PROLOGUE

4.2K 94 4
                                    

PROLOGUE

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may dumampi sa pisngi ko... Nakakagulat pero sa pagkakaalam ko ay wala akong kasama sa dorm ko. Binuksan ko ang ilaw at luminga-linga kung sakaling may ibang tao na dito sa loob pero biglang nawala ang pakiramdam kong may iba ngang paligid-ligid at naglakas loob na dampian ako.

Baka nananaginip lang ako...

I'm living by myself. Yes, my parents died when I was fifteen years old because of an accident. Kaya naman ako nang nagkusa sa sarili para makapag-aral at kaya ako lang nandito. Okay, enough for dramas...

Dahil sa hindi ko malaman kung bakit ako nagising ng ganitong oras, napagpasyahan ko nalang na pumunta ng kusina. Medyo nauhaw kasi ako sa biglaang paggising ko. Nakakainis lang dahil maganda ang panaginip ko tapos mauudlot bigla. Nag-inat inat muna ako sandali bago tumayo.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, pumasok ang mahinang hanging na sumalubong sa akin. Ramdam ko ang lamig na kaagad gumapang sa buong katawan ko na tila binalot na ako ng hamog. Baka hamog lang ang dumampi sa mukha ko kanina kaya ako nagising?

Nah, nevermind kung hamog lang.

Madilim ang tinahak ko patungong kusina. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako na tila ba may nakatingin at pinagmamatiyagan ang bawat paghakbang ko. Sa ikalawang pagkakataon luminga ako kasabay ng hindi ko na maintindihang pakiramdam. It was like someone's here on my dorm but I can't find where he or she is. Gumapang ang kilabot sa balat ko, hanggang sa kabahan na ako. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot samantalang dati kahit madilim ay wala lang.

Naging duwag na ba ako?
Oh no, not now.

Tumigil ako sandali at mas pinakiramdaman ko ang paligid. May magnanakaw ba? Umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil narin sa naisip ko. Huminga ako ng malalim at inalis ang hinala ko. Wala pa naman akong naririnig na nahulog na bagay at hindi naman magulo ang mga gamit ko. Kaya wala...walang magnanakaw.

Nagpatuloy ako sa  paglalakad nang masiguro kong wala na akong gaanong takot. Wala na nga ba? Hanggang sa makarating na ako sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at dinama ang lamig nito. Panandaliang nagbigay ito sa akin ng ginhawa. Kumuha ako ng isang basong tubig at ito'y ininom.

"Nagising ba kita?"

Halos mabulunan ako nang may narinig akong boses lalaki. Pabulong ito at buo na may halong pananakot ang tono. My gosh! May nakapasok?! Mabilis na humataw ang puso ko sa kaba at tanging naririnig lang ng tenga ko ay ang bawat pagtibok nito. Hindi ko na nagawang ibalik pa ang pitsel sa refrigerator na ngayon ay nakabukas pa.

Teka, ano bang uunahin ko? Tumakbo? Kumuha ng pang-self defense? O ibalik na muna yung pitsel sa refrigerator? Crap! 'Di ko na alam gagawin ko!

Hindi na ako nakagalaw dahil baka nasa tabi ko lang ang magnanakaw at di malayo sa sandali ay baka masaksak ako nito. Ang kaninang pawalang takot ko ay mas lalo pang tumindi. Pinilit kong makagalaw at naging alerto baka sumugod ang lalaking hindi ko nakikita.

"Si- -sino ka?" Lakas loob pero nanginginig kong tanong habang dahan dahan akong umiiskapo kung nasaan nakalagay ang kutsilyo. Mabuti at kabisado ko ang kusina ng dormitoryong 'to. "Kung 'di ka magpapakilala ay tatawag na ako ng pulis!"

"For all I know, thieves didn't tell their names." Mabilis nitong sagot.

Lumaki ang mga mata ko sa katotohanang tama siya. Wala naman talagang nagpapakilalang magnanakaw, bakit ba kasi ako nagtanong?

"Please! Huwag mo akong sasaktan. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis!" Sigaw ko pa kasabay ng mabilis at alertong paglinga-linga ko sa paligid.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora