Part 24: Celebration

4.5K 126 7
                                    

Alden's POV
Wala kaming pasok ngayon. Magkakasama kaming lahat ngayong magkakaklase wala lang si Maine kasi may surprise celebration kami para sa kanya.

"Uy! Gandahan niyo yung pagsabit ng mga letters ah?" Sabi ni Jerald

"Yes, sir!" Sabi ng mga kaklase namin

"Ayan na ha. Baka sabihin mo na wala akong ginagawa!" Sabi ni Jerald

"Tsk. Oo na, nakikita ko na. Nakikita ko na may ginagawa. Pero eto talagang Sam na 'to eh, walang ibang maisip gawin kun'di makipagkwentuhan kay Pat eh! Sabi ko.

"Trust me, don't trust him. Haha!" Sabi niya. Naghalf smile lang ako

"ALDEEENNN!" Sigaw ni Valeen

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Jerald

"Diba, dapat ako ang magtatanong niyan? Tss" sabi ko

"Alden, tinatanong sakin ni Maine kung nasan daw ako. Anong sasabihin ko?" Natatarantang tanong niya

"Nakabukas ba 'yang location mo?" Tanong ko

"Hindi naman" sabay iling

"Sabihin mo, papunta ka ng grocery. Tamang tama! Bumili ka na rin ng mga pagkain natin dito. Eto oh! Mga listahan tapos eto na yung pera ko" binigay ko na yung papel na may mga listahan na bibilhin at ₱2,000

"Pero, ibalik mo yung sukli ah?" Sabi ko. Ngumiti siya

"Oo na po!" Sabi niya at kinuha na niya lahat ang binigay ko sa kanya saka siya umalis

Valeen's POV

Magandang babae's calling...
Accept|Decline

Shet! Si Maine 'to! Buti na lang nasa kotse na ako

(Huy! Nasan ka na ba? Nandito na ako sa mall oh!) What? Pumunta siya dun?

"Ba't ka pumunta dun?"

(Wala lang. Boring kasi sa bahay. Bonding naman tayo kahit mga 30 minutes lang)

"Sige na nga"

(Bakit? May bibilhin ka ba?)

"Alangan! Kaya nga ako pupunta nga mall eh!"

(Para san?)

"Ah ano.... Para sa.... Para sa birthday ng kaibigan ng mama ko! Gusto daw kasi isurprise ni mama" pagpapalusot ko! 1 point Valeen!

(Ah sige. Bilisan mo ah? Bye!)

"Babye!" Agad kong binaba

Buti na nga lang pagkatapos ng tawag eh, nakarating na ako dito. Agad naman akong pumasok at pumunta ng grocery

"Oh! Valeen! Anyare? Hingal na hingal ka oh!" Sabi ni Maine

"Ah wala 'to. Tara na, pasok na tayo" hinila ko siya at saka kumuha ng cart

Agad naman ako kumuha ng mga pagkain na nasa listahan. Magbabayad na kami ngayon sa cashier. Wait check ko uli

✔2 spaghetti packs
✔2 pancit bihon packs
✔3 coca-cola 1.5 liters
✔2 plastic plates packs
✔2 plastic cups packs
✔2 plastic spoons and forks packs
✔2 spaghetti sauce
✔2 breading mix
✔2 kilo chicken
✔3 Magnolia ice creams (kahit anong flavor)

"Ba't parang sulat ni Alden 'yan?" OMG. Anong sasabihin ko?

"Ano kasi magulo yung sulat ni mama. Eh di ko maintindihan kaya pinasulat ko uli kay Alden" at tumango lang siya

Tapos na kami magbayad. Nangyayaya nga kumain eh.

"Maine, wala akong pera. Pera lang 'to ni mama!" Sabi ko

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendDär berättelser lever. Upptäck nu