CHAPTER 26:

1.3K 38 0
                                    


-Hera's Point of View-

"Hera wake up,"

"Sweety the moon is up, wake up."

Kainis naman inaantok pa ako. Sa lahat ng gabing pwede akong gisingin bakit ngayon pa!

"Because tonight will be the pageant, sweety." Napabalikwas ako kaya naman nagkauntugan kami ni Harry. Napahawak naman ako sa noo kong tinubuan na yata ng bukol.

"Bakit ka kasi nakaharap sa akin," sabi ko pa. Halos diniin ko na ang palad ko sa noo ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa kanya.

"I'm sorry ang ganda mo kasi kapag natutulog," sagot niya. Tumingin lang ako sa kanya na nagtatanong. Pinanonood niya ako habang natutulog?

"Anong oras na ba? Napahaba yata tulog ko." Tumayo na ako saka nag-inat inat.

"Actually its already 6:30 pm, and Ethan with his brother is waiting for you."

Nang marinig ko ang pangalan ni Ethan ay agad akong tumakbo ng cr saka naligo, nag-ayos at kung anu-ano pa. Hinanda ko narin ang mga gagamitin ko para sa pageant. Nang matapos na ako ay dali-dali akong bumaba dala ang mga gamit. Naabutan ko roon sina Ethan, Eyha at Harry.

"Sistar Hera! Anong oras na!" Hinablot kaagad ako ni Eyha palabas ng bahay. Pero halos matawa ako sa isip kong hindi niya makikita ang pinto dito sa loob.

"Wait where's the door anyway?" Natawa ako sa kanya, tama ako. Tinulungan ko na si Eyha dahil mukhang siya pa ang excited sa pageant. Nag-isip kaagad ako, nagpakita naman ang pinto kaya nakalabas kami. "Nakakatakot yung door niyo, pero hindi ako natatakot sa gano'n. Mas natatakot ako kapag nalate na tayo, dali!" Nakangiwi lang ako habang patuloy niya akong hinihila.

Rinig na rinig ko ang tunog ng takong na suot niyang sapatos. Nakabihis pang babae siya ngayon pero nahalata parin siya ni Harry kanina na lalaki talaga siya. Nang makarating na kami sa university ay madali kami ni Eyha na nagpunta sa backstage, sila Harry at Ethan naman ang nagdala ng mga gagamitin ko. Habang kami ni Eyha ay walang dala. Rinig na rinig na ang mga music kaya lalo akong kinabahan pero nang makita ko si Sheriaa na dumaan ay nawala ito, napalitan ng galit at inis.

"Hey Hera easy, iyang mata mo." Nakangisi niyang sambit sa akin.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Sana nga hindi ko na lang napigilan para patay na siya ngayon. Teka sandali, anong pag-iisip mayro'n ako? Sa tingin ko gusto kong makaganti at makitang mamatay si Sheria sa mga kamay ko.

"Breath in, breath out," utos sa akin ni Eyha na nahalata ang pagkairita ko. Ginawa ko na lang ang sinabi niya. "Are you okay?" Tumango lang ako. "Teka nasaan na ba kasi sila kuya, wait lang ah d'yan ka lang ang kupad naman nila." Umalis muna si Eyha para tulungan na sila Harry at Ethan.

"So. . .heres the pageant, are you sure na tutuloy ka pa?" Maarte nitong salita.

"Pwede ba tanggalin mo yang pagpapababy mo, hindi bagay tutal bitch ka naman bakit hindi mo nalang panindigan!" Natulala siya sa mga sinabi ko. Well prinactice ko yan.

Dumating na silang tatlo at naabutan kami na nagtatarayan kaya tinarayan rin ito ni Eyha nang tumingin sa kanya si Sheriaa. Sinimulan na akong make-up-an ni Eyha, kahit medyo nababahing na ako ay pinigilan ko, umalis na rin sila Harry at Ethan para maghanap daw ng mauupuan. Nang matapos akong ayusan ni Eyha ay isinuot ko ang bikini.

"Why so Gorgeous! Sistar Hera?" Pinisil pa nito ang sariling mukha, mangha parin sa magandang nagawa niya sa akin.

Pumila na kami para sa modeling, mabuti nalang at hindi kami magkasunod ni Sheriaa kun'di baka may gawin pa akong masama sa kanya. Isa isa kaming naglakad, maraming nahihiyawan, syempre ginalingan ko para matalbugan ko ang beauty ni Sheriaa. Nakita ko lang na nagchicheer si Ethan, nakita ko ang banner na hawak niya na nakasulat na 'Go Hera'. Saan niya nakuha yung banner na iyon? At yung mga kaibigan ko na kakikilala ko palang kahapon ay may mga banner rin na may nakasulat na 'Go Hera Babes'.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now