CHAPTER 8:

1.7K 73 0
                                    

CHAPTER 8:

-Hera's Point of View-

Ano bang problema nitong si Harry? Lagi niya akong tinatarayan, minsan naman kapag tinatawag ko siyang bakla ay iirapan lang ako, bakla talaga!

—Flashback—

"Galit ka ba sa daan?" sambit ko pagkababa naming dalawa sa sasakyan saka siya sinundan papasok ng bahay.

"Not really sweety" sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin. Eh 'yon naman pala bakit gano'n siya mag-drive?

"Harry, excuse me may problema ba?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yon. Basta na lang lumabas, feeling ko kasi nagseselos siya, feel ko lang!

Hinarap niya akong nakataas pa ang kilay niya. "Wala" salitang lumabas sa bibig niya na nagpabingi sa'kin.

Ano? Wala?

Tapos ganyan siya umakto na parang galit na ewan at hindi maintindihan!

"Bakla!" sigaw ko. Papaakyat na sana siya nang marinig niya ako. Lumingon lang siya at inirapan ako. Hala pinanindigan talaga.

Padabog akong umakyat papuntang kwarto ko. 'Eto talaga ang pinakaayaw ko eh, ang wala akong maintindihan!

Buong umaga akong nag-isip kung bakit siya biglang nagkagano'n, teka ano bang pakialam ko baka naman tungkol lang sa school.

Kakaisip ko inabot na ako ng mga alas dose ng tanghali. Ni hindi narin ako nakapag-almusal. Tinamaan naman ako ng antok, pagod na siguro kakaisip.

—End of Flashback—

Kasalukuyang naghahanda ako para pumasok uli, dating gawi bababa at kakain pero ngayon hindi ko man lang nakitang ginawa rin 'yon ni Harry baka nga nagkaproblema talaga sa school kaya masungit siya kagabi.

"Nauna na po si Master Harry sa labas, my lady" sabi sa akin ni Mary. Ano?! Ngayon mukhang iiwan niya pa ata ako, ano ba talagang problema niya?

I finish my food immediately.
Dali-dali akong tumakbo patungo sa sala at tumapat sa malawak na pader, nag-isip saka lumabas. Hindi ko na pinansin pa ang nakakatakot na pintuan basta na lang akong lumabas.

Nakita kong pinapaandar na niya yung kotse waaaahhh! May balak nga siyang iwanan ako! Kailangang gumawa ako ng paraan. Hindi ako pwedeng maiwan! Hindi ko alam ang papuntang school. Means hindi ko pa talaga kabisado!

Tumakbo ako sa tapat ng kotse niya, 'eto lang ang napaka-delikadong naisip ko.

"Sandali!" sigaw ko pa. Malawak kong inilahad ang dalawa kong braso para maharangan siya. Kahit madilim na ay halatang naiirita ang mukha niya.

Rinig ko parin ang makinang nakabukas pati ang pagpihit niya sa susi at pinaandar niya ng k'onti kaya napaatras ako, hindi parin ako umaalis.

" Hindi mo naman gustong mamatay ako 'di ba?" Suddenly i grinned.

"Get in"sambit niya. Ang sungit naman niya. Siguro pinaglihi siya sa sama ng loob, ay? mayro'n bang gano'n sa mga bampira?

Agad akong sumakay sa kotse niya baka pa magbago ang isip niya at maiwan pa ako ng 'di oras.

Walang imikan.

Simula no'ng sumakay ako at pinaandar ang kotse niya ay ni isa sa'min ay walang nagsalita. Nako nagkahiyaan pa kami.

"Hoy! Ang arte mo talaga, ang sungit sungit pa, ano ba problema mo!" Hindi ko na natiis ang pagkamadaldal ko.

"Nothing" tipid niyang sagot. Iyan nanaman ang sagot niyang 'di kapani-paniwala.

Hindi ko nalang uli siya tinanong pa dahil baka mas lalo niyang tipirin ang sagot niya. Nakarating kami sa school ng hindi parin nagpapansinan. Baka marami lang iniisip ang bampirang 'to.

Pagpasok sa gate na hindi gaanong kalumaan ay nakita ko naman agad si Ethan sa 'di kalayuan, ngumiti pa ito sa akin. "Hi new friend!" Masigla kong isinigaw sa kanya saka kumaway. Kumaway din siya sa'kin at pasimpleng natawa.

"Stop being stupid" masungit na sambit ni Harry na katabi ko lang. Minsan ka na nga lang magsalita ngayong araw eh ang sama pa.

"Tsk." Naglakad na lang uli ako baka kung ano pang magawa niya eh. Sinundan ko lang siya papuntang school at hindi na pinansin ang mga nasa paligid.

Sinisipag naman akong makinig sa mga prof na pumapasok.

"You may now have your break" sambit ng professor sa second subject namin.

Pagkatapos ng second subject namin ay agad akong lumabas ng hindi inaantay si Harry, baka kasi maiinit parin yung ulo niya eh. Ayoko namang pag-initan ng masungit na bampira tsk.

"Hi New Friend!" rinig kong sigaw ni Ethan, hinanap ko kung nasaan siya. Nakita ko lang siya sa gilid ng isang  classroom.

Katulad kanina ay nakangiti parin siya habang nakasandal pa ang cool niya talagang bampira. Nilapitan ko siya, bigla siyang natawa kaya nagtaka ako.

"At anong nakakatawa?" pagsusungit ko. May dumi ba ako sa mukha o talagang nakakatawa lang ang itsura ko ngayon?

"Haha sa lahat ng pwede mong itawag eh bakit Hi New Friend?" Tawa pa niya medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. May masama ba sa sinabi ko?

"Wala akong maisip eh" nagkamot naman ako ng ulo dahil sa hiya.

Ay may kuto lang ang peg 'te?

Inaya niya akong magikot-ikot habang kinakain ko yung baon kong sandwich, wala kasing mabibilhan dito ng pagkaing-tao.

"Ang cute mo naman kumain" he said then chuckled. Hindi ko alam kung kikiligin ako o hindi. Waaahh! Wag kang kiligin Hera sa kanya!
Baka sa susunod niyan ay dugo na pala ang kailangan sayo.

"Ahmm.. .nakikipagkaibigan ka ba dahil para akong container ng dugo na pwede mong gamitin?" Makabuluhan kong sambit sa kanya kaya naman napatigil kaming dalawa. Napatingin siya sa akin.

"No, hindi ko iniisip 'yon" he said in a serious way. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya dahil bampira siya.

Naupo na muna kami sa isang bench dito sa small park kung saan kami naupo kahapon ni Harry. Naalala ko ang pang-aasar nila sa'kin kaya kami nagkakilala ni Ethan.

Umihip ang malamig na hangin sa aking balat dinama iyon, ang hanging dumampi sa balat ko na nagbigay rin ng kilabot sa'kin, bakit ganito? I shrugged that feeling at itinuon ang atensyon sa lugar, maganda siguro dito kung umaga?

"Bakit ba ang lamig dito" wala sa sarili na tanong ko. Nakapikit lang ako, medyo dinadalaw narin ako ng antok.

"Kasi marami nang namatay dito" agad akong dumilat at tumingin sa kanya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Sabagay school ng mga bampira dito pero paano?

"You must be joking Ethan, h'wag mong sabihing sila ang dahilan kung bakit malamig?" Gulat parin akong nakatingin sa kanya, siguro ang laki na ng mata ko.

"Haha just joking, ikaw madali kang nagpapaniwala, yung babaeng katabi mo tuloy natatawa sayo" nagulat ako sa sinabi niya. Kaya napakapit ako sa braso niya, hindi nga ako gaanong takot sa bampira pero sa multo, oo, takot na takot ako.

Lumingon-lingon pa ako hinahanap ang babaeng sinasabi niya. " Ethan naman kasi h'wag kang nananakot!" Inilibot kong muli ang aking mata at nakita si Harry na papalapit sa amin.

"What's that?" Walang emosyong nakatitig siya sa pagkakahawak ko sa braso ni Ethan, napabitaw ako ro'n. Lagi nalang akong naaaktuhan ni Harry sa mga ganito ano ba 'yan.

Ang pangit na niyang tignan ngayon kasi nakasimangot na talaga siya.
"Let's go Hera" saka niya ako hinatak papalayo kay Ethan.

"Bye New Friend!" sigaw ko pa saka kumaway sa kanya ginantihan niya lang ako ng isang kaway at ngiti.

Nabalik naman ako kay Harry at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa'kin na sobrang higpit. Pero wala akong nagawa kun'di ang magpadala na lang sa kanya.

A/N:

If you like this chapter please consider giving a vote. A simple vote is appreciated. Thank you.

Published: May 08, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon