Chapter 2.2 | Match [E]

65 7 6
                                    

|| unedited ||

...

Chapter 2.2 | Match [E]

NAGSIMULA NA pumito si Evelina at pinatalon ang bola para sa magiging tip-off ng laban. Agad tumalon sina Micheal at ang center ng kalaban. Hinintay muna nila na pumito si Coach para kunin ang bola. Nang dumating na ang oras na iyon, tinapik ni Micheal ang bola at walang alinlangan na ipinasa ito tungo sa gawi ni Joshua, ang point guard ng team four.

Naalerto ang team four at agad na pumunta sa puwesto ng bawat player para depensahan sila.

Sinimulan na ni Joshua na patalbugin ang bola gamit ang kaniyang kamay papunta sa base nila. Tumingin siya sa mga teammate niya. Nasa ibaba ng ring nakapuwesto si Micheal, dinedepensahan ito ng center ng kalaban. Si Kurt naman ay nasa ibaba ng kanang bahagi ng ring, katapat ang power forward ng kalaban. Si Ferah na nasa loob at malapit sa kaliwang bahagi ng three point line, katabi ang small forward ng kabila. Habang si Hart ay nasa kanang bahagi ng three point lane, yung shooting guard ng katunggali ang humaharang dito.  

Sinubukan ni Hart na maging maingat sa bawat kilos niya, dahil nasisiguro siya na mayroong makakakilala sa kaniya kapag hindi siya nag-ingat.

She spread her arms to hold the guy in the number five jersey in front of her. It was a strong defense, making the guy sweat and stand in his place.

Nakatingin si Joshua sa gawi ni Hart habang malakas na dinedepensahan ang kalaban. Kahit siya ay naramdaman na magaling si Hart sa basketball. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ni Joshua ang sinabi nito sa kanila bago mag-umpisa ang laban.

"Anong sinabi mo?" Halos lahat ng teammates ni Hart ay nagulat sa sinabi niya. Kahit si Ferah ay hindi makapaniwala roon dahil kilala nito ang kaibigan.

"I want you to not pass the ball to me," mahina ngunit seryosong tugon ni Hart. Lumaglag ang panga ng mga kagrupo niya.

'Nahihibang na ba siya?'; 'Basketball player pero hindi hahawak ng bola?'; 'Hart...'; 'Napano 'yan?'—as the team 4 thought.

Ilang sigundo ang nakalipas nang mapagtanto ni Kurt na dapat nitong tanungin si Hart kung bakit. As a mini-captain of them, they were his responsibility.

"Ba't ayaw mong ipasa namin sa 'yo ang bola? Kael, dude, we need your skill. Lalo na isa kang former LZ—"

Pinutol ni Hart ang sasabihin nito. "I suck at basketball," she said in a hush tone.

As she had thought earlier, she had to do this. Even if it hurt her ego, she would not touch a ball today. She had to be dumb as a fox[1] in front of them—not only to this small team but also to everyone. She would let Ferah carry their team; her only role was strengthening their defense. It was good enough.

Kung kanina ay natatakot siya na hayaan lang na si Ferah ang maglaro, ngayon na nakita ni na Hart ang kaniyang kagrupo at kalaban. She was sure they would win this match.

Lumukot ang noo ni Ferah at taka niyang tiningnan ang matalik na kaibigan. As far as she know, napakalakas niya at hindi siya mahina sa basketball! Bobo ba siya?

"What the fuck, Dude? Paano ka naging former LZ?" takang tanong naman ni Micheal sa kaniya.

Hindi si Micheal makapaniwala na sumali siya sa basketball na hindi naman pala marunong! Saka, knowing LZ University, ang basketball team doon ay sobrang lakas! Hindi nga sila matalo-talo ng SISB nang limang taon. At saka gusto pa ni Hart na pumasok sa SISB? He must say she had the guts! Ang dami nang pumapasok sa isip niya kung paano naging former LZ 'tong si Hart.

He is a She | On-goingWhere stories live. Discover now