CHAPTER 24:

1.2K 36 0
                                    


-Ethan's Point of View-

Hindi ko alam kung bakit hindi napansin ni Mr. Montereal ang dugo na dumadaloy sa kanya, baka napansin niya pero hindi niya sinasabi kay Hera. Nandito lang kami sa malaking kwarto nakatayo at magkaharap sa isa't-isa. "I want you to focus first," I said. "Now, look into my eyes so you can enter my mind then focus, as what my mind says you'll say it okay?" Tahimik lang siya na nakatingin sa akin saka tumango.

'Hey Ethan' Tumingin ako sa kanya nang nakangisi. Paano niya agad natutunan ang kausapin ako sa isip samantalang hindi niya pa nga nagagawa ang magbasa. 'Masyadong maingay ang utak mo Friend'

'Do what I command, you're good enough, baby' Magaling siya.

'Magaling ako' Natawa ako sa sinabi ng utak niya.

"Okay tama na, Hera" I blocked my mind para hindi na niya mapakialaman.

"Teka bakit hindi ko na mapasok yung isip mo?"

Natawa lang ako sa kanya. Hindi niya maaaring matutunan ang blockings. Hindi ko na mababasa iyon. "How about the ability of teleportation?" Nakita ko itong ginawa niya nang gabi na nakita niya akong may nabiktima.

"Sus ang dali-dali lang niyan eh, puntahan kita dyan?" Sasagot palang ako pero nasa harapan ko na siya at ang lapad na ng ngiti.

"How about the ability of strength and other powers?" Nagtaka siya sa sinabi ko.Kumuha ako ng isang baso at inilapag iyon sa sahig, itinapat ko ang kamay doon at pinaangat ang baso gamit ang telekinesis at binasag iyon. "Try your telekinetic thing." Ginawa niya rin ang ginawa ko sa hindi inaasahan, in just a snap nagkadurog durog ang baso.

"Bakit gano'on na yung nangyari?, sinubukan ko lang naman iyon eh." So hindi niya pala sinasadya, sinubukan niya lang.

Marami pa akong tinuro sa kanya, magaling siya, malakas at maganda ang mga pinapakita niyang kakayanan. Sa tingin ko alam ko na ang kahihinatnan nito. Inihatid ko na si Hera sa bahay nila kahit pa nagpupumilit itong gamitin nalang yung ability niya. Pagbalik ko ng bahay ay sinalubong ako ng kapatid ko, akala ko umuwi na ito kina mama?

"I like her kuya, may natatago siyang lakas and for sure hindi niya pwedeng ilabas iyon dahil baka maging monster siya 'di ba?"  Nakasandal siya sa gilid ng pintuan.

"Umuwi ka na kaya Eyhan."

"Eyha is my name kuya, and kailan nga pala yung pageant ni sistar Hera?" Sinundan niya lang ako hanggang sa kwarto ko.

"This thursday, hope you'll come Eyha." Tumango lang siya saka napagpasiyahang umalis. That gay makes me to be like him. Joke!

                              . . .

-Harry's Point of View-

"Hello, Harry!" Bati sa akin ni Hera sabay halik sa pisngi ko. And what's with her? Tumingin ito sa mga mata ko.

'Maganda ba ako' I widely open my eyes when I heard her voice in my mind.

'How did you do that sweety, who taught you the ability?' Para kaming nag-uusap lang sa tingin.

'Secret, sweety' Ngumiti pa ito ng pagkalawak-lawak.

Iniharap ko siya sa akin at seryosong tumingin sa kanya. "Control yourself from anything okay?" I hugged her. Her blood which is actually mine is mixed with the poisonous blood of an ancient vampire. Napansin ko lang iyon nang maamoy ko ang dugo niya noong nagkatabi kami kasama si Ethan. Alam kong mapapansin din iyon ni Ethan.

"Lagi akong mag-iingat ano ka ba, lalo na't nalaman kong masyado akong malakas at hindi ko kakayanin ang mga maaari ko pang magawa." Ngayon naiintindihan na niya.

"So. . ."

"Bago mo ituloy iyang sasabihin mo, upo muna tayo kasi namamaga parin yung paa ko dahil doon sa heels na sinuot ko." Mahina lang akong tumawa. "Oo nga pala, sino yung representative natin sa room para maging contestant doon sa 'Prince of the Vamps'?" I am actually thinking about that.

"I think it's Mr. Gonzales," I suggested.

I don't want to participate then, even though it is needed. Pinagisipan ko nang mabuti iyon, I just don't want to participate. That's the rule.

'Ang daya mo'

"Hindi ako madaya." I blocked my mind para hindi pakialaman pa ni Hera, masyado pa siyang mangha ngayon sa mga nagagawa niya.

"Eh bakit ako kailangan sumali tapos ikaw hindi ka man lang magpaparticipate sa kahit na anong activities na ginawa mo?" Reklamo pa niya.

"Okay sasali na, siguraduhin mo lang na hindi ka magsisi kapag sumali ako, sweety." Alam kong magseselos ka lang  kaya ayoko talagang sumali, okay lang kung ako ang magselos basta ikaw huwag.

"Yehey! Sige ako magchi-cheer sa inyong dalawa ni Ethan!"

Nagbago kaagad ang gusto ko. I want to join any of my activities! Kasali pala ang mokong. Nagpapasikat pa kay Hera.

"Anong iniisip mo?"

"Nothing," I said. "Hmm. Date tayo." Nagbago ang itsura niya. Mukhang nilukot na namula ang kanyang mga pisngi.

"Ha ano? Teka saan naman?" She was nervous.

"I want you to be happy before the pageant comes. Let's date on my bed," I grinned.

Her eyes are now wide open." Siraulo ka! anong bed ang sinasabi mo. A-ang dami mong alam!" Sobrang pula na ng kanyang mga pisngi, tinutukso akong pisilin iyon.

"So where do you want to date?" I asked.

Nagisip-isip pa siya nang malalim. Sigurado ba siyang ayaw niya sa higaan ko? Masaya naman doon.

"Alam ko na! dito na lang sa sala,"

"So. . .you want us to do it here?" I grinned again. Sumimangot siya bigla. Para na siyang maiinis sa mga pinagsasabi ko.

"Kalokohan mo, Harry."

She took a way on the kitchen. "Hey! Hera. Don't be a green minded, I just want to say I like picnics on my bed, or maybe on the sala?" I shouted. What?

Bumalik ulit siya at hinarap ako. She just gave me a confused look. "Nahihibang ka na ba? Picnic sa higaan mo?" Seryoso niyang tanong.

Natawa ako sa isinigaw ko kanina. Mayro'n bang ganoon? Pati ako ay nagtaka na rin sa sinabi kong picnic sa higaan. "Then, we'll try it." I said confidently.

"Okay, tsk. Ako maghahanda ng pagkain."

"Oh, no need. You're my food, sweety." Inis lang siyang umalis patungong kusina. She got pissed off. And I like it.

Nauna na akong pumunta sa kwarto ko, inayos ang higaan. I changed the bed sheet to red in 10 seconds before Hera comes. Humiga muna ako saglit habang hinihintay siya. I suddenly hear her steps towards my room.

"Harry." Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang tatlong wine na dala-dala ni Hera. Where did she get those? "Mabuti na lang talaga at nakita ni Mary itong wine. Hindi ko alam ang pwede nating inumin eh bukod sa dugo." She smiled.

"It's okay. By the way, it is not an ordinary wine. It is mixed with blood." I explained.

"Ah, iyong lagi mong iniinom sa bar mo?" Tumango ako.Kinuha ko ang mga dala niya saka inilagay sa side table. "Picnic ba ito? Eh iinom lang tayo. Lalasingin mo lang yata ako Harry. May balak ka ba ha!" Sunod-sunod niyang tanong.

"Oh no, Hera. It's just a picnic for me." I smiled.

"Siguraduhin mo lang." Kinuha niya ang isang bote ng wine at binuksan ito. Inilagay niya kaagad sa baso niya at ininom. Mariin pa siyang pumikit pero agad din namang nawala dahil sa alam ko ay hindi naman matapang 'yon. "Woah! ang sarap naman nito!" she exclaimed.

"That's why I like it."

Published: May 14, 2017

Revised: August 03, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Where stories live. Discover now