[ 38 ] Letting Go

Zacznij od początku
                                    

"Mommy, I'm scared."

"Don't be scared, baby. Your daddy Jico won't let him hurt you."

"Will he hurt you Mommy?"

"No, baby."

Nagsuot ng jacket si Steffi. Gusto niya na lumabas para patigilin doon si ZAC dahil mabubulabog ang iba pa nilang kapitbahay dahil sa ginagawa nito.

"Kakausapin mo siya?" tanong ni Jico.

"Sigurado ako na hindi siya titigil hanggang hindi ko siya nakakausap."

"Sasamahan na kita sa baba."

"Paano yung mga bata?"

Tinabihan ni Jico sina Faye at Stephen at niyakap ang mga ito. Hinalikan niya din sa noo si Faye.

"Jericho, just stay here, okay? Don't go out of this room unless I say so," utos ni Jico sa anak na si Stephen.

Tumango lang ang anak bilang sagot. Sabay silang lumabas ng bahay ni Jico. Patuloy pa din sa pagkalampag at pagsigaw doon si ZAC. Nang makita nila ito ay doon lang nila nalaman na lasing ito dahil bukod sa amoy alak ito, makikita mo din iyon sa itsura niya.

"Geneere.." mahinang sinabe nito.

"Ano bang ginagawa mo dito, ZAC? Madaling araw na, nanggugulo ka pa," naiinis na sinabe ni Steffi.

"Geneere patawarin mo na ako! Bumalik ka na sa 'kin," makaawa nito.

"Hinding hindi na ako babalik sa 'yo kahit na ano pa ang gawin mo. Tapos na tayo."

"Siya ba?!" sabi nito sabay turo kay Jico. "Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na bumalik sa 'kin?!"

Umiwas lang ng tingin si Steffi.

'Hanggang ngayon, hindi niya pa din pala makuha kung bakit ayaw ko na siyang balikan pa. Kahit anong pagpapaliwanag ko sa kanya, hindi niya pa din maintindihan. Hindi ko na din siya mintindihan. Oo, siguro nga mahal niya ako pero sumosobra na 'to. Hindi na 'to tama.'

Hinawakan ni Jico ang balikat ni Steffi at hinila ito nang mas malapit sa kanya.

"Oo, ako nga at wala ng iba pa."

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz