti ko

"Kung hindi, masisira 'yang gwapo mong mukha!" Pagbabanta ni Lola Tinidora. Tumango lang ako, syempre ayoko mawala 'tong gwapo face ko! ^_~

"Sige po lola, sasabihin ko po ito kay Maine" sabi ko. Aakmang tatayo na ako pero pinigilan nila ako

"Kumain ka muna dito apo" sabi ni Lola Nidora

Papunta na akong kusina nang biglang may tumawag sa akin

Menggay ko's calling...
Accept|Decline

Nagpaalam ako kay Lola Nidora na sagutin ko ang tawag ni Maine

"Hello?" Paninimula ko

(Nasan ka? Ba't di ka man lang nagpaalam sakin? Kumain ka na ba?)

"Chill. Nandito ako sa Laguna. Busy kaming lahat dito" pagsisinungaling ko. Sabi kasi ni Lola Nidora eh! Wag ko daw sabihin na nandito ako

(Okay sige. Kakain ka ba ng lunch dito?)

"Ah hindi na. Mahaba byahe ko kaya dito na lang ako kakain"

(Sige. Ingat sa pagdrive. Bye!)

"I love you. Bye"

Call ended

Nagsimula na akong kumain
----------
Tapos na akong kumain at uuwi na ako

"Sige po mga lola! Aalis na po ako!" Pagpapaalam ko

"Sige. Mag-iingat ka!" Sabi ni Lola Nidora

Sumakay na ako sa kotse at ini-start ko na yung kotse ko. Nag wave muna ako sa kanila bago ako umalis
---------
Malapit na ako sa condo ni Maine. May nadaanan akong flower shop. Pinark ko muna yung kotse ko sa tapat. Pumasok ako sa loob

"Good afternoon sir. Ano pong hinahanap niyo?" Tanong ng nagtitinda

"Ahm, isang boquet ng red roses nga" at ngumiti ako

Kinuha niya yung isang boquet ng red roses. At binayaran ko na

"Ahm, sa inyo na lang po yung sukli" sabi ko at ngumiti uli

"Naku, maraming salamat! Sana sagutin ka ng nililigawan mo!" Sabi ng lalaki at tumawa ako ng mahina

Umalis na ako papuntang condo ni Maine

Nasa tapat na ako ng pinto ng condo ni Maine. Binuksan ni Maine ang pinto

"Oh nandyan ka na pala Alden. Pasok ka!" Napansin ko na may dala siyang bulaklak. Tumingin ako sa loob at nandun si Andy -,-

"Ba't may mga bulaklak ka?" Tanong ko

"Ah, nandito kasi si Andy" sabi niya

"Ah so? Kailangan mo pa dalhin yung bulaklak na galing kay Andy kapag may bisita ka?" Sabi ko. Oo na nagseselos na ako -,-

"Tch. Pumasok ka na nga!" Sabi niya at hinila niya ako papasok

"Ano ba 'yang nasa likuran mo?" Tanong niya

"Bulaklak sa'yo pero may iba ka ng bulaklak eh" sabi ko. Tumingin ako ng masama kay Andy

"Hindi ka masyadong seloso ano?" Pagbibiro niya

"Oh yan! Flowers for you!" Sabi ko sabay labas ng flower

"Thank you!" Sabi niya at ngumiti habang inaamoy amoy niya yung flowers na binigay ko sa kanya

"Diba manliligaw mo 'ko? Pakilala mo naman ako dyan sa bisita mo!" Pagpaparinig ni Andy. Mangliligaw pala ah? Humanda ka sakin

"Kilala niyo naman ang isa't isa diba?" Tanong ni Maine. Tumango lang kaming dalawa ni Andy

"Ba't ko pa ipapakilala sayo si Alden? Eh kung kilala mo naman pala siya?" Pahiya ka tuloy! >_<

"Maupo ka muna, Alden. Gagawa lang ako ng cookies" sabi niya. Cookies?!

"Ahm, Maine. Pakirami ha?" Request ko at tumango lang siya. May sinabi si Andy nung umalis na si Maine

"Pinadami pa. Mas lalong mahihirapan 'yun" pagpaparinig ni Andy

"Pake mo ba? Mahal ako non!" Pagfifeeling ko

"Mahal ka? Dapat sinasagot ka na non!" Sabi niya

"Kasi tinatago niya lang! Halata kaya sa kilos niya. Gaya kanina, sinunod niya ako" sabi ko

"Juice niyo muna!" Sigaw ni Maine

Nilagay ni Maine ang mga juice namin sa harap namin. Inintay namin siyang lumabas uli

Nang lumabas si Maine, may dala siyang plato na may mga cookies. Nang nilapag niya, kumuha kaagad ako

"Tignan mo? Siya pa unang kumuha. First come, first eat!" Ano daw? Sinamaan lang ng tingin ni Maine si Andy

"Eto na yata yung pinakamasarap na cookies na nakitman ko!" Sabi ko at kumagat uli ako ng cookie. Yeah, alam kong lalaki ako. Pero, pero hindi ko mapigilan eh. Actually, 6 na piraso na yung kinain ko at pang pito na 'ro

"Tsk, naging bolero pa!" Sabi ni Andy. Diba dapat si Maine magsabi nan? Bobo naman neto

"Hayaan mo na Andy. Thank you Alden!" Sabi ni Maine at ngumiti siya

Nagpaalam na si Andy na umalis. At umalis na siya

"Hindi halata na seloso ka" sabi ni Maine at ngumisi siya

"Tsk. Paano ba naman hindi ako magseselos? Nandito yung lalaking 'yun?" At umirap ako. Yeah, alam kong nakakabakla tong ginagawa ko

"Wag ka ng magselos, mas type pa nga kita eh!" Sabi niya. Haha! Yes, mas type ako ni Maine!

"Ibig sabihin? Ako ang mas gusto mong sagutin kaysa sa kanya?" Tanong ko at tumango siya.

Tumayo ako at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik. Ibig sabihin? May chance din ako na sagustin ako ni Maine ng 'oo'?

Itutuloy....

Hello guys! Sorry kung hindi natupad yung promise ko sa inyo kahapon. Malapit na akong matapos eh! Pero ang hihirap pala ng tanong dun! Ginanahan ako mag-update kasi nasa #68 in Fanfiction na tayo! Thank you guys!

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon