Chapter 4 | Player or Bencher [E]

1K 128 164
                                    

|| unedited ||

...

Chapter 4 | Player or Bencher [E]

AGAD na napalingon si Hart nang marinig niya ang familyar na boses ng lalaki. Halo-halo ang nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Nakatingin ito sa scoreboard ng gym at may bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

Umiwas ng tingin si Hart, iniisip na kailangan niyang iwasan ito. Dahil sa matagal na sila magkakilala ay baka mabuko ang totoong pagkatao niya.

Lumingon ulit siya nang humiyaw ito. Namimilipit sa sakit ng tiyan ang lalaki habang nakaupo sa sahig. Kaharap nito si Evelina.

"Punyeta ka! At may balak ka pang magpakita rito? Bakit hindi ka pumasok kahapon at kanina?!" inis na sigaw ni Evelina.

"I was busy, Coach," he groaned.

"Busy ng mukha mo. At least let us know. Go push up! Thirty times!"

Palihim na natawa si Hart nang nag-push up si Hayden malapit sa storage room. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa may sumigaw sa pekeng pangalan niya.

She turned her head to look at them but was caught off guard when the four of her teammates pressed her down against the floor.

"Aray!" sigaw niya. Tumawa ang apat bago tumayo sa kinaruruonan. Inabot naman ni Kurt ang kamay nito at kinuha 'yon ni Hart. Ngumiti siya sa lalaki. "Thanks, bro."

Kunot-noo siya tiningnan nito, kinabahan doon si Hart at hindi niya maiwasan tanungin kung ano ang problema.

Umiling si Kurt sabay ngiti. "Wala. Hindi kasi ako makapaniwala na nanalo tayo."

Ngumiti rin si Hart at tumango. "You're welcome," may halong biro niya itong sinambit. Natawa ang apat dahil don.



Pagkatpos ni Hayden mag-push up ay tinawag ni Evelina ang dalawang team at pinaglinya ang mga ito. "The game between the Officials and Team Four, with the score of sixty-six and sixty-seven. Team four wins!"

Humiyaw ang mga nanonood na para bang sila ang nanalo.

"You can change now!" sigaw ni Evelina.

Dali-daling pumunta ang mga official players at ang ibang team four sa changing room, dahil mayroon sa loob na shower area. Nang wala ng tao sa loob ay pumasok na ang dalawa at nagpalit.

Lumabas ang dalawa nang tapos na ang mga ito. Umupo sila sa bench na inihanda ni Evelina para sa officials at sa team four. Magkaharap ang dalawang bangko kaya magkaharap din ang dalawang team.

Pinagmasdan ni Hart ang mukha ng mga official player. Blanko ang mukha ni Caspian pero nakatitig ito sa ere na parang ang lalim ng iniisip. Si Jett na nakabagsak ang balikat. Si Dax na nakapatong ang dalawang siko sa magkaparehong hita. Si Cast na ang lawak ng ngiti na akala mo ay sila ang nanalo. Habang si Ford ay nakangisi rin habang umiiling. At ang dalawang ibang miyembro ay tulala.

However, her eyes widened when she saw Hayden looking at her as well. She bit her tongue, stopping the anxiousness that was about to build up. She gave him a small smile, a pretense to look calm, before turning her gaze to Evelina.

Nakaangat ang ulo nito, tinitingnan ang dalawang team.

"Okay, let's start. I didn't expect that our players would be defeated by the newbies..." Tumingin siya sa team four at tumango-tango. "You guys are strong. I like how brave you were earlier! Well, since you beat the officials... Congratulations Team four, all of you will be official players!"

He is a She | On-goingWhere stories live. Discover now