Part 33: Basketball

3.6K 101 4
                                    

Maine's POV
Wala kaming pasok buong school ngayon. May liga kasi ngayon, kalaban namin 'yung kabilang school. Balita ko, nandun si Alden. Pero ang mga cheerleader nila kasama dun si Leah -,-

Magkakasama kami nila Valeen, Patricia, Jerald, Sam at ako. May dala kaming mga banners at pompom. Papunta na kaming court ng school

"Bilisan na natin! Mauubusan tayo ng upuan don!" Sabi ni Valeen

"Tsk, don't worry bessie. Nagpareserve na ako ng upuan natin" sabi ko ng walang tinginan sa kanila

"What? Kanino naman?" Tanong ni Patricia

"Dun sa classmate natin. Sinabi ko na 'pag nakapunta na siya dun, magpareserve siya ng lima" sabi ko at ngumiti sa kanila

"Sige na, mauna muna kayo. Pupunta lang ako sa canteen para bumili ng pagkain natin. Lalo na sa'yo Maine" sabi ni Jerald sabay tingin sakin. Ako?

"B-bakit?" Tanong ko

"Bilin sakin ni Alden, pakainin daw kita! Kung hindi malalagot ako kay master" sabi niya. Master pala nila si Alden? Haha

"Okay!" Sabi ko at humiwalay samin si Jerald

Nakarating na kami sa court. Nandito na kami, nakaupo. Nakita ko si Alden, kinawayan niya ako at kinawayan ko rin siya

"Sam!" Tawag ko. Lumingon siya sakin

"Bakit?" Tanong niya

"Ahm, may tanong lang ako. Bakit niyo tinatawag si Alden na master?" Tanong ko

"Ahhh. Kasi, lahat ng mga utos niya dapat daw naming sundin. At saka..." Lumapit siya sakin at may binulong

"Master hokage 'yan" sabi niya at bumalik siya sa upuan niya

Hokage? Haysss, parang breezy at ninja moves din yun eh

Author's POV
Nagsimula na ang laban. Si Alden ang makikipag-agaw ng bola. Pumito na ang referee at hinagis na ang bola. Tumalon si Alden at tinulak ang bola papunta sa team nila

Lagi silang nagpapalitan ng tira. Kapag nakashoot ang team ng school nila, makakashoot din ang kabilang team

Time-out

23-28

Lamang ang kalaban. Kaya nag-usap usap sila

"'Wag kayong papayag makakalusot sa inyo ang kalaban. Kung pwede agawin niyo ang bola, kung kaya niyo. Mag-iingat tayo kapag ipapasa natin ang bola dahil baka agawin nila. Kapag paubos na ang oras, ishoot na lang, 'wag na ipasa pa. Okay ba?! Malinaw ba?!" Sigaw ni Alden. Dahil puno ng drums ang court. At may mga cheers pa sila. Tumango lang sila

Nagsimula uli ang laban
————————
End of 1st quarter

43-39

Kumokonti ang lamang ng team ni Alden

"Inom ka muna ng tubig mo" pabebeng sabi ni Leah kay Alden

"Tsk. Gusto ko si Maine magbigay sakin ng tubig" sabi ni Alden

"Ang arte mo naman! Wala nga 'yung Maine dito eh!" Pagsisinungaling ni Leah

"Wala? Eh sino 'yun?" Tinuro ni Alden si Maine

"Puntahan mo siya at ibigay mo yung tubig. Sabihin mo ibigay niya sakin yung tubig" sabi ni Alden. Umirap si Leah at sinunod si Alden

Nakapunta na si Leah sa tapat ni Maine

"Oh? Ba't ka nandito?" Tanong ni Maine at nagcross arm siya

"Iabot mo daw 'to kay Alden" sabi ni Leah sabay abot ng tubig. Tumayo si Maine at kinuha niya ang bote na may tubig. Bumaba si Maine

"Alden oh!" Sabi ni Maine sabay abot ng tubig

"Thank you!" Sabi ni Alden at ngumiti siya. Kinuha niya ang tubig at ininom ito

"May dare ako sa'yo Maine" sabi ni Alden. Tinaasan lang ng kilay ni Maine si Alden

"Kapag nanalo kami, hahalikan mo 'ko sa pisngi. Pero kapag natalo kami, hahalikan mo 'ko sa labi!" Sabi ni Alden. Agad'ng pinalo ni Maine si Alden sa braso

"Pa'no kapag nagpatalo ka, edi magpapahalik ka! Mas--!" Sabi ni Maine. Agad pinutol ni Maine ang sinabi niya dahil malalaman ni Alden na alam ni Maine kung bakit siya tinatawag na 'master' (A/N: Gets niyo po ba? Intindihan niyo na lang po >-<)

"S-sige na. Maglalaro na kayo oh!" Sabi ni Maine at umalis na siya

(A/N: Ifafast forward ko na lang po. Wala po akong alam eh, pero nanunuod po ako ng basketball)

First half na nila

56-53

"Nasan si Maine ko? Huhu" Bulong ni Alden

Lumingon si Alden sa inuupuan ni Maine pero nabigo siya

Nakita niya ang kaklase nila

"Ahm, nakita mo ba si Maine?" Tanong ni Alden dun sa lalaki

"Ah kasama po umalis nila Valeen" sabi niya

"San daw sila pupunta?" Tanong ni Alden

"Dun daw po sa canteen" sabi niya

"Ah sige. Salamat!" Nginitian lang siya ng lalaki at umalis na

Nagpasya si Alden na sundan si Maine sa canteen ng school nila

Narinig ni Alden ang boses ni Maine at sinundan niya ito

"Nako bessy! Baka magpapatalo 'yun! Para makapoint siya sayo!" Sigaw ni Valeen

Biglang niyakap ni Alden si Maine

"Namiss kita!" Sabi ni Alden at nilagay niya ang baba niya sa balikat ni Maine

"Ayyy, na-o-op kami ni Patring dito! Bye Maine!" Hindi na napigilan ni Maine sila Valeen dahil umalis na kaagad sila

"Kanina lang tayo nagkita ah?" Sabi ni Maine at humarap siya kay Alden

"Namiss nga kasi kita! Ikaw kaya nagpapalakas sakin!" Sabi ni Alden. Hinawakan ni Alden ang kamay ni Maine at pumunta na sila ng court

Alden's POV
Magsisimula na uli yung laro namin. Kinindatan ko muna si Maine bago ako makipaglaro

Habang nasa gitna kami ng laro, biglang may naniko sakin na siyang kinabagsak ko. Nakipag-away yung mga kakampi ko. Biglang may nagtayo sa akin at sinikmuraan ako. Pinagpasa pasahan nila ako at pinagsusuntok ako. May dugong lumalabas na sa bibig ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko

Nakita ko na may isang babae ang nasa harapan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya

"Alden! Diba sabi mo ako 'yung lakas mo?! Ngayon, nandito na ako! Kaya malakas ka na uli! Bumangon ka na dyan!" Nabobosesan ko siya

"Pahinga muna ako" sabi ko. Patuloy pa rin may mga dugong lumalabas sa bibig ko

Magpapahinga muna ako. Babalik ako. Babalik ako, Maine

Itutuloy...

Hey guys! Ano po magandang unahin?

Mahal Kita Noon Hanggang Ngayon #MKNHN
Or?
The Mendoza Twins Love Falukerson Twins #TMTLFT

Thank you!

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon