Part 13: 1 month/Feelings

4.9K 144 9
                                    

Maine's POV
Isang buwan na nakalipsas nung nagfake relationship kami. Gusto ko na sanang bumitaw kay Alden. Gusto niyo malaman? Eto kung bakit

Flashback...
"Ah, so eto pala yung sinasabi nila na girlfriend daw ni Alden?" Sabi ng babae sa mga kaibigan niya

"Sorry, hindi ko kayo kilala" umalis ako sa harapan nila pero hinila nila ako at saka sinampal ako ng babae kanina. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal niya

"Bakit mo 'ko sinampal?! Di naman kita kilala eh! At saka ano ba ginawa ko sa'yo?!" Sigaw ko habang hinahaplos ko yung kanang pisngi ko

"Anong ginawa mo sakin? Inagaw mo si Alden!" Sinabunutan niya ako at pinatayo

"Ah ikaw pala si Leah? Hindi ko inagaw si Alden sa'yo. Nakiusap lang siya sakin, na magfake relationship kami!" Bakit ba lagi akong nadudulas?

"What? Fake lang ang relationship niyo?" Sabi ni Leah. Hindi ako nagsalita uli

"SUMAGOT KA! FAKE LANG BA 'TONG RELASYON NIYO?!" Sigaw niya

"Ayaw mong sumagot ha?!" Hinihila niya ako gamit ang buhok ko. Nakita ko na nasa cr na kami. Hinarap niya ako sa salamin. Nakikita ko ang sarili ko sa salamin. May nakikita akong mga patak ng luha ko, yung buhok ko gulo gulo na at yung pisngi ko sa kanan namumula. Paano pag nakita ako ni Alden na ganito?

"Ano ba naman yang si Alden, papalitan na nga lang ako, pangit pa ang pinalit sakin!"

Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko. "Sa susunod, humanda ka. Baka matalo ka uli sakin" at tinulak niya ako. Napahiga ako sa lapag

End of flashback..

Ang hirap nng dinanas ko non. Simula non lagi akong sinasamahan ni Alden kung san man lagi ako magpunta

"Maine, kain na" actually, hindi natupad yung worklist na ginawa niya dati. Gusto niya daw kasi lahat gagawin niya

"Maine, bakit ba lagi kang tulala?" Tanong sakin ni Alden

"Wala, naaalala ko lang yung mga nangyayari satin" ngumiti ako

"Kasi mahal mo na ako" sabi niya

"Oy! Hindi 'no! Asa kang lalaking ka!" Tumawa siya

Kinabukasan.....
Hindi pa rin nagbabago 'tong school na 'to. Marami pa ring nagkakacrush kay Alden. Campus Hearrthrob daw kasi

"Maine, dito ka lang muna ah? Pupuntahan ko lang si Dad sa office" sabi niya sakin

"Sige, ingat ka" sabi ko naman. Hinalikan niya ako sa noo at saka tuluyang umalis. Fake pa rin ang relatonship namin pero parang totoohanan na. Charooot! Ang landi ko talaga!

"Maine!" Tawag sakin ni Jake

"Uy, Jake! Kamusta na?" Lumapit siya sakin

"May nakaupo ba dito?" Tanong niya

"Oo, diba si Alden?" Nasa unahan kasi siya kaya hindi niya alam

"Ahhh. Kamusta na kayo ni Alden? Kahit peke lang relasyon niyo"

"Jake! Bakit mo alam?" Tanong ko

"Sinabi sa kin ni Leah" waaaah! Nakakainis na si Leah! Huhu! Kasalanan ko 'to lahat! Kasalanan 'to ng dila ko, laging nadudulas

Fake lang? Fan pa naman ako ng MaiDen
Baka naman panira yan?
Eh bakit tinamong ni Maine na lang ng lalaki?
MaiDen is not real

Yan ang naririnig ko sa paligid ko! Tumakbo ako palabas. Hanggang sa may nabangga ako. Hinarap niya ako sa kanya

"Maine?" Tumingala ako at si Alden. Niyakap ko siya

"Bakit ka umiiyak?" Hinahaplos niya yung buhok ko. Hinarap niya uli ako sa kanya, pinatigil niya ako pagyakap sa kanya

"Alden, *sniff* nalaman na *sniff* nila na fake lang *sniff* *sniff* ang relationship natin" at niyakap ko uli siya

"Sorry Alden, kasalanan ko 'to. Nasabi ko sa kanila. Natakot lang kasi ako eh" patuloy pa rin ang mga patak ng luha ko

"Ssssshhhhh, it's not your fault. Naintindihan kita" hinihimas niya yung buhok ko

"Halika, samahan mo akong harapin sila" hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila papuntang room

"MAKINIG KAYONG LAHAT SAKIN!!" Sigaw ni Alden. Tumigil ang lahat lalo na si Leah at Jake

"AAMININ NA NAMIN NI MAINE NA, FAKE LANG 'TONG RELATIONSHIP NAMIN!" Sigaw niya uli (sorry kung capslock, syempre kasi sumisigaw eh)

"Pero may ipagtatapat ako sa'yo Maine" humarap siya sakin. At lumuhod

"Maine, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Nung una pa lang, nung una kita nakita. Nalove at first night ako sa'yo. Lagi mo 'tong tatandaan, I Love You More Than My Life" tumayo siya at saka ako niyakap

"AYYYIIEEEE!" Kinilig ang lahat. Isa na dun yung mga kaibigan namin ni Alden. Pero lumingon ako kela Leah at Jake, isang galit sa mukha nila ang nakita ko. Kaya bumawi ako ng yakap kay Alden. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin

"Pwede ba akong manligaw sa'yo?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang sagot ko. Niyakap niya uli ako

Ang sarap sa feeling na mahal rin pala ako ng taong mahal ko. Oo Alden, mahal rin kita simula pa nung una. Pero, kailangan kong tignan kung talagang mahal mo ako

Itutuloy.....
——————————
Ang bilis ko mag-update haha. Kanina lang ako nag-update hihi. Siguro sa isang araw o bukas uli ako mag-uupdate. Thank you!

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora