Part 19: Be Ready

4.2K 113 7
                                    

Maine's POV
"Ang dumi mo na" sabi ni Alden. Nasa condo kami ngayon, pinauwi muna kami kasi yung hitsura ko, alam niyo na!

"Ang arte mo naman!" Sabi ko. Dinumihan ko din siya

"Yan, pareho na tayong madumi! Hahahaha!" Sabi ko

"Dinamay mo pa ako!" Sabi niya

"Diba sabi mo, gagawin mo ang lahat mapasaya mo lang ako?" Nangingiyak kong sabi. Yung parang nagdadrama na ako?

"Maine, puti 'to! Mahirap labhan 'to!" Tumayo siya at umalis

"Alden! Sorry na!" Sigaw ko. Hinabol ko siya

"Alden! Wag ngayon please!" Sigaw ko. Pinabayaan ko na lang siya

Bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina

Haysss, sabi niya For You, I will. Pero bakit naging ganun?

Alden's POV
Ang tanga ko. Isa akong gago. Sinigawan ko ang taong mahal ko. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko kanina. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kailangan ko mag-sorry :(

"Sam"

(Yep?)

"Paano humingi ng patawad?"

(Sorry. Yun lang!)

"Hindi! Baka hindi ako pansinin eh!"

(Sus! Sino ba kasi kaaway mo?)

"Si Maine! Nasigawan ko kasi eh tapos hindi ko siya pinansin"

(Tsk tsk tsk. Malala yan)

"Pwede ba? Tulungan mo na lang ako?!"

(Okay, chill chill lang!)

"........""

(Ganito, mangaroling ka dyan sa tapat ng condo ni Maine)

"Malayo pa ang pasko, Sam"

(Basta. Gawin mo yun)

"Tapos?"

(Tapos, 'pag sinabi niyang patawad. Pinapatawad ka na rin niya)

"Mukhang magandang, idea yan ah!"

(Sige na! Gawin mo na! Bye!)

"Bye!"

Call Ended

Parang manghaharana naman ako nun? Mangharana na lang kaya ako?

"Maine...." Tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Galit nga

"Maine...." Tawag ko uli, hindi nga niya talaga ako bati

"Maine, alis lang ako ah?" Tumango lang siya. Dati, tatanungin pa niya kung saan ako pupunta. Lumabas na ako ng condo

Bumalik ako sa labas ng condo ni Maine na may dala dalang gitara

At nagsimula na akong kumanta

Maine's POV
San kaya nagpunta si Alden? Siguro epekto yun ng galit niya sa akin. Nanonood ako ng tv hanggang sa may narinig akong kumanta

Kahit na ano pa ang iyong gusto🎶🎶
Okay lang basta't magkabati tayo🎶

Unti unti kong binuksan ang pinto at nakita ko si Alden na nakaluhod at may gitara habang kumakanta

Minamahal kita, hihintayin kita🎶🎶
Sorry na, pwede ba?🎶🎶

Nanghihingi siya ng tawad sa akin?

Buhay ko'y nasa 'yo🎶🎶
Matitiis mo ba ako, oh baby🎶🎶
Huwag sanang magtampo🎶🎶
Sorry, pwede ba?🎶🎶

"Kahit ano pa Maine. Kahit dumihan ko uli ako. Okay lang!" Sabi niya sakin habang hinahawakan niya ang kamay ko

"Talaga ba?" Paninigurado ko

"Oo! Kahit pagawa mo pa sakin yung assignments, projects at thesis mo! Gagawin ko lahat!" Sabi niya

"Talaga ba?" Paninigurado ko uli

"Oo nga! Promise!" Tumayo na siya at tinaas niya ang kanang kamay niya na parang nagpe-pledge. "Kapag nagalit ka uli sa akin, haharanahin kita uli" sabi niya at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako

"Tara na nga! Pasok na tayo!" Pagyaya ko sa kanya

"Basta, bati na uli tayo?" Tanong niya at ngumuso siya na parang payb years old

"Sige ba! Basta yung mga pangako mo sa akin kanina ah?"

"Opo! I'll try to make you happy everyday. Ayoko ka mapagod. Okay?" At hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko

Kinabukasan.....

Recess time na namin ngayon. Papunta na ako ng locker room para ilagay ko dun ang mga books ko

"Guys, 7/11 uli tayo!" Pagyaya uli samin ni Valeen

"Sige!" Pagsasang-ayon naming lahat

"Pero ililibre ako ni Alden" at inakbayan niya si Alden

"Teka teka? Bakit naman?" Pagtataka ni Alden

"Diba? Bati na kayo ni Maine? Maine ako nagsabi sa mga ginawa niya kagabi" sabi ni Sam

"Weh? Hindi ko kaya sinunod ang utos mo. Sabi mo, mangangaroling ako pero ang ginawa ko nangharana ako" sabi ni Alden

"Alam niyo, tama na nga 'yan. KKB na lang uli tayo!" Sabi ko

"Tama!" Sigaw nilang lahat except si Sam

"Fine!" Sabi niya

"Wait lang! Ilagay ko lang 'tong mga libro ko sa locker" sabi ko at tumango sila

Pagkabukas ko ng locker room, nakakita ako ng isang papel at may nakasulat doon

Dear Maine,
       Please 'Be Ready' in pageant. Mukhang hindi maganda ang mangyayari sa pageant. Kaibigan mo ako, narinig ko ang usapan nila Leah na may balak silang gagawin sa backstage. Kaya please Maine, BE READY

From,

Jenny Almorena

Yun ang nakasulat doon sa papel na 'yun. Di ako nagkakamali na si Jenny Almorena ay kasali rin siya sa pageant. Dinala ko ang papel

"T-tara na!" Pagyaya ko sa kanila

Nandito na kami sa loob ng 7/11. Pansin ko na, kanina pa sila nagtataka kung bakit kinakabahan ako

"Maine, kanina ka pa namin napapansin na parang kinakabahan ka" sabi ni Alden

"Oo nga, simula nung sa locker room kanina" sabi naman ni Valeen

"A-ano kasi m-may nakasulat k-kanina d-dun sa papel na b-binasa ko" sabi ko na nauutal

"Ano ba yung nakasulat dun?" Tanong naman ni Alden. Kinuha ko yung papel dun sa bag at binigay ko kay Alden. Lumapit ang apat kay Alden para basahin din

Nang matapos nilang basahin yun, tumingin sila sa akin

"Hayaan mo na. Nandun naman kami eh. Kaya wala ka na dapat pang ikatakot pa" sabi ni Patricia

"Kung pwede, pupunta ako dun sa backstage para mabantayan kita" sabi naman ni Alden

"Maraming salamat sa inyo ah?" Tumango lang sila at nag-group hug kami

Itutuloy....
Ano kaya yung balak ni Leah? Hmmmm.....?

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendWhere stories live. Discover now