Chapter 5 | Magazine [E]

996 124 134
                                    

|| unedited ||

...

Chapter 5 | Magazine [E]


MALAKAS na ipinasa ni Hart ang bola kay Ferah. Kahit limang metro ang layo nilang dalawa, sinalo ito ng babae na may ngiwi sa mukha dahil sa sakit.

"Kael, dahan-dahan naman pre!" maktol ni Ferah.

Ngunit wala sa sarili ngayon si Hart at iniisip niya pa rin kung bakit palagi nakatingin sa kaniya si Hayden. Napakagat siya sa dila, kinakabahan na baka may napansin na ang lalaki. Paano na lang kung meron? Papaalis ba siya sa eskuwelahan nito? Hindi na ba matutuloy ang kaniyang plano?

Bumalik sa reyalidad si Hart nang tumama ang bola sa mukha niya. Napahiyaw sa sakit at napa-upo siya sa sahig. Lumapit si Ferah at ang ibang players para tingnan ang sitwasyon niya.

"Kael, ayos ka lang? Masakit ba?" Lumuhod si Ferah para tingnan ang ulo niya. Nanlaki ang mata nang makita nito ang pulang muhka ni Hart, at mga dugo na bumubuhos sa ilong.

When Caspian also saw her condition, he immediately called Claudia to get the first-aid kit. The manager nodded and followed him.

"What happened?" tanong ni Caspian kay Ferah.

"Pinasa ko sa kaniya ang bola tapos hindi niya nasalo..." mangiyak-ngiyak na sagot ni Ferah.

Kunot-noo si Caspian nakatingin sa 'babaeng' nakapikit, halata na sobrang sakit ang nararamdaman niya. Malumay niyang pinaalis si Ferah. "Let me."

Tumango si Ferah at umalis sa harap ni Hart. Lumuhod si Caspian para hawakan ang leeg niya. Bago nito itulak nang marahan paharap sa sahig ang babae, ay pinaayos muna siya ng upo. Lumapit si Claudia at agad na binigay ang first-aid kit sa captain.

Kinuha ni Caspian ang tuwalyang puti saka dahan-dahan nilagay sa ibaba ng ilong ni Hart. Binigyan din ito ni Claudia ng cold compress at marahan na ipinatong sa itaas na bahagi ng mukha ng babae.

Mariin na napapikit si Hart nang maramdaman niya ang lamig sa ibabaw ng kaniyang ilong. Sobrang hapdi rin nito. Dahil sa pagkatulala ng babae kanina ay hindi niya namalayan ang bola na pinasa ni Ferah. Ano ba ginagawa niya? Kung mag-ooverthink lang siya edi gawin niya iyon sa apartment nila. I need to be more sensible.

Hart gently opened her eyes, she saw Caspian first with a concerned look on his face. "Are you okay?" the captain asked.

Dahil hindi siya puwede tumango, sumagot si Hart. "Hm, yes."

"Kael-kun!" mangiyak-ngiyak na tawag ni Claudia. Hindi ito pinansin ni Hart.

"Kael, sorry. Hindi ko sinasandya." Napakagat-labi si Ferah at mariin na hinawakan ang sando na suot nito, habang nakatingin sa nakakaawang kaibigan.

"It's fine," mahinahong sagot ni Hart.

Kumuha si Kurt ng upuan at inilapag ito sa tabi ni Hart. Tinulungan nila ang praude tumayo at umupo sa upuan. Nanatiling nakayuko si Hart para hindi niya malunok ang dugo na lumalabas sa ilong.

"Kaya mo na ba hawakan 'to?" Nag-aalalang nakatingin si Caspian kay Hart.

"Hm."

He is a She | On-goingWhere stories live. Discover now