CHAPTER 22:

1.3K 32 0
                                    


-Hera's Point of View-

"Hi" bati sakin ng babae.

Nakangisi siya na parang may binabalak na masama. Natatawa na lang ako sa kanya. Hindi na ako natatakot sa inyo. Kahit tanggalin ko pa itong kwintas na ibinigay sa akin ni Harry. Nginitian ko lang ang babae.

"Papaano ka naging bampira?" Mataray na tanong sa akin ni Francheska. Akala ko hindi niya mapapansin. Oo nga pala they can sense it. Bampira sila.

"Ewan ko, basta may kumagat sakin and bwala!" Ibinuka ko pa ang kamay ko sa kanyang harapan saka siya nilagpasan.

"Dapat patay ka na! I saw you that night you are full of blood!"

Nilingon ko lang siya at tinaasan ng kilay. "Dapat hindi mo na ako nakita ko ngayon kung patay na ako, but still. . .I'm alive." Ayoko nang patulan ang babaeng ito baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Nalaman narin nila Ethan at Harry kung ano na ang kaya kong gawin at mas pinagaling pa nila ako, tinuruan nila ako ng kung anu-ano kesyo ganun daw ang mga bampira. Madali ko naman itong natutunan. Kaya sa kung sino man ang nagbabalak na kalabanin ako abat! Iba na ang Hera na kilala na makikilala nila.

"Ouch," sambit ng babaeng nasangga ko. Ang arte naman nito.

"Sorry Sheriaa, nasaktan ko yata iyang nasagi kong braso mo." Ngumiti lang siya.

"Ang taray mo pala, Hera" Hayan na naman ang pagpapabebe niya, sawang sawa na ako sa way ng pagsasalita niya.

"Wala bang klase?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya dahil hindi niya rin alam kung bakit papunta ngayon ang iba sa gymnasium.

"Mr. Montereal is going to announce something, go to gymnasium now." Utos pa sa amin ng isang prof kaya sumunod nalang kami.

Halos lahat ng mga bampira ay narito, si Harry may i-aannounce? Umakyat sa stage ang isang lalaking maayos ang tindig at matama na nakatingin sa lahat.

"Goodevening everyone, as I said last night you must be all here every announcement, and you didn't broke it, so let's start the announcement, there will be incoming programs and activities to forget about what happened last night. This will be exciting, you can go to that big bulletin board to see those activities and programs. Thank you." Bumaba na siya sa stage.

Iyon lang sinabi niya, tapos kailangan papuntahin kaming lahat sa gymnasium? Grabe naman pala. Agad din kaming pumunta sa bulletin board na sinasabi niya. Ang dami nang nakalagay parang high school sa tao lang ang peg.

[ Vampire University ]

•The following are the Programs and Activities to participate with.

A. Pageants
1. Princess of the Vamps
2. Prince of the Vamps

B. Party
1. Thanksgiving party

(NOTE: Must participate and enjoy by all students.)

By: Mr. Harry Stene Montereal
        _________________________
                -School Master-

Ang dami namang alam ni Harry!
Pinagkaguluhan lang ang bulletin board, at kung anu-ano ang pinagbubulungan. Pinag-uusapan din nila kung sino ang mga isasali nila o pambato nila or I must say representative ng bawat room. Bumalik nalang akong room at nakita ko namang nakaupo lang si Harry habang naka-earset. Maya-maya pa sabay sabay nang nagsipasok ang mga ka-classmate namin, sumunod ang prof namin.

"Goodevening everyone, I hope you will participate every activities given on the bulletin board, now who's our representative?" Ang haba haba ng sinabi iyan lang pala ang gusto niyang itanong.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon