CHAPTER 3

1 0 0
                                    

WAITING

Grabe, mahigit apat na oras na kaming nakapila dito pero, eto pa din. nasa pang limang pila pa lang kami. ansakit na ng paa ko at nagugutom nanaman ako. Kanina pa kami nakatayo dito at nagpapalitan ni Mikee sa pagbabantay kung may mag ccr man saming dalawa. Buti na lang talaga at may kasama ako kung hindi, nako hindi ko alam gagawin ko pag naiihi ako. Nakakainis lang kasi yung mga nasa harap nag papasinget. Medyo kinakabahan na din ako kasi 6 na ng hapon yari ako neto sa nanay ko. At mas nakakatakot is, baka pagod na yung mga Authors kakapirma pano ba naman kasi, walang break. hays. Once in a bluemoon ata ang pag usad ng pila.
"Martha, ansakit na ng paa ko." reklamo ni Mikee.
"Halos lahat naman tayo masakit talaga yung paa." saad ko. Gusto ko nang sumuko at umuwi kasi-!
"HOY ANO BA KAYO KANINA PA KAYO NAGPAPASINGIT NG NAGPAPASINGIT JAN AH!" naputol pag iisip ko na biglang sugudin ng mga babae yung nasa harapan.
"ANONG NAGPAPASINGET? KASAMA NAMIN SILA!" sigaw pabalik nung babae
"WALA NAMAN SILA KANINA JAN HA! BAT NAGPAPASINGIT KAYO!" "ANDAYA NIYO ANDAMI NAMING NAG AANTAY DITO PUMILA NGA KAYO!"
"EH KUNG KASAMA NGA NAMIN SILA DIBA!" kaliwa't kanang sigawan. Nakakatakot baka mamaya-!
"SANA KASI INAGAHAN NIYO PARA NASA HARAPAN NAMIN KAYO ANDAMI NIYONG REKLAMO KANINA PA KAYA KAMI DITO!"
"MAGKAKASAMA KAMING NAG ANTAY! NAUNA LANG SILA PERO KASAMA NILA KAMI!"
"EDI SANA PUMILA KAYO DUN SA DULO! KAYA HINDI UMUUSAD YUNG PILA EH!"
"OONGA LUMAYAS NA YUNG MGA SUMINGIT JAN!" Nakakatakot, nagdudumugan na sila tas yung mga Guards napapalapit na din yung mga Authors napapatayo na at-!
"ARAY ANO BA!ANG OA MO NAMAN!" Napalayo kami nang magsabunutan na sila! grabe!ano ba toh! yung mga guards at bouncers nagtakbuhan para umawat na pero andami nilang mga nag aaway!
"Martha tara na!" hinatak ako ni Mikee kasi nagkakagulo na. Di ko alam pero napatingin ako sa lugar kung nasan yung mga Authors kanina pero wala na sila.
"Martha!" sigaw ni Mikee at hinatak ako palayo dun sa BS Area.
"Yung mga Authors nawala!" sigaw ng mga babae. Hinatak ng mga guards palabas yung mga nag aaway, nagpupumiglas sila at makikita mo talaga yung mga sugat sa katawan nila.
"ANG KAPAL NG MUKA MO SANA DI KA NALANG NAGPASINGIT PINAPALALA NIYO TOH!" sigaw nung bakla.
"MAG SI TAHIMIK KAYO! ITITIGIL NA TONG BS DAHIL ANLAKING KAGULUHAN ANG GINAWA NIYO! SINABI NANG HINDI PEPWEDENG MAGPASINGET!" sigaw ng emcee. may... dugo. t-teka, b-bat ang O.A? Dahil lang sa pila? grabe silang mag away.
"Martha, tumawag na si tita! halikana at umuwi na tayo!nabalitaan nila yung nangyayare." hinatak ako ni Mikee pababa ng escalator pero andaming nagkakagulo
"Teka Mikee! sa hagdan na tayo dumaan!" sinunod niya ang sinabi ko at naglalakad na kami pababa ng biglang nahagip ng mata ko ang mga Authors na nag uusap usap. usap..usap. Sama..sama...sila. Yung muka nila mga mukang pagod at gulat nang makita kami.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ng isang Author. Teka, natutulala ako. Yung mga mata ni Kuya DBY nakatitig sakin, mga mata nila ate Jannah, teka.... Pano...... Huminga?
"KWIN JAAAH!!ANG GANDA GANDA MO PO TALAGA!" sigaw ni Mikee. Teka, si Kuya DBY, nakatitig sakin. Bat parang hinihigop niya ko? Bat ganun yung mga mata niya? ang lalim. Ang sarap titigan. May-!
"Martha! dali pa picture na tayo!" naputol pakikipagtitigan ko kay Kuya DBy nang sumigaw si Mikee.
"Ha? teka, nagkakagulo sa loob." inosenteng sabi ko.
"anong gagawin ko? dali picturan mo na kami nila Kwin Jah!!" sabay abot sakin ng camera. Pinicturan ko nga sila. Hindi ko alam pero di ako makaiwas sa titig ni Kuya DBy. Ano ba tong nararamdaman ko.
"Buti hindi kayo nadamay sa loob." Sabi ni Ate Jannah.
"Ano bang nangyari?" tanong ng isang Author. Hinayaan kong si Mikee ang magkwento habang nakikinig silang lahat. Pero, nakatitig si Kuya DBy saken. nakatitig talaga.
"Mam, Sir! tara na po. ihahatid na po namin kayo sa Parking Lot." Natuon ang pansin ko sa apat na Guards na nasa harapan na namin.
"sige, osiya, mag iingat kayo ha. paalam!"
"sige po mamshi! babay!" masiglang paalam ni Mikee. Sinundan ko ng tingin ko ang pag alis nila. Pero napako nanaman ang mga mata ko sa mga mapanitig na mata ni Kuya DBy.
"sir." tawag ng isang guard sakanya at sumunod na siya. Sinundan ko ang pagalis nila. Napabuntong hininga na lang ako ng mawala na sila sa paningin ko.
"Oy Martha!" sigaw ni Mikee nang masalo niya ko dahil napaupo ako. Parang nawala lahat ng lakas ko kanina.
"Oy di ka manlang nagsalita kanina! titig na titig kapa kay Kuya DBy! ni hindi ka manlang nakipagpapicture!" ewan ko di ko na masundan yung sinasabi niya basta naalala ko yung mga mata niya. May kung ano sa paninitig niya, nakakalusaw, nakakapanghina.

DEAR AUTHORWhere stories live. Discover now