Chapter 8 | Player's Bond [E]

780 103 72
                                    

|| unedited ||

-and i will check this again tomorrow-

...

Chapter 8 | Player's Bond [E]

NANLAKI ang mata ni Hart habang minamasdan ang apat na lalaki na papalapit sa kanila. Bakit nasa labas din sila? Hindi kaya napalabas din ang mga ito? Imposible naman kasi na kusa silang lumabas gaya ni Cast.

"Napalabas din kami." Marahan na kinamot ni Ford ang ulo nito habang nakatingin kina Hart.

Tinaasan ito ng kilay ni Ferah. "Ba't kayo napalabas?" Iyon din ang gustong itanong ni Hart sa kanila. Ngunit dahil hindi niya ugali ang manguna sa lahat, hinayaan ng babae na sila ang magtanong.

"Ah, ano kasi..." Ford bent down his head, facing the floor. "Pina-recite ako ni Sir."

Nanlukot ang noo ni Ferah dahil hindi nito naintindihan ang nais ipahiwatig ng lalaki. "So? Anong konek doon, pre?"

"I subconsciously answered him with a curse word." Lumapit si Ferah at binatukan ito. Napaaray si Ford dahil don.

"Gago ka. Ang pangit ng palusot mo. Gusto mo lang mag-cut kasama kami!" Tumawa nang malakas si Ferah saka tumingin sa kasama ni Ford. "Kayo ba't kayo napalabas?"

"Gago kasi si Hayden, ginalit si Sir." Tumawa si Dax sabay suntok sa braso ni Jett. Pinagmumura na lang siya nito. "Sinabihan pa naman na, 'I am going to shoot your head into the ring.' Eh, nagtawanan kami ni Jett."

Tumawa sila nang marinig iyon. Samantala, palihim na napailing si Hart. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Panot kasi ang lecturer na pumaalis sa kanila kanina, at dahil doon may sense ang sinabi ni Hayden.

"Eh, bakit ikaw, Captain? Ba't ka napalabas din?" Natatawang tanong ni Cast.

Ngumisi si Dax habang pagmula ng tainga ang nagawa ni Caspian at umiwas ng tingin sa kanila. Si Dax na ang nagpaliwanag. "Paano naman kasi... sinabihan kasi nito si Sir na 'baka' saka 'four-eyes.' Eh, ayon! Akala ni Sir mukha siyang baka!"

Napahawak si Cast sa kaniyang tiyan at humalakhak nang napakalakas. Hindi niya inaakala na magj-joke nang ganito ang kaniyang Captain. Na-iimagine niya ang mukha ng lecturer habang sinabi iyon Caspian.

Natauhan si Cast sa pagtawa nang mapansin niya wala si Hayden sa grupo "Eh, si pareng Hayden?" tanong niya habang sinusuri ang paligid para hanapin ang ace nila.

Nagbikit-balikat si Dax bilang sagot. Sinayeles na hindi nito alam kung nasaan si Hayden.

"Saan tayo?" Pag-iiba ng topic ni Ford.

Tumingin si Ferah kay Ford. "Ditch tayo." Ngayon ay lahat ng mata nila ay nakatitig sa babae. Binigyan niya ito ng taas-kilay. "Bakit? Parang ngayon lang kayo nakarinig ng ditch, ah! I bet palagi niyo 'yan ginagawa!"

Hart mentally criticized Ferah. At saan naman sila magd-ditch kung sa ganon? Pinalabas na nga sila, gusto pa ng kaibigan niya mag-ditch. Was she looking for a trouble?

"Saan ba, Bestfriend-Tyrian?" takang tanong ni Cast.

Ferah shook her shoulder, signaling that she didn't know where.

"Any suggestions?" Isa-isa sila tiningnan ni Dax para hintayin ang magiging sagot nila.

Nanatili na tahimik si Hart. Bahala na. Sasama na lang siya, ngayon niya rin malalaman kung saan gumagala ang SISB Team. Para na rin masuri pa niya ang mga ugali nila.

He is a She | On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon