[24]Not-one-of-those-kind-of-dates

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah. Tita, Pramis ko po, ibabalik ko dito anak niyo before midnight."

"Ah hijo, kahit hindi na..... "

"Ma???!" Sigaw ko sa kanya..

"Ah o sige, lumakad na kayo... para mahaba-haba ang oras ng pagdedate ninyo." Bah! tinataboy na lang ako ngayon?? Hindi ka rin atat ma ei no?!

"Sige po tita. Alis na po Kami. I promise to take good care of your daughter."

Habang lumalabas na kami ng gate ay hinarap ko siya...

"Pagpasensyahan mo na Nanay ko ah...... Ah, minsan... ganun talaga yun." shucks! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nya....

Ganito ba talaga...? Wala naman akong hiya dati ah?! Ano ba talaga? Bakit hindi ako makatingin?

 "May sore eyes ba ako?"

 "huh?"

 "Ei, bakit hindi ka tumitingin sa akin?" grabe yung ngisi niya... gago ka talaga Sungit...

 "Ah..... dahil siguro yun dun... Alam mo Sungit.. Ang layo-layo mo talaga kay Rizal kahit kelan........."

 Oh la la! Pulang-pula na ako!... Paalala ba naman yung kagabe????

"haha.." Ang awkward ng tawa ko. PLASTIC (-_-)

Ito yung dagdag oh: 

"kasi si RIZAL NASA PISO..... IKAW NA SA PUSO KO <3."

"haha." awkward ulet na tawa. "ikaw talaga Sungit, ang lakas mong mantrip.. halika na nga.

"Grabeh, ang pula-pula mo talaga Sungit oh.. " at kinurot niya pa yung dalawang pisngi ko.

"Sungit, ano ba?! Masakit ah" pero hindi niya ko tinantanan..

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon