Chapter 9 | Meet the LZs [E]

38 3 0
                                    

Chapter 9 | Meet the LZs [E]

SAMANTALA, sa loob ng club, iniwan ni Cast si Marie sa gita ng dance floor. Sapagkat nakita niya ang mga jersey ng taga-LZ. Inaakala ng lalaki na baka kasama ng kalaban sina Ferah at mahirap na baka magsumbong sila sa crush niya na may kasama siyang ibang babae.

Napagdesisyonan niya na bumalik sa lamesa para samahan ang kaniyang dalawang bestfriends. Ngunit tumaas ang kaniyang kilay nang walang tao ang bumungad sa kaniya. Lumingon-lingon siya para hanapin sina Hart at Ferah pero hindi niya iyon makita.

"Tangina. Nasaan ba sila?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Natatarantang hinanap ni Cast ang iba niyang ka-team para ibalita na nawawala ang dalawa. Ang una niyang pinuntahan ay si Dax na nakikipaghalikan sa isang babae na nasa tabi lang ng dance floor. Hindi maiwasan mandiri ni Cast sa nakita. Ang pangit ng taste ng kaibigan niya! Bakit hindi nito gayahin siya? Dapat mala-Ferah ang ganda ng taste na pinapatulan nila.

Lumapit siya kay Dax. "Pasensiya na sa abala, Pareng Dax. Ta—" Natigilan si Cast sa pagsasalita dahil tiningnan siya nang masama ng babae. Sinenyasan siya nito na umalis.

Naiinis na umalis si Cast sa harap nilang dalawa. Pumunta siya sa gawi ni Jett. At halos malaglag ang kaniyang panga dahil tatlong babae ang kasama nito. Napabuntong hininga siya. Huwag na lang! Panigurado na pagtatabuyan lang siya ni Jett.

Lumingon-lungin ulit si Cast para hanapin si Caspian. Nakita niya ang kaniyang captain na nasa front desk ng club. Nakita niya ang nakalukot na noo ni Caspian habang nakatitig sa baso.

Umiling-iling habang nakangiti na lumapit si Cast kay Caspian. Hm! Pareho talaga silang dalawa. Pareho silang good boy!

Pero natigilan si Cast dahil may babae na pumulupot sa leeg ni Caspian. Kahit ang kaniyang captain ay namilog ang mata na nakatingin sa babae.

Cast gave up. Si Ford na lang ang huli niyang pag-asa. Umaasa siya na sana walang babae ang umaaligirid sa kaibigan niya. Paano na lang kung meron? Paano niya mahahanap ang dalawang nawawala?

Umalis siya sa kinatatayuan niya at nagsimula hanapin si Ford. Una niyang tsinek ang dance floor ngunit ni anino ng lalaki ay hindi ni Cast nahagip. Hanggang sa nakaabot siya malapit sa restroom, doon niya nakita ang kaniyang hinahanap. Nakasandig ito sa pader habang nags-selpon.

Lumapit siya sa lalaki. "Pre!"

Lumingon si Ford nang tawagin ito ni Cast. "Oh? What do you want, Cast?"

Napakamot si Cast nang marahan sa batok niya, dahil sa inis na tono ni Ford. Hindi niya alam na naglalaro ito ng mobile games at natalo ang kaniyang kaibigan sapakgat tinawag niya ito.

"Ang initin mo naman, Pareng Ford," pagkakalma niya.

"Kulit mo, Cast. Ano ba kasi kailangan mo?" Itinago ni Ford ang kaniyang cellphone sa bulsa ng short niya. Bahala na kung afk siya sa wild rift. Unrated lang naman 'yon.

"Nakita mo ba 'yung dalawa?"

Agad inayos ni Ford ang kaniyang tindig sa narinig. Matalim itong tumingin kay Cast. "Bakit? Nasaan sila?!"

Namilog ang mata ni Cast at nagtaka sa naging reaksyon ni Ford. Bakit ang oa naman masyado ng kaibigan niya?

"Wala kasi sila sa table na tinatambayan nila—"

Pinutol ni Ford si Cast. "Tara, let's look for them." Umalis ito sa harap niya. Umiling na lang si Cast sa asta ng lalaki. Tumingin ulit si Ford sa kaniya. "Ano na Cast? Bilisan mo!"

He is a She | On-goingWhere stories live. Discover now