Napangiti na lang ako nang palihim at nahuli ako ng mga pinsan ko sa ngiting iyon.

"Kaye, tell us something what brought you here." pag-uumpisa ni Nathalie.

Hindi sila tumatawag ng ate sa akin. It's cool because two years lang naman ang agwat ko sa kanila.

I just wear a smile and replied, "I missed, lola. It's been fourteen years na akong hindi nakakabalik dito at tsaka para makita ko rin kayo." Nice one, Kayesmile kahit na ang totoo ay gusto ko lang makamove-on.

"Wow! Mabuti naman at naaalala mo pa kami, Kayesmile. Namiss ka nga namin, eh.  Mamasyal kaya tayo bukas total aalis si lola, eh." Kumislap naman kaagad ang mga magagandang mata ni Rain.

Oh, gusto ko iyan. Hindi naman ako adventurous girl pero mas magandang ideya iyon.

"Sure, gusto ko iyon. Teka, kapag magsisimula na ba ang klase, uuwi kayo ng Maynila?" tanong ko sa dalawa na nagkatinginan.

"Yeah." Nathalie replied.

"Nathalie Eris, nakakahawa na ang walang kwenta mong english, alam mo ba iyon? Itulak kita pabalik ng States, eh. Nasa Pilipinas na tayo." saway ni Rain sa pinsan ngunit bumungisngis lang ito.

"Whatever, Lorraine." nakangiting saad naman ni Nathalie.

"Uy! kayong dalawa tumigil na nga kayo. Ang iingay niyo talaga." sabi ko habang nakatunganga sa phone ko.

"Kaye, si Kuya Jules po pala?"

Hindi ko inaasahang maitatanong ni Rain ang tungkol kay Jules. Na-shocked ako bigla.

"Wala na. Break na kami." sagot ko sa kanila habang humahalakhak ako.

"So sad." Nathalie's wide reaction at niyakap ako.

Habang si Rain ay  batid sa mga mata nito ang pagtatanong.

"Bakit?"

"Uhmmm... ganoon naman talaga ang buhay Rain, Nat. May mga relasyon talagang hindi para sa isa't isa. Tara na ngang mag-icecream. May nakita akong icecream sa ref kanina." bigla kong iniiwas ang usapan at tumayo na ako.

"Kaye, I think it's Kuya Gian's icecream. He will be angry. I assure you." Nathalie protested. Bakit, masama bang magalit ang unggoy na iyon?

"Hindi ako takot sa unggoy na iyon." sabi ko at sabay silang nagtatawanan.

"Okay, let's go." pagsang-ayon naman ni Rain.

Sabay na kaming lumabas tatlo sa room. Sa tingin ko ay mabilis ang move-on stage ko rito. First, malayo sa Maynila, sa mga taong sinaktan ako. Sana like kuya ay mapapagaling ko rin ang puso ko.

--

Ang sarap! Chocolate flavor and strawberry pa naman. Favorite ko ito promise. Ang dalawa kong pinsan mga patay gutom. Kanya-kanyang baso sila at naglalaro pa ng paubusan ng icecream.

"Rain, saan nga ba nagpunta si lola?" panimula ko sa kanila.

"Sa opisina Kaye, babalik lang naman iyon kaagad." sagot ni Rain habang dinidilaan pa ang kutsarang hawak.

Infairness, hindi lang pala ako ang icecream monsters dito. Tatlo na pala kami. Magpinsan nga talaga.

"Ahemm, tagalog." Si Nathalie na nagpause pa and she continue, "Mabuti at naparito ka, Kaye. Next day pauwi na kami ni Rain. Magsisimula na kasi ang klase namin, private school you know." sabi ni Nat na siyang ikinagulat ko.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now