CHAPTER 9: STRANGERS

6.7K 338 67
                                    

Nagmadali ako sa pagbihis habang wala pa ring kalma yung puso ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil sa mga nakita ko. There are other human beings inside my house! Paano?! Bakit?! Anong nangyayari?!


Dose sila! Paano sila nakapasok dito sa pamamahay ko?! Paano to' naging possible?! Nilo-lock ko naman ng mabuti yung mga gate! Pero may mga nakita akong pamilyar sa kanila. Parang nakita ko na dati. Hindi ko masabi kung korean o japanese o chinese sila. Wait!


"Koreans?" napatigil ako sa pagsuot ng pantalon ko't nanlaki ang mga mata sa tapat ng salamin. Yung lima sa kanila, kamukha yung nasa panaginip ko pero saan galing yung iba?!


"Hindi! Hindi pwede! Impossible! Impossibleng nakalabas sila sa panaginip ko!"


Few seconds of deep breaths, I approached the room's door with bravery and a baseball bat on my right hand. Dala dala ko rin ang assault rifle at pocket knife ko. Makakapatay talaga ako ngayong umaga!


Kailangan kong malaman kung totoo ba talaga yung mga nakita ko kanina o imagination ko lang ba ang lahat. Wala akong ideya kung paano sila nakapasok sa pamamahay ko pero hindi sila belong dito!


Dahan dahan kong binuksan yung pinto tsaka pinakiramdaman muna ang paligid. There was no one. It was entirely quiet. Baka naman wala na sila o wala naman talaga sila o baka panaginip pa rin to?


Sinampal sampal ko yung parehong pisngi ko, hoping na magising na ako sa bangungot na ito. Pero nagmukhang tanga at nasaktan lang ako sa ginawa ko. Oh no, baka ito na yung epekto ng pagiging loner ko? Kakausap ko sa sarili ko at kakasalita ko sa isip ko, kung anu ano na ang nakikita ko na magiging dahilan para ikabaliw ko!


"Baby don't cry tonight~ Eodumi geochigo namyeon~"


Paatras na sana ako pabalik sa kwarto nang may dumaan sa harap ko. Isang half naked (na wala namang abs) na nagpupunas ng basang buhok ang dumaan sa harap ko galing banyo! Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkanta. Para akong nastatwa sa pwesto ko hanggang sa nakita ko siyang bumaba ng hagdan.


Tangina?! May ibang tao nga dito sa bahay ko't walang hiyang nakiligo pa!


Yung naigalaw ko na muli yung sarili ko'y buong tapang akong pumunta sa kwarto ng mga Kuya ko, kung saan galing yung mga lalakeng nakita ko kanina. Pagkapasok ko, walang tao pero nakakalat yung mga unan sa lapag at napakagulo pa ng mga higaan. Shet! Shet! Someone really slept here!


"Ahh, kamchagya!" my heart skipped a beat when I heard a voice! A voice! It's been a long time since may marinig akong ibang boses dito sa bahay na ito kaya sobra akong nagulat. Mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon sa pinto. May tao nga sa labas! (you scared me)


Sa isang iglap, tumakbo siya paalis sa harap ng kwarto pagkatapos naming magkatinginan. Mukha siyang siopao! Buti na lang nakapag react ako't tumakbo para habulin siya. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga siya!


Gusto kong malaman kung paano siya nakapasok dito!


Survival with EXOWhere stories live. Discover now