Chapter 7 | Classmate [E]

901 113 76
                                    

|| unedited ||

. . .

Chapter 7 | Classmate [E]

NAGISING nang maaga si Hart. Humahagab pa siya babang inaayos ang kaniyang higaan. Nang makaalis si Ford kagabi sa apartment nila, hindi na niya sinamahan si Ferah manood ng anime. Bagkus agad siyang umakyat para makapag-isip kung ano ang kaniyang gagawin, lalo na ay isa na silang official players ng SISB.

Dahil rin sa sinabi ni Ford kagabi, napag-isipan ni Hart na itago na nang lubusan ang kaniyang husay. Sa takot na baka may makakilala pa ulit sa kaniya. Mahirap na at baka ibang tao pa iyon.

Pagkatapos niya ligpitin ang higaan, tumingin ito sa relo na nasa pader. Alas-sais na ng umaga at alas otso ang kanilang klase. Dali-dali siyang naligo at nagpalit ng pang-casual na damit.

Mapresko siyang bumaba para mag-almusal. Nakita niyang nakaupo si Ferah sa kusina at umiinom ito ng mainit na kape. Nagtimpla din siya ng sa kaniya at dinamayan ang kaibigan sa mesa. Kapansin-pansin ang pagod na mata ng babae.

"Good morning," bati ni Ferah sabay kain ng tinapay.

Hart slightly rose her brow, analyzing her friend's behavior. "Wala kang tulog?"

Iyon agad ang naitanong ni Hart sa babae. Malamya itong kumilos at palaging humihigab. Isabay pa ang pagod nitong mukha.

Tumango si Ferah na may kasamang higab. "Kaunti lang. Tinapos ko kasi yung season one kagabi."

Marahan na lumukot ang noo ni Hart saka kumuha ng tinapay na naka patong sa mesa. "Ano oras ka natulog?"

"Magf-four."

"Don't do that next time. Lack of sleep could cause a foggy brain and would slow down your neural cells. It could risk our secret. Mayamaya pa baka may nasabi ka na, without thinking clearly," tugon ni Hart.

"Ha?" Mas lalong inantok si Ferah nang marinig ang mahabang paliwanag ni Hart. Puwede ba bukas na 'yang mala science niyang saway? Inaantok pa ito, eh!

"See," inis niyang sambit.

Humagab lang si Ferah bilang sagot saka uminom ulit ng kape. Palihim na humaging si Hart sa inis. Kapag may nangyari talaga, naku lagot ito!

Nang makarting ang alas siyete nang umaga ay pumasok na sila sa eskuwelahan. Pagbaba nila sa jeep ay bumungad sa kanila ang kinaiinisan ni Ferah na guard ng SISB. Kasalukuyan itong nagtataboy ng mga babae na nakaharang sa gate.

Marahan na kumisap-mata si Hart habang naglalakad tungo sa gate. Ito na siguro ang sinasabi ng guard na ang daming babae ang umaaligid dito. Ngayon niya lang naabutan na ganito, pero sa palagay ng babae araw-araw ito nangyayari.

"Hayden! Pakita niyo sa 'min si Hayden. Isang sulyap lang, eh! Ang damot."

"Bakit ba kasi manong? Don't you know rights din namin makita si Hayden nang personal? Bakit niyo kami tinataboy!"

Napailing si Hart nang marinig niya ang sigaw nila. The guard was right. They were here for her teammates and Hayden. She couldn't blame them though. SISB players' physical appearances were pleasing to the eye[1].

Hindi namalayan ni Hart na may nakabangga siya na babae. Napagtanto niya ito nang sinigawan siya nito.

"Hoy! 'Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"

Napatingin si Hart sa babaeng maikli ang buhok at may suot-suot na damit. Magkadikit ang kilay nito. Ngumiti nang peke si Hart at marahan na hinaplos ang likod ng leeg para subukan akitin ang babae.

He is a She | On-goingKde žijí příběhy. Začni objevovat