Chapter 11 ~ Ang toothbrush

Start from the beginning
                                    

Uupo na sana ako sa tabi ni Zero ng pinagtabuyan niya ako paalis kaya wala akong nagawa kundi lumipat nalang ng pwesto. Sayang. Moment na sana namin yun at sana natanong ko na din siya bakit gusto niyang pangit ako forever? Ang labo niya. Naiinis siya sa fez kong nerd pero ayaw naman niyang gumanda ako. Nalilito tuloy ako kung ibabalik ko na ba ang totoo kong ganda o magpapaka dugyot at gusgusing kenkoy nalang ako forever. Keri ko panaman. Push lang mga teh.

Sinilip ko si Zero sa may likod ng bus at kita kong tulog na siya. May mga echuserang kinukuhanan siya ng picture. Susugod na sana ako kaso huminahon nalang ako dahil wala rin naman akong mapapala sa bandang huli. Magmumukha lang akong tangang desperada.

Mabilis kaming nakarating sa harap ng Royal at pababa na sana ako ng bus ng biglang hinigit ako ni Zero papasok.

"Anyare sayo?" tanong ko ng mapansing hindi siya mapakali sa inuupuan niya. "Andito na tayo sa may Royal. Hindi pa tayo bababa?" nagtatakang tanong ko. May sinisilip siya sa labas at malutong na napamura siya. Problema neto? Bahagya kong hinawi ang kurtina at sinilip kung ano ang tinitignan niya. Nagulantang ako ng makita ang pamilyar na gangster na nag-aabang sa may entrance ng condo ni Zero. Marami sila at may mga hawak na tubo'ng pamalo. Namutla ako.

"Oh my god inaabangan ka nila Zero!" nag panic ako. "Paano ka na niyan?Saan ka uuwi?"

"Hindi ko alam okay? Pero pwede manahimik ka muna?" naiinis niyang sabi habang sinasabunot ang buhok niya. Umandar na ang bus at hindi parin kami bumababa. "Sht!" napapikit si Zero sa sobrang inis.

"Zero, pwede ka namang umuwi sainyo. Malapit lang naman-"

"Ayoko.Hindi ako uuwi sa bahay." nanggagalaiti niyang sagot. Takot talaga akong kausapin siya dahil sobrang iritado siya pero walang mangyayare kung hindi ako magtatanong.

"Hindi mo ba talaga memorize ang number ni Ruji o kahit sino? Zero, kahit isang number lang na saulo mo. Hindi pwedeng wala! Reresbakin ka nila! Wala ba talaga kahit isa lang?"

Sumandal siya upuan at kita kong may malalim siyang iniisip. "Zero kung gusto mo sa apartment muna kita. Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang lugar pero I' am sure safe ka doon!"

Nagulat nalang ako ng kinalabit niya ang babaeng nakaupo sa may unahan namin.

"Miss, pwedeng pahiram ng phone? Importante lang."

"Uh, okay!" mabilis na inabot ng babae ang cellphone niya kay Zero.

"Sinong tatawagan mo?" hindi niya ako sinagot. Tinitigan niya lang ang screen at parang nag dadalawang isip siya sa gagawin niya. Si Zed ba ang tatawagan niya at bakit sobrang big deal sakanya?

Mabagal na ni-type niya ang number. Ni-dial niya at lutang siya ng itinutok niya ang phone sa tenga niya.

Napaawang ang bibig niya. I' am sure sinagot na ang tawag niya. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya masabi sabi ang kailangan niya? Napakurap kurap lang siya at hindi nakaimik.

He sigh. "Jhoey.." napapikit siya. Nakagat ko ang labi ko at umayos ng upo. Itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa dinadaanan naming lugar. So, number lang pala ni Jhoey ang saulo niya? Sabi niya hindi niya alam ang sarili niyang cellphone number so it means to say, number lang talaga ni Jhoey ang alam niya. Ibang klase. Kung makita niyo lang itsura ni Zero ngaun, ibang klase. Si Jhoey lang ang nakakagawa niyan sakanya. Kausap niya lang siya sa phone pero natataranta na siya. Ayaw ko man aminin pero ganun kalakas ang epekto ni Jhoey sakanya. Isa lang ang masasabi ko... Shit si Jhoey, ang swerte niya.

"Uh.. Kase ano, gusto ko lang sabihing..." bumuntong hininga siya. "Ninakaw ang phone ko kaya pakidelete nalang..ng, ng number ko. Bye." sabay end niya ng call saka inabot na sa babae ang phone niya. "Salamat."

Courting ZeroWhere stories live. Discover now