CHAPTER 28:

1.3K 36 1
                                    


-Ethan's Point of View-

Alam kong ngayon ay nasasaktan at umiiyak siya, kahit pigilan niya man o itago ay ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya. Kung sana lang ako ang minahal niya hindi niya mararanasan lahat ito. Matapos tumawag sa akin si Mr. Montereal na pansamatalang alagaan ko muna si Hera dahil may mahalaga lang itong gagawin. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga nangyayari at sobrang masasaktan nito si Hera. Kailangan namin siyang itago mula sa Master.

Kahit na gusto ko si Hera, ay hindi parin maitatago na mahal ni Mr. Montereal si Hera, mahal nila ang isa't-isa at ayaw kong makigulo pa. Kahit na gustong-gusto ko paring mayakap si Hera, lahat ng iyon ay tiniis ko. Pero ngayong alam ko na, na nasaktan na niya si Hera may pagkakataon na akong maiparamdam na mahal ko siya, kukunin ko na ang mga pagkakataong ito.

Sumakay na akong kotse at pinaharurot iyon, gustong-gusto kong mayakap si Hera, gusto ko ako ang magiging sandalan niya. Nakita ko siyang nag-hihintay na sa labas ng bahay nila Mr. Montereal dahil narin padilim na. Bumaba ako para matulungan siya sa mga gamit niya. Kitang-kita na umiyak siya, mugto ang kanyang mapupungay na mata.
Inalalayan ko lang siya hanggang sa makapasok sa kotse ko. Kahit na nagda-drive ako ay hindi ko parin mapigilang mag-alala sa kanya, tulala na may malalim na iniisip.

Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya, buti nalang hindi ko siya tinuruang magblock ng isip. Maraming tumatakbo sa isipan niya, may mga barbie, pageant kanina, mga damit, isang babaeng maganda, yung maid nila, at si Harry. Doon lang halos umiikot ang isip niya. Hindi niya rin napansin na nandito na kami sa harapan ng bahay ko. Ibinaba ko lahat ng gamit niya at ipinasok sa isang kwarto. Pagbalik ko ay nakasandal na siya sa sasakyan. Pinagmamasdan niya ang maliwanag na buwan, tumulo ang isang luha saka siya ngumiti at agad na pinahid iyon nang makita niya ako.

"Are you okay, baby?" Natawa siya ng mahina, atleast napatawa ko siya kahit nasasaktan na siya.

"Baby ka diyan, tara na pumasok na tayo." Ikinawit pa ang kamay niya sa akin at hinatak na ako papasok sa loob ng bahay. "Nasaan si Eyha?" Ngayon naman ipinapakita na niyang masaya siya.

Niyakap ko siya, sana naman ilabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. "Alam mo Friend, hindi maganda ang nagtatago ng feelings nakakabaliw, nakakamatay rin kapag pinigilan mo," mahinahon kong sambit sa kanya. Naririnig ko na ang mga hikbi niya. "Okay lang 'yan, sige lang." Hinagod ko pa ang likod niya.

Sana ako nalang yung dahilan ng pag-iyak mo para alam ko kung paano kita susuyuin. Yumakap narin siya nang mahigpit sa akin, mahirap siguro para sa kanya iyon.

"B-bakit kasi kailangan siyang ipakasal eh! Sasagutin ko pa siya!" I was shocked. I thought they are. They are acting like a couple.

"I don't know pero baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa, pinagtagpo ngunit hindi itinadhana," sabi ko. I know lalo siyang masasaktan sa sinabi ko. Yung mga iyak niya para akong kinokonsensya. "Ano nang plano mo?" Humarap siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Ano pa ba ang ginagawa ng mga katulad ko, dapat ipaglaban ko siya pero hindi muna ngayon." Naupo lang siya sa sofa, pagod na pagod siya sa kakaiyak.

Tinawagan ko naman kaagad si Eyha para naman kahit kaunti ay mawala ang sakit na nararamdaman ni Hera. Mabuti naman at pumayag ang kapatid ko. Tumunog muli ang cellphone ko, si Mr. Montereal.

[Is she there?] Sinundo ko si Hera para dito ay mabisita ni Harry,  mamamatay si Hera kung doon pa ito maninirahan sa bahay niya, ang Master ang gagawa.

"Yes, actually she looks tired." Narinig ko pa siyang bumuntong hininga.

[Pupuntahan ko siya.]

That's our agreement, lagi niyang bibisitahin si Hera dito habang gumagawa pa lang siya ng paraan para hindi siya makasal. Noong una ay nagdalawang-isip ako, pero sa huli ay pumayag din dahil para kay Hera rin ito. At gusto ko ring maramdaman ni Hera na nandito pa ako para sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas nang magising si Hera, sakto namang pagkadating ni Mr. Montereal. Tahimik lang nitong tinignan si Mr. Montereal na halata sa mukha ang pag-aalala.

"Hindi ba kayo mag-uusap?" Natingin sila nang masama sa akin kaya lumabas muna ako.

"Hey brother!" Nagtaka ako sa bihis niya ngayon, lalaking-lalaki siyang tignan. Ano nakain niya? "Eyha bakit ganyan ayos mo? You looked like me." Taas noo pa siya na nakahawak sa baywang niya.

"Kuya ngayon lang ito, just call me Eyhan for now, oh bakit nandito ka sa labas? Akala ko ba nasa loob si Hera?" Papasok na sana siya nang pigilan ko.

"Not now Eyhan, she's with Mr. Montereal." Lumungkot ang mukha ng kapatid ko, may gusto ba siya kay Hera?

                                . . .

-Hera's Point of View-

Hindi ako magsasalita hangga't hindi ko nalalaman lahat ng dahilan niya, baka mali lang ako ng hinala.

"Hera I'm sorry, I will do everything to canceled the wedding, but for now promise me you'll understand it. Don't give up, please." Iyon lang ang sinabi niya na hindi pa nagpakumbinsi sa akin nang tuluyan. "Hera," tawag niya pa sa akin. Tinignan ko siya, sana Harry tuparin mo. Nginitian ko siya bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Bakit ka ipakakasal?" Umupo na siya sa tabi ko pero hindi ko parin siya pinayagan na mayakap ako.

"Just a protection for the two royal families from the Vampire Huntresses." Naalala ko yung sinabi sa akin ni Mary na grupo siya ng Vampire Huntresses pero umalis na siya rito.

"Sino yung royal family na iyon, kayo ba? Gusto niyo protektahan ang sarili niyo?" Tahimik lang siya.

Silence means yes.

"Okay lang." Tumayo ako at pumuntang kwarto ni Ethan.

Tutupad ako sa pangako ko kay Harry, gagawa lang ako ng paraan para matulungan siya. Nakatingala lang ako at nakatunganga. Nag-iisip ng mga paraan kung paano ko matutulungan si Harry. Oh baka siguro h'wag na lang.

"Ano kuya nandyan?" Rinig ko sa isang pamilyar na boses. Alam kong kay Eyha iyon pero bakit parang lalaki na ang boses niya?

Napansin kong may tao sa gilid ng pintuan. "Eyha nandito ka pala!" Sinugod ko ng yakap si Eyhan.

"Hey Hera, it's Eyhan not Eyha . . .for now." Lumayo ako kay Eyha slash Eyhan at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Hala hindi ko kaagad napansin na ganyan ang suot mo, ang gwapo mong tignan Eyhan." Nakatitig lang ako sa kanya.

Kung tutuusin, may ilalaban si Eyhan kay Ethan at Harry. Mas cute at gwapo ito. Plus factor na maganda talaga ang katawan niya. Teka bakit ganyan ang suot niya ngayon?

"For sure she had many questions to answer," bulong pa ni Ethan pero narinig ko parin.

Published: May 15, 2017

Revised: August 09, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon