CHAPTER 4

0 0 0
                                    

DREAM

"T-teka DBy! W-wag m-muna!" nauutal na sambit ko.
"Martha, gusto talaga kita." ayan nananaman yung mga paninitig niyang talagang mahuhulog ka.
"Gusto din kita DBy, dati pa. Gustong gusto kita." napangiti ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ko.
"Martha, nais ko sanang halikan ang mga labi mo." mahinang sambit niya nang nakatingin sa labi ko.
"P-pero, n-naka mask ka." saad ko.
"Mahal naman kita kaya tatanggalin ko na toh sa harap mo." unti unti niyang tinatanggal ang mask niya at-!!

"ABA MARTHA! ANONG PETSA NA AT MAHUHULI KANA SA KLASE!" dali dali akong napabangon sa sigaw ni lola! PANAGINIP! NANAGINIP NANAMAN AKO! ANAK NG TIPAKLONG! Nakalipas ang anim na araw simula nung event halos araw araw nakong nananaginip tungkol kay DBy!! Halos ganun lagi! tatanggalin niya mask niya dahil nais niya kong mahalikan!
"MARTHA ANO BA BUBUHUSAN NA KITA NG TUBIG!" sigaw ni lola. Dumiretso ligo nako at nag bihis dahil ayoko nang masermonan ni lola aber!
"La! papasok na po ako!" sigaw ko at aambang umalis na.
"Teka, anong oras ka uuwi sa tatay mo?" tanong ni lola.
"hm, baka bukas na po la. madami pa din po kasi akong inaasikaso." Maayos naman ang tirahan dito sa Lola ko, hindi siya maliit. Tama lang. may sariling kwarto din ako. Sa taas naman, yung pinsan ko at magulang niya.
"Oy Sis! Anong balak mo? pupunta kaba sa Pampanga para sa pahabol na Meet and Greet ni Kuya DBy ha?!" salubong ni Mikee nang makarating ako sa room.
"Ewan ko, di naman ako papayagan dun malamang noh." nanghihinayang na sabi ko. Chaka isa pa, hindi ko na alam gagawin ko halos mabaliw nako araw araw dahil sa pananaginip ko kay DBy!
"Sayang naman. Ikaw kasi! wala pa tuloy pirma yang libro mo. At wala pa kayong picture ni DByBaby!!!" maarteng saad neto.
"Ewan ko sayo. Pano ba naman kasi, type ata ako ni DBy halos matunaw nako sa paninitig niya!" maaga pa naman, wala pang teacher pero marami nang tao sa room. Habang wala pang ginagawa nag open muna ako ng Twitter ko at inistalk si Kuya DBy.
DB_WP:
"There's something in your eyes, It hunts me every night."
Finavorite ko ito at nag reply ng:
"There's something in your eyes too! halos di mo na nga ko patulugin kakaisip sa mga mata mo lol!"
alam ko namang di niya mapapansin yun dahil sa dami nang nagreply. Nakakaselos sino naman kaya yung tinutukoy niya sa tweet niya?
"okay class! Good afternoon!" bungad ni mam Shane samin.
"Good afternoon mam!" bati namin pabalik.
Nagsimula na ang klase, at gaya ng dati. Ganun pa din. Mabuti na lang talaga at hindi ako nag C-cram dahil maaga pa lang, tinatapos ko na lahat. Yung mga assignments na kayang sagutan, sinasagutan ko na agad. para pag uwi sa bahay, wala nakong pinoproblema at nagbabasa na lang. Nakakatamad nga lang magbasa. Ewan ko ba, hindi nako nagbabasa matapos yung event. Pano ba naman kasi, madalas na lang akong lutang o di kaya'y busy sa school. Nakakaburyo kasi ganto set up araw araw, recess nanaman kaya eto tipid nanaman ako para may pambili ng mga luho ko. Magfafacebook na lang ako. Pagbukas ko ng data ko, may nag pop na notif sa twitter
"DB_WP replied" Ay aba teh! may kung anong nagwala sa tyan ko at dali dali kong binuksan ang notif!! DB_WP: "it's you." Ha? 'It's you'? ano yun? Nagulat ako nang mag pop uli ang phone ko at
"DB_WP just Followed you" t-teka. WHAT?!!!!!! ANONG IBIG SABIHIN? T-TEKA FINOLLOW NIYA KO! NIFAVORITE KO YUNG 'it's you.' iniscreenshot ko yung notif na nag follow siya sakin at nag tweet ng: "OMG!! IDK WHAT YOU'RE TALKING ABOUT TUNGKOL DUN SA IT'S YOU PERO KINIKILIG AKO DAHIL FINOLLOW MOKO!!" Grabe! nawindang ako! capslock para kitang kita! nakakashock at-!
DB_WP : "it's you, the girl who hunts me every night." wait.....teka.... lahat ba kami nireplyan niya neto? *check *check. hinde. ako lang nireplyan niya non!!yung iba nagrereply ng
"KUNYARE DI AKO NAGSESELOS!" "OMG ATE SINO KA?" teka....... ambilis........ng.....t-tibok.......ng.....pu-pus-so k-ko.......

DEAR AUTHORWhere stories live. Discover now