"Nanay!! Eto na pandesal mo penge isa" biglang pumasok yung batang lalake tapos inilapag nya yung supot ng pandesal sa lamensa pagakatapos naglakad na papalabas

"Oy salamat Iteng" sagot ni Nana at iniaabot sakin yung supot

"oh kumuha ka. kumaen ka ng kumaen ng marami para tumaba ka.. payat ka iha" sabi ni Nana

"Nay patatabain nyo yan ha.. dapat maging kasing taba nyo" biro naman ni Harold si Nana tuloy sumimangot..xD

"anong tingin mo sakin mataba? Jarold kumaen ka rin ng kumaen diyan ng bumaet kang bata." Mataray na sagot ni Nana tapos basta.. ang dami naming pinagkekwentuhan..xD

Nagkamustahan sila ni Harold tapos nagkwentuhan tungkol sa Manila, sa pag-aaral ni Harold, tapos kung pano si Nanay Ines dito... Nakakatuwa pa nga kase nakikipagbiruan sya.. di gaya ng ibang matatanda na puro kasabihan ang pinapangaral..xD

Pagkatapos namin mag-agahan si Nana Ines kung ano ano na ang inatupag.. Pagkatapos mag-urong ni Harold e ako naman nakaramdam ng panlalata... kinusot ko yung mata ko sa antok tapos si Harold lumapit sakin at hinawakan ako sa bewang

"Inaantok ka na? Pasok ka na dun sa kwarto matulog ka na" sabi nya sakin

"E ikaw?" sagot ko

"MAmaya na ako.. marami pa kong gustong gawin kaya ikaw magpahinga muna" sagot nya sakin

"E ano ba gagawin mo?"

"basta.. tutulungan ko pa si Nana tsaka sasamahan ko kung ano gagawin.. pasok ka na dito sa kwarto o may electricfan naman" sagot nya sakin, hinawi nya yung kurtina at pumasok kami sa kwarto.. Papag lang ang higaan tapos kumot at unan.. may kabinet na katabi.. simpleng simple lang talaga^___^ may bintana naman sya tanaw yung bundok at malamig parin ang hangin. Sinaksak ni Harold yung electricfan tapos ako naman naupo at inayos ang unan..

Kinuha ni Harold yung kumot saka ako nahiga.. Nagulat ako sa ginawa nya nung kinumutan nya ko at todo ayos pa sya ng kumot ko hanggang sa paa.. naupo muna sya saglit sa tabi ko

"Matulog ka ng mahimbing" sabi nya sakin habang nakangiti.. nakakakilig tuloy nawawala antok ko..xD Parang mas gusto ko pang yumakap sa kanya maghapon..xD

"Mamaya mo na gawin kung ano gusto mong gawin.. tabi ka muna sakin hanggang sa makatulog ako" sagot ko sa kanya habang hinihimas ang braso nyang kumukulong sa bewang ko at nakatukod sa higaan

" ano ka ba aasikasuhin ko muna si Nanay.. mamaya naman masosolo mo ko" nang-aasar pa ang ngiti nya saka ako hinalikan derecho alis

WAAAAAH!!! >.<

Napakapit ako ng mahigpit sa kumot ko sa sobrang kilig..xD Ang sarap ng pakiramdam. WOOOH!! dagdag pa sarap ng hangin.. Haaaay ^_____^

Pumikit na ko habang iniisip parin si  Harold at nag-iimagine ng mg mangyayari samin dito.. sigurado ako puro masasaya yun^___^

!@%^$%&%^*%^&#$%#$

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang sakit ng katawan ko >.< AAAAAAAAAAHH

Gumulong gulong pa ko sa papag para mag-unat.xD Pumalupot naman sakin yung kumot...

Pagdilat ko hala... violet na yung langit.. pagabi na pala....

Teka? Anu yung ingay na yun? 

Parang maraming tao sa labas... Di ko naman matatanaw kase sa gilid ng bahay nakalagay bintana dito sa kwarto kaya nga bundok nakikita ko e..xD

May mga naggigitara tapos nagtatawanan...

Bumangon na ko at pinatay yung electricfan... napansin ko na may mga supot sa tabi ng electricfan.. Sinilip ko kung ano tapos mga damit???

UnconditionalWhere stories live. Discover now