EPILOGUE

2.1K 48 0
                                    


-Hera's Point of View-

"Are you ready, Hera?" Nakangising tanong sa akin ni Eyhan.

Since wala na akong ibang kamag-anak na maghahatid sa venue, napagpasiyahan nilang si Eyhan na lang ang maghatid sa akin.

"May tanong ako, bakit Hera na ang tawag mk sa akin hindi na sistar?" tanong ko rin. Kinakabahan ako na hindi maintindihan kaya dinaldalan ko na lang si Eyhan.

"Hey, answer my question first, Hera." Reklamo niya na nagpatawa sa akin.

"Halata bang kabado ako?" tanong ko ulit na hindi sinasagot ang unang tanong niya.

"You didn't answer it, Hera. But yes, yuo look like too nervous," sabi niya kaya lalo akong kinabahan.

"Nandito na po tayo Sir. Eyhan," paalala ng driver.

"Paano ba iyan, nandito na tayo. Let's get it on." Mahina pa itong natawa. Mabilis kong inabot ang braso niya dahilan para matigil siya sa paglabas ng kotse. Tumingin siyang nagtataka. "What?" tanong nito.

"Sandali, kinakabahan ako." Mas lalo siyang natawa. Binuhat na niya ako palabas ng kotse na ikinagulat ko. "Eyhan! ibaba mo nga ako!" sigaw ko.

"Alright, alright." Tawa lang siya nang tawa nang maibaba na niya ako.

"Bakit mo ginawa iyon? Nasira ba gown ko? Maganda ba ako ngayon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nag-alala ako baka nasira ang inayos ng babae kanina sa akin.

"You're gorgeous, sistar." Nakangiting sambit nito.

Ikinawit ko na ang kamay ko sa braso niya at nagsimulang maglakad sa gitna. Naaaliw ako sa ganda ng kulay sa paligid ng venue. Pinaghalong design ng itim, pula at ginto. Sa sobrang pagkaaliw ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na si Harry at ang kanyang ama katabi si Ethan at kasama ang babae sa gilid, ang pinuno ng vampire huntresses.

Inabot ni Harry ang kamay ko at inihatid sa isang malaaltar sa harapan. Doon ay nagsalita ang ama ni Harry. Matapos naming inumin ang pinakaisang dugo namin ni Harry ay hinirang kami bilang mga Hari at Reyna ng mga bampira. Si Ethan ang naglagay ng aking korona habang ang ama ni Harry ang naglagay sa kanya.

Nagsalita rin ang pinuno ng mga hunters na nagpakilala bilang Lady Vhyl na patuloy na makikipag-ugnayan at magpatuloy ang magandang samahan ng tao sa bampira.

Pinisil-pisil naman ni Harry ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sa akin. " You're too beautiful to be my wife." Sandali akong napasimangot dahil sa sinabi niya. Pero agad din namang nabawi iyon nang nagpeace-sign siya. Natawa ako sa ginawa niya.

"Ladies and Gentlemen, again. King Harry and Queen Hera of Vampires." Muling nagpalakpakan ang lahat.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Ang lalaki na madilim at matamang nakatingin sa amin. Hindi siya masayang nakikita kaming nagdidiwang ngayon. Bigla siyang ngumisi na nagbigay sa akin kaunting takot at nawala na tila isang bula.

"Are you okay, sweety?" tanong sa akin ni Harry. Ngumiti lang ako sa kanya at pinagmasdan ang bawat bampira sa paligid na nagkakasiyahan.

                          ~*~

Thank you for reading. Hayst! Natapos ko rin ang pagrevise sa kwento ko :) Maraming salamat nga pala sa mga sumubaybay at nagtiyagang pindutin ang vote button. I appreciated it all. Maraming maraming salamat. For more info visit my facebook and twitter account. Salamat ulit.

Live Life Last Longer💕
Kabs WP💕

Ended: May 16, 2017

Revised Ended: August 13, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now